
DZRH NEWS
@dzrhnews • 143,286 subscribers
The official X account of MBC Media Group's flagship radio station DZRH 666 kHz: Una sa Pilipinas, Una sa Pilipino
Shorts
Videos

PROMOTION NG AFP GENERALS, DAMAY SA SENATE GRIDLOCK JUST IN: Limang heneral ng Armed Forces of the Philippines ang nakabinbin ang promotion dahil sa kawalan ng quorum sa Senado. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng apektadong officers ang liderato sa ilang bagong unit ng militar. Una nang inilutang ni Sen. JV Ejercito sa DZRH Dos Por Dos na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote bukas, June 3, bago ang Sine Die break. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS132,011 views • 6 days ago

‘KUNG MERON PA SIYANG HIYA’ Halos 400 raliyista ang sumugod sa labas ng Senado para ipanawagan ang pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano. Bitbit ang mga placard at tarpaulin, iginiit ng mga miyembro ng Sandugo na kung may kaunti pang hiya si Cayetano, bumaba na siya sa pwesto. Kasabay nito ang pagsaludo nila kay Senador Chiz Escudero na siyang dahilan ng quorum kahapon. Nananawagan din ang mga tagasuporta ni Pang. Bongbong Marcos ng agarang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte Duterte, at pag-aresto kay Senador Bato dela Rosa. Bukod sa paghilera sa southbound ng Diokno Blvd., idinaan ng mga ito sa pag-indak ang kanilang panawagan sa Senado’t suporta sa administrasyon. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS66,484 views • 4 days ago

NEWS UPDATE: Hihingi ng gabay sina dating Cong. Mike Defensor kay Sen. Alan Peter Cayetano kung dadalo ang 18 ex-marines sa Blue Ribbon hearing sa Lunes. Sa panayam ng #DosPorDos, sinabi ni Defensor na si Cayetano pa rin ang kinikilala nilang Senate President. | DZRH News
DZRH NEWS45,071 views • 3 days ago

'INDAY BADIDAY NA BA TAYO DITO SA SENADO?' WATCH: Privilege speech ni Sen. Imee Marcos na may nilulutong charter change para sa term extension ni PBBM, Senador at Congressmen, sinopla. Pinabubura ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang tinawag niyang “propaganda video” na iprinisinta ni Sen. Marcos. Ayon kay Zubiri, kung galit siya sa kapatid niya malaya siyang magsalita. | RH 28 Raymund Dadpaas, DZRH News
DZRH NEWS95,822 views • 14 days ago

MICHELLE DEE INIREKLAMO SI XIAN GAZA Personal na inireklamo ng beauty queen na si Michelle Dee ang social media personality na si Xian Gaza sa National Bureau of Investigation. Kasama ang abogadong si Atty. Maggie Garduque, naghain ng cyber libel si Dee laban kay Gaza at mga nasa likod ng ilang Facebook page na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kaniya. Idiniin ni Dee na may tiwala siya sa sistema, at umaasang lalabas din ang katotohanan, lalo pa’t totoong buhay na ang apektado. Bagama’t hindi idinetalye, hindi aniya dapat i-normalize ang mga sinasabi ni Gaza na dapat matutunang irespeto ang mga kababaihan. Aminado siyang masakit sa kalooban ang tinawag niyang ‘defamation’ na nakaaapekto na sa kaniyang reputasyon. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS824,756 views • 3 months ago

‘KUNG MERON PA SIYANG HIYA’ Halos 400 raliyista ang sumugod sa labas ng Senado para ipanawagan ang pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano. Bitbit ang mga placard at tarpaulin, iginiit ng mga miyembro ng Sandugo na kung may kaunti pang hiya si Cayetano, bumaba na siya sa pwesto. Kasabay nito ang pagsaludo nila kay Senador Chiz Escudero na siyang dahilan ng quorum kahapon. Nananawagan din ang mga tagasuporta ni PBBM ng agarang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte, at pag-aresto kay Senador Bato dela Rosa. Bukod sa paghilera sa southbound ng Diokno Blvd., idinaan ng mga ito sa pag-indak ang kanilang panawagan sa Senado’t suporta sa administrasyon. | via Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS16,111 views • 4 days ago

