
Chel 🌼 ********
@Chel_main_ • 6,257 subscribers
Caught in JL’s sparkle.
Shorts
Videos

JL: Grabe naman, ayaw pagamit ang name. Me: Dami kong hater. JL: Nababasa ko nga po mga posts mo. Alam mo, Ate Chel, hayaan mo sila. Huwag mo nang pansinin—i-block mo na lang agad. — JL: Alam mo, Ate Chel, hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Me: Nagawan ko na ng paraan yung Hirono kasi bawal talaga. JL: Opo, nakita ko po. Me: Kailangan ko talagang ipadala kasi hindi naman ako fan ng Hirono. (Sabay tingin kay Steven—napangiti siya at lumingon sa katabi.) Mas maka-Skullpanda talaga ako. JL: Ako rin po—Dimoo, Skullpanda, at Hirono. (Ewan ko sa batang ’to, baka kasi yun naman ang madalas kong ipinapadala sa kanya.) — Time ko na sana, lilipat na ako... — JL: Ate Chel, salamat. Hindi mo lang alam kung gaano ako na-heal sa mga bigay mo. Me: Alam mo ba, ako pa dapat ang magpasalamat sa’yo. (Ako, kasi hindi sanay makatanggap ng thank you.) — Ang kulit—hindi ako pinalipat kahit nandoon na yung nakakatakot nilang guard, kaya tuloy pa rin ang kwentuhan. Napunta ang usapan sa NYE event. Sabi niya, pang-two years na sana siya pero dahil sa Pilipinas sila, one year lang. Sabi ko naman, nine years na ako dito. JL: Bakit ayaw niyo po umuwi? Me: Wala akong uuwian, sayang ang sahod 😅 At isa pa, nandito ang business ko. (Walang uuwian in a way na mas ok pamumuhay ko dito, ang pera mabilis maubos pag namamali ka sa pag gasto. At isa pa bilang lumaki mag isa, sanay ako sa ganito na mag isa rin.) JL: Balang araw, Ate Chel, magkakasama rin tayo sa NYE. (Na parang konti lang fans niya—jusko, sa dami ng tao, sigurado hindi rin ako makikipagsiksikan.) 🫣 Palipat na ako sinabi ko sa kanya na nagreready na mga fans niya sa pag uwi niya.
Chel 🌼 ********87,181 次观看 • 5 个月前
没有更多内容可加载