
GMA News
@gmanews • 5,718,400 subscribers
Welcome to the official X account of GMA News.
Shorts
Videos

'BUMILI NA KAYO NG BALDE PARA 'PAG UMULAN, MAKOLEKTA NA NINYO LAHAT' Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na mangolekta ng tubig-ulan bilang paghahanda sa Super El Niño. Sabi ni Marcos, bibigyan ng gobyerno ang publiko ng pang-filter at tuturuan kung paano malinis ang inipong tubig-ulan. Magsasagawa rin daw ng cloud-seeding operations ang pamahalaan. | via Jonathan Andal/GMA News Bisitahin ang para sa updates.
GMA News495,744 views • 6 days ago

Patawang hindi nakakatawa! Ganiyan tinawag ng Autism Society of the Philippines, ang isang podcast na ginawang katatawanan ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh na nasa Autism Spectrum. Ang komento nilang “walang kuwenta” at “nakatunganga lang”, pinalagan ng marami. Isa na riyan ang National Bureau of Investigation na pinaiimbestigahan ang mga host ng podcast para sa karampatang kaso. #24Oras
GMA News111,673 views • 2 days ago

MAY RESIBO SI KARL ELDREW! 📝 Sa bawat lesson, pagkakamali at “what if” ng Philippine Gymnastic team member na si Karl Eldrew Yulo, sinusulat niya ito sa isang journal na bitbit niya sa lahat ng games. Kuwento ni Eldrew, si Kuya Caloy ang nagturo sa kanya na isulat ang kaniyang thoughts at palitan ang negative “what ifs” gaya ng pagkatalo o injury ng mas positibong mindset, bilang paraan para mas makilala at magabayan ang sarili bilang atleta. Courtesy: POC Media via JP Soriano Bisitahin ang para sa iba pang updates.
GMA News921,727 views • 23 days ago

Giniba ng rumaragasang tubig mula sa bahagi ng Sta. Rita Dam sa Lubao, Pampanga ang isang bahay bandang 2:30 PM ngayong Biyernes, August 28. Ayon kay YouScooper Rockwell Piñgul De Leon, umapaw ang dam dahil umano sa mga naipong basura at kahoy na naging sanhi upang maharangan ang daluyan ng tubig. Aniya, ligtas namang nakapag-evacuate ang may-ari ng bahay bago tuluyang gumuho ang estruktura. #YouScoop Courtesy: YouScooper Rockwell Piñgul De Leon
GMA News2,218,601 views • 1 month ago

MAY ALL QUEER KIDS EXPERIENCE THIS KIND OF LOVE FROM THEIR FAMILIES 🥰 Ang simpleng family bonding nina YouScooper Sandra at asawang si Rico sa isang coffee shop, nauwi sa tawanan nang mapansin ni Daddy Rico na sa poging lalaki pala nakatingin ang dalawa nilang anak na sina Jonas at Xian. Sa video ni YouScooper Sandra, makikitang magpi-picture sana ang kanilang mga anak kasama ang kanilang tatay nang mapansin ng mag-asawa na nakatingin ang dalawang anak sa isang pogi. Ayon kay Sandra, simula nang mag-come out ang kanilang mga anak, mas naging masaya ang kanilang pamilya. Hiling lang nilang mag-asawa na maging mabuting tao sina Jonas at Xian. "Hindi nababawasan ang pagiging mabuting magulang dahil may LGBTQ+ na anak. Sa halip, ipinapakita natin ang tunay na pagmamahal kapag pinipili nating makinig, umunawa, gumabay, at manatili sa kanilang tabi," ani Sandra #YouScoop Courtesy: YouScooper Dinos Family Vlog
GMA News444,885 views • 15 days ago

PARANG TUNAY NA LIVE REPORT! Viral si YouScooper Karak Dela Rosa dahil sa kanyang "live report" tungkol sa “Montalbounce Adventure Resort” noong Sept. 6, 2026. Kahit satire ang report ni Karak, pinuri siya ng mga netizens dahil kuhang-kuha niya ang mga mannerism ng reporter! “Wala po akong outline o script; kung ano lang po ang maisip ko habang nagre-report, iyon na po ang sinasabi ko,” sabi ni Karak. Dagdag niya, nais niyang magpahayag at ipamulat ang mga social concern at issue kahit idinadaan niya sa katatawanan ang mga report niya. Kasalukuyang graduating student si Karak at ayon sa kaniya, wala siyang background sa reporting, ngunit matagal niya na raw itong pangarap. Panoorin ang video. #YouScoop Courtesy: YouScooper Karak Dela Rosa
GMA News1,038,552 views • 1 month ago