GULO SA BF RESORT VILLAGE Kinumpirma ni BFRV Homeowners Association President Euan Toralballa na namatay ang isa nilang security guard na nasa 47-anyos sa gitna ng magulong takeover sa club house ng BF Resort Village Homeowners Association Inc. sa Las Pinas City. Nasa 10 katao rin aniya sa kanilang hanay ang nasugatan, kabilang siya na may minor injuries. Ayon naman kay Ray Villaplaza Samijon, kaanak ng nasawi, gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga dapat. Sa nakarating sa kaniyang balita, bumagsak sa sahig at tinapak-tapakanan umano ang kaniyang tiyuhin na sa ospital na binawian ng buhay. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS269,779 views • 3 months ago

TIG-P5M ANG EX-MARINES? JUST IN: Ibinunyag ng National Bureau of Investigation na may impormasyon silang sinuhulan umano ni dating Cong. Mike Defensor ng tig-P5M ang ‘18 ex-Marines’ upang tumestigo sa flood control scandal. Sa press conference, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na batay ito sa pahayag ng may direktang relasyon sa isa sa mga dating sundalo. Naniniwala raw siyang credible ang impormante dahil nakatira ito at ang isang ex-Marine sa iisang bahay. Ayon pa sa direktor, may naibigay na umanong paunang bayad na P700,000 sa mga ito pero hindi pa fully-paid. Inisyuhan na ng NBI ng subpoena si Defensor upang magpaliwanag sa alegasyon. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS14,194 views • 4 days ago

CHINESE BUSINESSMAN NA KAPATID NG EX-DUTERTE ADVISER, ILEGAL NA NAG-O-OPERATE SA BAKURAN NG DND? Ipinasara ng Department of National Defense ang isang steel company sa loob ng PHIVIDEC Industrial Authority sa Tagoloan, Misamis Oriental dahil sa umano’y operasyon ng ‘hazardous materials’ at iba pang paglabag na banta sa ‘national security’. 69 na dayuhang hinihinalang illegal alien ang naabutan sa raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, National Bureau of Investigation, at Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, semi-autonomous ang government-owned and controlled corporation (GOCC) at walang kinalaman ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng kumpanya, kahit nasa loob ito ng lupa ng DND. Nabatid din sa kalihim na pagmamay-ari ito ng Chinese businessman na si Tony Yang—kapatid ng 'drug lord' at dating adviser ni former president Rodrigo Duterte na si Michael Yang. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS54,249 views • 22 days ago

WALA NANG BITTERNESS? WATCH: Aminado si dating vice president at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo na natawa at hindi niya inaasahan ang pa-pink socks ni Pang. Bongbong Marcos. Ayon kay Robredo, magandang development ito kahit pa naging magkatungali sila noon sa pulitika. "Ina-appreciate ko naman na kahit magkatunggali kami nang twice [ay] walang trace ng rancor at all—trabaho lang ang pinunta," ayon kay Robredo. | via RH 18 Ruel Saldico, DZRH Correspondent
DZRH NEWS74,811 views • 3 months ago

‘IPINASOK SA SENATE… DUN SIYA PINADAPA’ Itinanggi ni NBI Director Melvin Matibag na inisyuhan nya ng baril ang inarestong ‘suspect’ sa Senate shooting incident na volunteer-driver ng kawanihan. Posible umanong nakuha nito ang gunpowder sa mga dumakma sa kanyang Senate security, dahilan kaya nagpositibo sa paraffin test ng PNP. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS13,799 views • 20 days ago

'PAGBIBIGAY-RESPETO SA POSISYON' #DZRHExclusive: Sa panayam ng DZRH kay Atty. Leni Robredo, ikinwento nito na mabilis siyang pumayag nang pakiusapan siya ni SP Chiz Escudero Escudero para salubungin si Pang. Bongbong Marcos sa pagdating nito sa Sorsogon. | RH 18 Ruel Saldico
DZRH NEWS231,832 views • 1 year ago