
DZRH NEWS
@dzrhnews • 143,408 subscribers
The official X account of MBC Media Group's flagship radio station DZRH 666 kHz: Una sa Pilipinas, Una sa Pilipino
Shorts
Videos

LIBRENG PAGKAIN PARA SA LAHAT WATCH: Mahaba na ang pila sa Libreng pagkain na handog ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila. Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, para sa lahat ang naturang pagkain kahit hindi kasama sa rally ng Iglesia ni Cristo. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS322,386 görüntüleme • 22 gün önce

'ANG PIATTOS NA 'YAN KAYA KAYO NAGING CORNED BEEF' WATCH: May dalang de-lata ang isang vlogger na ito habang nagba-vlog sa labas ng Senado. Ayon sa kaniya, wala naman siyang kinikilingan sa pulitika basta't para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino ang kanyang ipinaglalaban. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS168,607 görüntüleme • 18 gün önce

“KAPAG INC ANG NAGRA-RALLY WALA AKONG KAKABA-KABA” WATCH: Kampante si Manila Mayor Isko Moreno tuwing may pagkilos ang Iglesia Ni Cristo sa Maynila. Ito ang reaksyon ng alkalde kaugnay ng kilos protesta ng INC sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila kahapon. Ayon kay Yorme, naging maayos naman at mapayapa ang nasabing rally gaya ng mga naunang protesta ng INC sa Quirino Grandstand. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS206,230 görüntüleme • 23 gün önce

NABAGO NA? Nagpahayag ng kanyang paniniwala si QC Councilor Rannie Ludovica kay Sen. Rodante Marcoleta sa isinasagawang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong araw, Hunyo 30. Ngunit sa kanyang talumpati ay nag-react ang ilang mga miyembro dahil mukhang iba aniya ang sinasabi ni Ludovica na hindi ayon sa kanilang relihiyon. | via Alyssandra Pandez, DZRH Digital
DZRH NEWS134,098 görüntüleme • 24 gün önce

WATCH: Ininspeksyon ng investigation team ang mga warning at signages ng resort kung saan nangyari ang team building activity ng Ateneo players na ikinasawi ng dalawa nilang manlalaro na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili. | RH 25 Grace Sansano, DZRH News
DZRH NEWS245,515 görüntüleme • 1 ay önce

MICHELLE DEE INIREKLAMO SI XIAN GAZA Personal na inireklamo ng beauty queen na si Michelle Dee ang social media personality na si Xian Gaza sa National Bureau of Investigation. Kasama ang abogadong si Atty. Maggie Garduque, naghain ng cyber libel si Dee laban kay Gaza at mga nasa likod ng ilang Facebook page na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kaniya. Idiniin ni Dee na may tiwala siya sa sistema, at umaasang lalabas din ang katotohanan, lalo pa’t totoong buhay na ang apektado. Bagama’t hindi idinetalye, hindi aniya dapat i-normalize ang mga sinasabi ni Gaza na dapat matutunang irespeto ang mga kababaihan. Aminado siyang masakit sa kalooban ang tinawag niyang ‘defamation’ na nakaaapekto na sa kaniyang reputasyon. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS825,613 görüntüleme • 5 ay önce

Dipaculao Mayor Danilo Tolentino, iginiit na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang resort owner tungkol sa pagdating ng mga estudyanteng atleta mula Ateneo de Manila University. Kaugnay ito sa nangyaring pagkalunod ng dalawang basketball player ng nasabing unibersidad sa Dipaculao, Aurora nitong Martes. Samantala, inatasan ni Tolentino ang mga tanggapan ng MDRRRMO, Tourism Office, Local Police at Philippine Coastguard na magsagawa pa ng masusing imbestigasyon ukol sa insidente. | via RH 25 Grace Sansano, DZRH News.
DZRH NEWS173,925 görüntüleme • 1 ay önce

‘MAPAPAHIYA SILA’ Kumpiyansa si Quezon City District 2 Councilor Ranulfo Ludovica na mapapahiya ang mga naglilitis kay Vice President Sara Duterte. Sa pagdating sa Senado, sinabi ni Ludovica na gusto niya lang manood ng circus sa impeachment court. Maski umano ang mga ordinaryong bata, nahihiyang sangkot sa budget insertion ang mga prosecutor na umuusig sa Pangalawang Pangulo. Nang tanungin naman sa paglutang ni VP Sara sa Senado pero hindi dumalo sa paglilitis, sinabi ng konsehal na hindi naman ito obligado sa ilalim ng Senate rules. Kamakailan, nag-viral ang video ng mainitang pagtatalo ni Ludovica at isang LTO enforcer sa kasagsagan ng rally ng Iglesia ni Cristo. Nagsimula ang alitan nang mag-isyu ang enforcer ng citation ticket sa isang driver na ilegal umanong nakaparada ang sasakyan — bagay na kinompronta ng konsehal. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS63,151 görüntüleme • 17 gün önce

