
DZRH NEWS
@dzrhnews • 143,775 subscribers
The official X account of MBC Media Group's flagship radio station DZRH 666 kHz: Una sa Pilipinas, Una sa Pilipino
Shorts
Videos

"NAG-IISANG BOBO NA GWAPO" Dinepensahan ng mga taga-suporta ni Sen. Robin Padilla ang mambabatas sa isinasagawa ngayong protesta sa harap ng Department of Justice (DOJ). Giit nila, kahit tinatawag na ‘bobo’ ng ilan ang naturang senador ay siya naman ay mabait, matulungin at nag-iisa lamang na bobo na gwapo. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS169,550 次观看 • 1 个月前

MICHELLE DEE INIREKLAMO SI XIAN GAZA Personal na inireklamo ng beauty queen na si Michelle Dee ang social media personality na si Xian Gaza sa National Bureau of Investigation. Kasama ang abogadong si Atty. Maggie Garduque, naghain ng cyber libel si Dee laban kay Gaza at mga nasa likod ng ilang Facebook page na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kaniya. Idiniin ni Dee na may tiwala siya sa sistema, at umaasang lalabas din ang katotohanan, lalo pa’t totoong buhay na ang apektado. Bagama’t hindi idinetalye, hindi aniya dapat i-normalize ang mga sinasabi ni Gaza na dapat matutunang irespeto ang mga kababaihan. Aminado siyang masakit sa kalooban ang tinawag niyang ‘defamation’ na nakaaapekto na sa kaniyang reputasyon. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS826,574 次观看 • 8 个月前

LIBRENG PAGKAIN PARA SA LAHAT WATCH: Mahaba na ang pila sa Libreng pagkain na handog ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila. Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, para sa lahat ang naturang pagkain kahit hindi kasama sa rally ng Iglesia ni Cristo. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS324,295 次观看 • 3 个月前

“KAPAG INC ANG NAGRA-RALLY WALA AKONG KAKABA-KABA” WATCH: Kampante si Manila Mayor Isko Moreno tuwing may pagkilos ang Iglesia Ni Cristo sa Maynila. Ito ang reaksyon ng alkalde kaugnay ng kilos protesta ng INC sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila kahapon. Ayon kay Yorme, naging maayos naman at mapayapa ang nasabing rally gaya ng mga naunang protesta ng INC sa Quirino Grandstand. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS207,662 次观看 • 3 个月前

'ANG PIATTOS NA 'YAN KAYA KAYO NAGING CORNED BEEF' WATCH: May dalang de-lata ang isang vlogger na ito habang nagba-vlog sa labas ng Senado. Ayon sa kaniya, wala naman siyang kinikilingan sa pulitika basta't para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino ang kanyang ipinaglalaban. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS169,171 次观看 • 3 个月前

Dipaculao Mayor Danilo Tolentino, iginiit na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang resort owner tungkol sa pagdating ng mga estudyanteng atleta mula Ateneo de Manila University. Kaugnay ito sa nangyaring pagkalunod ng dalawang basketball player ng nasabing unibersidad sa Dipaculao, Aurora nitong Martes. Samantala, inatasan ni Tolentino ang mga tanggapan ng MDRRRMO, Tourism Office, Local Police at Philippine Coastguard na magsagawa pa ng masusing imbestigasyon ukol sa insidente. | via RH 25 Grace Sansano, DZRH News.
DZRH NEWS174,286 次观看 • 4 个月前

GULO SA BF RESORT VILLAGE Kinumpirma ni BFRV Homeowners Association President Euan Toralballa na namatay ang isa nilang security guard na nasa 47-anyos sa gitna ng magulong takeover sa club house ng BF Resort Village Homeowners Association Inc. sa Las Pinas City. Nasa 10 katao rin aniya sa kanilang hanay ang nasugatan, kabilang siya na may minor injuries. Ayon naman kay Ray Villaplaza Samijon, kaanak ng nasawi, gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga dapat. Sa nakarating sa kaniyang balita, bumagsak sa sahig at tinapak-tapakanan umano ang kaniyang tiyuhin na sa ospital na binawian ng buhay. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News
DZRH NEWS269,779 次观看 • 7 个月前

NABAGO NA? Nagpahayag ng kanyang paniniwala si QC Councilor Rannie Ludovica kay Sen. Rodante Marcoleta sa isinasagawang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong araw, Hunyo 30. Ngunit sa kanyang talumpati ay nag-react ang ilang mga miyembro dahil mukhang iba aniya ang sinasabi ni Ludovica na hindi ayon sa kanilang relihiyon. | via Alyssandra Pandez, DZRH Digital
DZRH NEWS134,331 次观看 • 3 个月前

PROMOTION NG AFP GENERALS, DAMAY SA SENATE GRIDLOCK JUST IN: Limang heneral ng Armed Forces of the Philippines ang nakabinbin ang promotion dahil sa kawalan ng quorum sa Senado. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng apektadong officers ang liderato sa ilang bagong unit ng militar. Una nang inilutang ni Sen. JV Ejercito sa DZRH Dos Por Dos na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote bukas, June 3, bago ang Sine Die break. | RH 52 Edniel Parrosa, DZRH News
DZRH NEWS132,011 次观看 • 4 个月前

WATCH: Umaapela sa Professional Regulation Commission (PRC) ang grupo ng mga health workers para tuluyang tanggalan ng lisensiya sa pagkadoktor si dating NTC -ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy. Giit ni Atty. Tony Laviña, abogado ng Alliance of Health Workers (AHW), hindi sapat ang unang ipinataw na anim na buwan na suspensyon ng PRC kay Badoy dahil patuloy umano ito sa kaniyang gawain na malinaw umanong paglabag sa patakaran ng PRC. l RH 09 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS27,721 次观看 • 1 个月前

'INDAY BADIDAY NA BA TAYO DITO SA SENADO?' WATCH: Privilege speech ni Sen. Imee Marcos na may nilulutong charter change para sa term extension ni PBBM, Senador at Congressmen, sinopla. Pinabubura ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang tinawag niyang “propaganda video” na iprinisinta ni Sen. Marcos. Ayon kay Zubiri, kung galit siya sa kapatid niya malaya siyang magsalita. | RH 28 Raymund Dadpaas, DZRH News
DZRH NEWS96,359 次观看 • 5 个月前

WATCH: Nag-uuwian na ang mga estudyante at empleyado ng De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) sa Maynila matapos suspendihin ang pasok ngayong hapon kasunod ng banta sa seguridad sa paaralan. Sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng kolehiyo sa social media, ipinatupad ang agarang suspensyon bilang pag-iingat. Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Center for Emergency Management, Safety, and Security (CEMSS) ng paaralan sa mga awtoridad at kapulisan. Nagsasagawa na rin ng security sweep sa buong paligid ng kampus habang ipinatutupad ang mga safety protocol upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at kawani. Panawagan naman ng pamunuan ng Benilde na manatiling kalmado at alerto ang bawat isa. Pinapayuhan din ang publiko na tanging sa mga opisyal social media pages lamang ng kolehiyo kumuha ng impormasyon at iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon. Siniguro naman ng paaralan na ligtas ang buong kampus at ang pangunahing prayoridad ng pamunuan ay ang kapakanan ng lahat. | RH 9 Tina Nolasco, DZRH News
DZRH NEWS20,831 次观看 • 26 天前