Pilipinas Today's banner
Pilipinas Today's profile picture

Pilipinas Today

@PilipinasToday_5,551 subscribers

Balitang Pilipinas, balita today

Shorts

Muling usap-usapan online ang ‘tila hindi na naman nagkakatugmang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa kanyang kaugnayan kay Ramil Madriaga, na nagpakilalang dati niya umanong "bagman." Matatandaang Disyembre 25, 2025 nang mariing itinanggi ni VP Sara ang kanyang ugnayan kay Madriaga, binigyang-diin na hindi niya ito kakilala, at kung walang ebidensiya, ang mga alegasyon laban sa kanya ay maituturing lamang na paninira. Samantala, naungkat kamakailan ang isang video na kuha sa campaign sortie ni VP Sara sa Sorsogon noong Pebrero 6, 2022, kung saan makikita at maririnig na tinawag ng bise presidente si Ramil Madriaga sa kanyang palayaw na "Ram" habang inaabot sa kanya ang isang bandila. Nakatakda namang dumalo si Madriaga sa impeachment proceedings ng House Justice Committee laban sa Bise Presidente sa Martes, Abril 14. #PilipinasToday #RamilMadriaga #VPSara #Duterte #VPSaraDuterte #IndaySara #SaraDuterte #Impeachment #ImpeachmentUpdate

48,614 views

Videos

PilipinasToday_'s profile picture

LESSONS FROM HISTORY: 2ND ENVELOPE VS. BIR BOX Muling lumutang sa social media ang mainitang talakayan ng mga Senator-judge sa impeachment trial na ginanap noong Nobyembre 2000 hanggang Enero 2001 laban kay noon ay Pangulong Joseph Ejercito Estrada tungkol sa pagbubukas ng “second envelope” na naglalaman diumano ng bank accounts nito gamit ang alyas na “Jose Velarde.” Si Erap ay na-impeach noon ng Kamara dahil sa umano’y pagtanggap ng milyun-milyong pisong komisyon mula sa illegal jueteng operations. Kabilang sa mga sumabak sa mainitang debate ay ang mga beteranong senador na sina Franklin Drilon, Miriam Defensor Santiago, at Joker Arroyo. At nang manaig sa botohan ang mga ayaw mabuksan ang “second envelope” sa botong 11-10, nag-walkout ang buong prosecution team kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni noo’y Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. bilang protesta sa pagpipigil umano ng mga pro-Estrada senators na mailabas ang katotohanan. Ito ay sinundan ng “EDSA Dos” People Power Revolution kung saan napatalsik si President Estrada mula sa Malacanang. Samantala, ang 11 senador na bumoto laban sa pagbubukas ng sobre kinalaunan ay binansagan ng publiko bilang “Craven Eleven” o mga duwag na mambabatas. Fast forward tayo ngayong Hulyo 2026, pagdedebatehan ng mga senator-judges sa impeachment trial sa Lunes, Hulyo 20 kung isasapubliko ang tinaguriang “BIR box” na naglalaman diumano ng tax records ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng "ill-gotten wealth" na inaasahang magdudulot ng panibagong tensiyong pulitikal sa bansa. (Courtesy: ABS-CBN) #saraduterte #impeachmenttrial #erapestrada #juetengscandal #PilipinasToday

Pilipinas Today

82,791 views • 16 days ago

No more content to load