
TV Patrol
@TVPatrol • 2,273,736 subscribers
Patrol ng Pilipino, naglilingkod saan man sa mundo.
Shorts
Videos

Tila nag-iba na ang ihip ng hangin sa Senate impeachment court sa kinakailangang bilang ng boto sa paghatol kay Vice President Sara Duterte. Samantala, hindi na isasalang ng prosekusyon bilang testigo ang ilang dating security officers ng vice president na idinadawit sa isyu ng confidential funds.
TV Patrol130,044 görüntüleme • 13 gün önce

Rumesbak si Senador Panfilo Lacson sa patama ni Senador Alan Peter Cayetano na ""ghost hunt"" at wala namang ebidensiya laban sa kaniya ang mambabatas kaugnay ng umano'y anomalya sa infrastructure projects sa Taguig City. Isinawalat naman ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hinarang ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga imbestigador ng kaniyang tanggapan.
TV Patrol83,200 görüntüleme • 11 gün önce

Kulong ang second-year college student sa Lipa City, Batangas na nagpanggap na dinukot at nanghingi ng P300,000 ransom para umano sa kaniyang kalayaan. Natuklasan ng mga awtoridad na lulong sa online gambling ang estudyante at hinahabol ng mga pinagkakautangan sa mga online lending application.
TV Patrol84,350 görüntüleme • 12 gün önce

Patay ang angkas ng isang motorsiklo matapos mabangga ng bus sa EDSA-Mandaluyong City. Kaugnay na ulat:
TV Patrol5,023,528 görüntüleme • 1 yıl önce

Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaking natagpuang nakatali sa puno sa Iloilo City.
TV Patrol109,445 görüntüleme • 17 gün önce