LALAKI, INAMING MAY CANCER SIYA SA KANYANG 73-ANYOS NA NANAY Hindi na napigilang maluha ng 73-anyos na si nanay Beatriz nang aminin ng kaniyang anak na si YouScooper Leocadio, 41, na may cancer ito. Kuwento ni YouScooper Leocadio, February 2026 pa lang ay nagpapa-check at consult na siya sa mga doctor dahil sa pagiging bloated at biglang pagkirot ng kaniyang tagiliran. “Noong April 16, sinabi [ng doctor] sa akin ang findings. [Mayroon] akong Non-Hodgkins lymphoma, isang rare and aggressive form ng blood cancer,” sabi ni Leocadio. Dagdag niya, hindi pa siya sigurado noon kung paano at kailan sasabihin sa kaniyang mama na siya ay may stage 2 cancer pero habang tumatagal daw ay nanghihina na siya kaya napagdesisyunan niyang sabihin na ito. “Nilalaban ko na lang talaga kasi dalawa na lang kami ni Mama na magkasama sa bahay. Kailangan ko pa tumagal sa mundo at alagaan siya. 73 years old na rin siya at ako ang naaawa kasi siya na ang nag-aasikaso sa’kin." Nilinaw din ni Leocadio na pinili niyang sa isang restaurant sabihin sa kaniyang nanay ang kaniyang kalagayan “dahil gusto ko maging light lang ang vibe at mabawasan ‘yung bigat ng sitwasyon. Kahit saang lugar ko naman sabihin ay hindi ito komportable at hindi magbabago na ako ay may cancer.” Sabi ni Leocadio, ikinalungkot ng kaniyang nanay ang balita pero nabigyang-linaw din daw siya kung bakit araw-araw ay pumupunta ng ospital si Leocadio. Sa ngayon ay sumasailalim pa sa chemotherapy si Leocadio at nagta-trabaho pa rin bilang isang public health nurse. #YouScoop Courtesy: YouScooper Leocadio S. De Leon III
GMA News222,039 views • 10 days ago

Ginaya ni financial forensic analyst Alex Cabera ang “viral” na pagkakasabi na “baril” ni Rep. Bel Zamora habang tinatanong siya tungkol sa mga personal properties nina Vice President Sara Duterte at asawang Mans Carpio. "What other personal properties if any are part of that column that we're showing?" tanong ni House Prosecutor Chel Diokno. "Kasama po dito ang firearms po, ang makasaysayang baril," sagot ni Cabrera habang ginagaya si Zamora. "Honorable Chel, kakampi niyo na 'yan ah,” komento ni presiding officer Chiz Escudero. Tutukan ang live coverage ng GMA News sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte: Basahin ang kaugnay na ulat:
GMA News146,882 views • 8 days ago

BREAKING GENERATIONAL WORKPLACE TRAUMA 🫂🫡 Maraming netizen ang humanga sa restaurant owner na si YouScooper Jom Siongco dahil sa naging reaksiyon niya nang malaman na umiiyak ang staff niya. Ayon kay YouScooper Jom, pinagsabihan niya ang ilan sa mga staff niya dahil may mga nasirang pagkain at equipment sa restaurant. Sa mga ganoong insidente raw kasi, kailangan bayaran ng mga staff ang mga nasirang produkto pero nang mag-abot sila ng pera, hindi raw niya ito tinanggap. Nang bumalik na raw sa station ang mga staff niya, napansin niya na umiiyak ang isa sa kanila, kaya naman nilapitan at niyakap niya ito. Kung babayaran daw kasi ng staff ang mga produkto ay katumbas raw ito ng kaniyang isang linggong sahod. #YouScoop Courtesy: YouScooper Jom Siongco
GMA News901,179 views • 1 month ago

BREAK IT DOWN, ‘NAY! Viral ang video na ito matapos halos mag-rap ang nanay si Joan habang nagpapaalala sa kaniyang anak na papasok ng school. Ang grade 12 student na si Rafa kasi, tila ayaw na magpa-baby sa kaniyang mommy. Ang full “rap reminder” ni Joan, panoorin sa video na ito.
GMA News2,780,798 views • 3 months ago

PANOORIN: Sa drone footage ng Aurora MDRRMO, makikita ang pag-ahon sa mga katawan nina Rene Baterbonia at Divine Adili, mga manlalaro ng Ateneo Men's Basketball Team na nasawi matapos malunod sa dagat sa Dipaculao, Aurora habang nasa isang “team-building” activity. Makikita rin sa footage na walang anumang pabigat o “weights” na nakakabit sa mga nasawing manlalaro, taliwas sa mga kumakalat na ulat. Nauna nang pinabulaanan ng Aurora Provincial Police Office ang naturang impormasyon batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga rumespondeng MDRRMO personnel at mga lifeguard ng resort. Ayon sa pulisya, wala silang nakitang indikasyon ng foul play sa insidente. Wala rin anilang nakitang mga pasa sa katawan ng mga biktima nang maiahon sila mula sa dagat. Gayunman, sinabi ng ina ni Baterbonia na nakapansin siya ng mga pasa sa bandang leeg, likod, kamay, at paa ng kaniyang anak nang personal niyang makita ang mga labi nito. Batay sa certificate of postmortem examination na hawak ng pulisya, “asphyxia by drowning” ang sanhi ng pagkamatay ni Baterbonia, habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga labi ni Adili. Video courtesy: Aurora MDRRMO via Mariz Umali/GMA News PANOORIN ANG BUONG ULAT:
GMA News2,811,833 views • 4 months ago