OPLAN ROMANOV BANTA VS FIRST FAMILY, HINDI SA DUTERTES Banta kay Pang. Bongbong Marcos Jr. at kaniyang pamilya ang sinasabing ‘Oplan Romanov’ at hindi kay Vice President Sara Duterte. Sabi sa DZRH News ni dating NBI Director Jaime Santiago, unang lumabas ang termino sa bibig ni Davao City Mayor Baste Duterte sa isang rally noong Enero 2024. Binalaan aniya ni Duterte ang Pangulo na bago siya matulog, isipin niya si Romanov at ang nangyari sa kanilang pamilya noong 1986. Nagulat daw si Santiago nang magbago ang naratibo, at banggitin ng isang vlogger na si Princess Maui, na plano ang Oplan Romanov para patayin ang Duterte family. Matatandang sa impeachment trial nitong Martes, tinanong ni defense panel member lawyer Mark Vinluan ang witness na si NBI Regional Director Jeremy Lotoc kung narinig niya ang salitang Operation Romanov. Hango ito sa Romanovs ng Russia, isang royal clan na namuno noong 17th Century hanggang sa kanilang execution noong 1917. Pero sinagot din ni Lotoc na narinig niya ang termino kay Baste at ginamit bilang warning o babala kay Pang. Marcos. Sinabi naman ng defense team na maghaharap sila ng mga testigo para patunayan ang existence ng Operation Romanov laban sa pamilya Duterte. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS30,385 görüntüleme • 8 gün önce

EALA WITH THE LEGEND 🎾 🤝 Nakasama ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang American tennis legend at dating World No. 1 na si Billie Jean King matapos ang makasaysayan nitong panalo sa Wimbledon. Sa kaniyang social media post, pinuri ni King si Eala at sinabing inspirasyon ito hindi lamang sa mga kabataang Pilipino kundi maging sa buong mundo. "What a treat to spend some time with Alex Eala, fresh off her historic win at Wimbledon today. She is the first Filipino to reach the Round of 16. Such an inspiration for kids in the Philippines and all over the world. Keep going for it, Alex!" COURTESY: Billie Jean King
DZRH NEWS57,922 görüntüleme • 19 gün önce

PROMOTION NG AFP GENERALS, DAMAY SA SENATE GRIDLOCK JUST IN: Limang heneral ng Armed Forces of the Philippines ang nakabinbin ang promotion dahil sa kawalan ng quorum sa Senado. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng apektadong officers ang liderato sa ilang bagong unit ng militar. Una nang inilutang ni Sen. JV Ejercito sa DZRH Dos Por Dos na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote bukas, June 3, bago ang Sine Die break. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS132,011 görüntüleme • 1 ay önce

'ANG MASTERMIND DITO AY SI MARTIN ROMUALDEZ AT SI PANG. BONGBONG MARCOS' WATCH: Sa pagdating ni dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson sa DoubleGem EDSA Garden Events Place, sinabi nitong isisiwalat niya ang kaniyang mga nalalaman kaugnay ng flood control scandal. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS78,713 görüntüleme • 1 ay önce

GULO SA BF RESORT VILLAGE Kinumpirma ni BFRV Homeowners Association President Euan Toralballa na namatay ang isa nilang security guard na nasa 47-anyos sa gitna ng magulong takeover sa club house ng BF Resort Village Homeowners Association Inc. sa Las Pinas City. Nasa 10 katao rin aniya sa kanilang hanay ang nasugatan, kabilang siya na may minor injuries. Ayon naman kay Ray Villaplaza Samijon, kaanak ng nasawi, gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga dapat. Sa nakarating sa kaniyang balita, bumagsak sa sahig at tinapak-tapakanan umano ang kaniyang tiyuhin na sa ospital na binawian ng buhay. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS269,779 görüntüleme • 4 ay önce

'HUMIHINGI SIYA NG TULONG SA TAUMBAYAN' Sinabi ng dating Presidential Spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte Atty. Salvador Panelo, na ang video na sinasabing pagbabanta ni Vice President Sara Duterte ay paghingi lamang ng tulong sa taumbayan dahil may banta rin umano sa buhay nito. | via Mary Antalan, DZRH Digital
DZRH NEWS34,160 görüntüleme • 16 gün önce

'INDAY BADIDAY NA BA TAYO DITO SA SENADO?' WATCH: Privilege speech ni Sen. Imee Marcos na may nilulutong charter change para sa term extension ni PBBM, Senador at Congressmen, sinopla. Pinabubura ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang tinawag niyang “propaganda video” na iprinisinta ni Sen. Marcos. Ayon kay Zubiri, kung galit siya sa kapatid niya malaya siyang magsalita. | RH 28 Raymund Dadpaas, DZRH News
DZRH NEWS96,092 görüntüleme • 2 ay önce