
ABS-CBN News
@ABSCBNNews • 9,225,697 subscribers
Stories, video, and multimedia for Filipinos worldwide, from ABS-CBN News and Current Affairs
Shorts
Videos

"Hindi po ito maganda para sa mga bata... tinuturuan po natin silang maging bayolente." Nabuwag ng mga awtoridad ang ilegal na sabong ng kabayo sa Sta. Maria, Davao Occidental. Apat ang arestado habang pitong kabayo na may mga sugat at kagat ang nasagip. | via Jonathan Magistrado
ABS-CBN News78,922 views • 14 hours ago

Things are about to be crazy! 👀 She’s someone who’ll turn your world upside down and trust us, you won’t see her coming. Her Majasty — Maja Salvador is finally back on Primetime Bida ✨ #SomeoneSomeday premieres July 24 on Netflix, July 25 on iWant and on July 27, 8:45PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube & Facebook.
ABS-CBN News271,737 views • 2 days ago

“Kung sino man ‘yung bumaril, sana’y sumuko na po.” Patay ang isang 30-anyos na ama na susundo sana sa kaniyang anak matapos siyang malapitang barilin sa tapat ng isang paaralan sa Barangay Prinza, Teresa, Rizal nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 16. | #SelfiePatrol ni Christopher Sitson
ABS-CBN News157,271 views • 1 day ago

"'WAG NAMAN AKONG LOLOKOHIN AT MATANDA NA AKO" Nabigo ang 92-anyos na si Patria Castillo ng Bgy. Sto. Niño, Calapan City sa Oriental Mindoro nitong Martes na makatanggap ng 10 kilong bigas sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng national government. Ayon kay Castillo, halos 3 oras siyang naghintay sa distribution site ngunit laking dismaya niya nang malamang wala ang kanyang pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo. | via Dennis Datu
ABS-CBN News309,752 views • 3 days ago

EXCLUSIVE: Idinetalye sa ABS-CBN News ng team leader ng rescue team ng MDRRMO Dipaculao na si Angel Librero ang mga pangyayari sa isinagawa nilang pag-rescue sa nasawing Ateneo Blue Eagles basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong June 8. | via Jessie Cruzat
ABS-CBN News3,300,533 views • 1 month ago

“Sana makita kami. Kung sino man yung makakatulong sa amin, kahit maliit na bagay tatanggapin namin.” Nagdadalamhati ang pamilya ng motorcycle taxi rider na si Fabio Norberte Jr. matapos siyang saksakin ng ice pick at nakawan ng motor ng sariling pasahero sa Caloocan nitong Hulyo 14. Dahil sa krimen, tuluyan nang naulila ang 3-taong gulang at may autism na anak ni Fabio na si Anghel, na sanggol pa lamang nang mamatayan din ng ina. Kumakatok sa puso ng mga may busilak na kalooban ang pamilya Norberte mula sa Quezon City para sa gastusin sa burol at para sa pagpapagamot kay Anghel. | via Christopher Sitson
ABS-CBN News159,563 views • 3 days ago

Mahirap mag-let go. Hirap pa rin si Tita Winnie Cordero na pakawalan ang mga dating nakasanayan kasama ang kanyang namayapang asawa. Aniya, nakatabi pa rin sa kanilang bahay ang mga gamit na naiwan ng mister. Panoorin ang buong kuwentuhan sa “Oh My Gan” sa ABS-CBN News YouTube channel:
ABS-CBN News515,946 views • 10 days ago

“UNANG-UNA GUSTO PO NATING KUMUSTAHIN SI SEN. PIA CAYETANO” Palace Press Officer Claire Castro responds to Sen. Pia Cayetano who earlier said that if senators insist that the Senate should be in session to amend the impeachment rules, then Malacañang should be called upon for a special session since the Palace is seemingly “very supportive” to the majority. | via Harlene Delgado (🎥: RTVM)
ABS-CBN News384,404 views • 10 days ago

Naniniwala si MMDA Chairman Romando Artes na hindi kailangan ng consent kung nasa public place ang pagkuha ng video gaya ng naging paghuli sa teacher na nagmamaneho ng motor na walang suot na helmet. Gayunman, sabi ni Artes, ire-review pa rin nila ang kanilang policy dito at kokonsulta sa National Privacy Commission. | via Johnson Manabat
ABS-CBN News62,763 views • 2 days ago
3:12
Sensitive content
This media may contain sensitive content.

“Marami siyang pangarap, mag-a-abroad siya para mapagamot 'yung anak niya.” Patay ang isang motorcycle taxi rider matapos pagsasaksakin ng kanyang angkas sa Barangay 20, Caloocan City nitong Martes ng madaling araw, Hulyo 14. Matapos nito, tinangay ng suspek ang motorsiklo ng biktima. Ayon sa pulisya, modus ng arestadong suspek na pagnakawan ang mga rider na pumapasada lalo na sa gabi. | #SelfiePatrol ni Christopher Sitson BASAHIN:
ABS-CBN News90,580 views • 3 days ago