'WALANG UTANG NA LOOB' Tinawag ni Vice President Sara Duterte na walang utang na loob si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipinong naghalal sa kaniya. "Wala siyang hiya," aniya. "Hindi ko magawang tumahimik na lang dahil nakikita ko kayong lumalangoy sa baha," dagdag niya. PANOORIN ANG LIVESTREAM:
GMA News630,593 views • 1 month ago

WATCH: Surveillance footage released by the Las Condes municipality showed floodwaters swamping streets in the Chilean capital and sweeping vehicles on Thursday, Oct, 8. The footage showed water covering roadways, with cars veering out of control as the flood rose. In one scene, a man clings to a truck as cars are swept away. Heavy rains lashed Santiago and the surrounding region on Thursday, triggering landslides that swept cars through streets, flooding homes and forcing residents to evacuate. At least six people were injured, authorities said. | via Reuters Courtesy: Las Condes Municipality Visit for more updates.
GMA News113,273 views • 7 days ago

BABALA: Sensitibong balita kung saan isang indibidwal ang nasawi sa insidente. Maging disente sa pagkomento. PANOORIN: Isang 25-anyos na lalaki ang nahulog sa bukas na drainage habang naglalakad sa gilid ng Friendship Highway sa Barangay Cutcut, Angeles City, Pampanga noong Biyernes, August 28. Sa CCTV footage, makikitang dumaan ang biktima malapit sa drainage na natakpan ng baha bago ito biglang mahulog sa butas. Sinubukan naman siyang sagipin ng mga nakasaksi, ngunit hindi na siya naabutan. Makalipas ang halos isang oras, natagpuan ang bangkay ng biktima malayo sa lugar kung saan siya nahulog. COURTESY: JOHN RY TAMBALGUE via 24 Oras Weekend Panoorin ang buong ulat:
GMA News847,551 views • 1 month ago

‘PURO IMPEACHMENT NA LANG’ Dahil sa sama ng loob sa matagal nang pagbaha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga, nanawagan ang residenteng si Darwin David na huwag lang puro impeachment ang pagtuunan ng pansin. Aniya, mas mainam na tumulong din sa mahihirap at tugunan ang matagal nang problema nila sa pagbaha. | via Ian Cruz Bisitahin ang para sa iba pang balita.
GMA News1,010,999 views • 1 month ago

Meet Maia and Marco — the Philippines’ first AI Sportscasters! Now that #NCAASeason99 has started, they are here to help our courtside reporters by giving updates in sports! Follow GMA Integrated News, @GMASportsPH , and GMA Synergy on social media for their exclusive reports.
GMA News20,045,615 views • 3 years ago

BABALA: Sensitibo ang video na may kinalaman sa karahasan sa loob ng paaralan. Maging responsable at maingat sa panonood at pagkomento. Dalawang estudyante ang kumpirmadong patay sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga Junior High School bandang 7:50 AM ngayong Martes, August 18, 2026. Ayon kay PMaj. Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office-9, kinukumpirma pa kung kabilang sa namatay ang mismong suspek. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Video courtesy: Contributed video via Efren Mamac/GMA Regional TV One Mindanao Basahin ang kaugnay na ulat:
GMA News775,835 views • 2 months ago

5 TURISTANG PINOY, ARESTADO SA SINGAPORE DAHIL SA UMANO'Y PAGNANAKAW NG P7.6-M CASH Arestado sa Singapore ang limang turistang Pilipino dahil sa umano'y pagnanakaw ng SGD 155,000 o humigit-kumulang P7.6 milyon cash mula sa isang lalaki sa pedestrian underpass malapit sa Tang Plaza sa Orchard Road, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig, nangyari umano ang insidente noong Sept. 25. Wala pa umanong detalye ang embahada tungkol sa pagkakakilanlan ng biktima at kung kailan dumating sa Singapore ang limang Pinoy. Unang humarap sa korte ang lima noong Oct. 2 at nakatakdang muli silang humarap sa Oct. 9. Ayon kay Macaraig, tinutulungan sila ng mga abogadong ibinigay ng gobyerno ng Singapore. | via Jonathan Andal/GMA News Bisitahin ang para sa updates.
GMA News111,749 views • 10 days ago






