
News5
@News5PH • 864,233 subscribers
The Official Twitter account of News5 📲FB/IG/YT/TikTok: @News5Everywhere 📧: [email protected]
Shorts
Videos

LALAKING NAHULOG SA BUKAS NA DRAINAGE Tinakpan na ang drainage canal kung saan nasawi ang nahulog na lalaki sa Friendship Highway sa bahagi ng Brgy. Cutcut sa Angeles City, Pampanga nitong Biyernes, Aug. 28. Dalawang lalaki ang nakakita sa insidente at agad na sumaklolo, ngunit ‘di na nila nasagip ang biktima. | via Isagani Navarro
News5228,885 views • 2 days ago

‘IF YOU DON’T HAVE A BRAIN, JUST F*CK GO AWAY!’ Kinondena ng NUJP Iloilo ang umano’y verbal harassment, pagmumura, at pagbabanta ni Daniel Stefan Robertsen, proponent ng itatayong 50-megawatt hyperscale AI data center sa Oton, Iloilo, sa mga mamamahayag na nagtangkang mag-interview sa kanya. Nangyari ito kasunod ng pag-walkout ni Robertsen sa isang public consultation kaugnay sa nasabing data center ngayong Biyernes, Aug. 14. Giit ng NUJP Iloilo, dapat malayang nakapagtatanong ang media, lalo na sa mga proyektong may malaking epekto sa mga komunidad na malapit dito. | via Gio Robles 🎥 Rjay Castor
News5453,334 views • 18 days ago

‘TAON-TAON NA LANG PO GANITO NANGYAYARI SA AMIN, ILANG BESES NA RIN PO KAMI LUMAPIT SA GOBYERNO’ Naging emosyonal ang isang residente nang manawagan sa pamahalaan matapos muling makaranas ng matinding pagbaha sa Sitio Babarongga, Brgy. Pagalanggang sa Dinalupihan, Bataan nitong Sabado, Aug. 29. Nangangamba ang mga residenteng nakatira malapit sa tabing-ilog matapos pasukin ng rumaragasang tubig na may kasamang putik ang kanilang mga kabahayan. Ilang bakod at mga istrukturang gawa sa light materials ang nawasak at tinangay ng malakas na agos nang umapaw ang ilog matapos ang malalakas na pag-ulang dulot ng Habagat. | via Roel Tarayao
News541,044 views • 2 days ago

''YUNG ANAK KO ANG DAMING PASA, SAAN GALING 'YUNG PASA?' Maraming katanungan si Rovelyn Baterbonia sa sinapit ng kanyang anak na si Rene Baterbonia habang nasa boot camp ng Ateneo Blue Eagles men’s basketball sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes, June 8. Nasawi ang student-athlete matapos malunod. Base sa salaysay ng mga kasamahan ng biktima sa mga awtoridad, mayroon umano silang activity kung saan lumalakad ang mga player sa dagat na hanggang hita ang lalim. Nang bigla umanong tangayin ng current si Baterbonia at isa pa niyang kasamahan na si Divine Adili. | via Mon Gualvez
News51,044,330 views • 2 months ago

'ENTIRELY UP TO THE MEMBER SCHOOL' Iginiit ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) executive director Atty. Rebo Saguisag na nasa discretion na ng Ateneo de Manila University kung papatawan ng sanction si men's basketball team head coach Tab Baldwin kasunod ng pagkasawi ng players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
News5770,213 views • 2 months ago

'AALIS NA KO NG PILIPINAS' 'Yan ang reaksyon ni Kylie Padilla sa naging pahayag ng amang si Sen. Robin Padilla na handa siyang tumakbo sa pagka-bise presidente kung ipag-uutos ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Bida si Kylie sa “The Lotto Winner” kasama si Albert Martinez. | via Von Belinario
News51,763,616 views • 6 months ago

‘NASA 130K HANGGANG 190K NA TRABAHO’ Ibinahagi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at CEO Engr. Joshua Bingcang ang malaki umanong maitutulong ng Pax Silica sa bansa. Makapagbibigay umano ito ng daan-daang libong trabaho para sa mga Pilipino at magpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
News5336,742 views • 1 month ago

‘NAKIKITA, NAKIKINIG, AT KUMIKILOS’ Ibinida ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, sa isang Facebook post, kung paano mino-monitor mula Tuguegarao ang sitwasyon sa Metro Manila gamit ang MMDA Command Center at Hotline 136. Aniya, mahalagang may teknolohiya, malinaw na responsibilidad, at kakayahang umaksyon agad para maging epektibo ang gobyerno.
News5145,741 views • 18 days ago

'MOTU PROPRIO' O 'DIRECTED INVESTIGATION?' Naging sentro ng cross-examination ng depensa ang legal na batayan ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), kabilang ang kahulugan ng mga terminong "motu proprio" at "directed investigation" na binanggit ng unang testigo ng prosekusyon. Nagkaroon naman ng sunod-sunod na pagtutol ang House prosecution panel sa ilang tanong ni defense counsel Atty. Carlo Narvasa, dahil umano sa pagiging "argumentative" ng mga ito. WATCH: #VPSaraOnTrial
News5420,798 views • 1 month ago

‘I COULD FEEL THAT SHE WAS LOSING IT’ Hindi nagustuhan ni House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang timpla ng pananalita ni defense counsel Atty. Kristine Ferrer kaya pinatulan niya ito sa gitna ng ika-15 araw ng impeachment trial laban kay Vice Pres. Sara Duterte. Giit ni Kapunan, hindi kailangang maging agresibo o magtaas ng boses para maipahatid ang punto sa pagdinig. #VPSaraOnTrial
News5119,353 views • 18 days ago





