
GMA News
@gmanews • 5,716,007 subscribers
Welcome to the official X account of GMA News.
Shorts
Videos

Giniba ng rumaragasang tubig mula sa bahagi ng Sta. Rita Dam sa Lubao, Pampanga ang isang bahay bandang 2:30 PM ngayong Biyernes, August 28. Ayon kay YouScooper Rockwell Piñgul De Leon, umapaw ang dam dahil umano sa mga naipong basura at kahoy na naging sanhi upang maharangan ang daluyan ng tubig. Aniya, ligtas namang nakapag-evacuate ang may-ari ng bahay bago tuluyang gumuho ang estruktura. #YouScoop Courtesy: YouScooper Rockwell Piñgul De Leon
GMA News2,205,224 просмотров • 4 дней назад

BABALA: Sensitibong balita kung saan isang indibidwal ang nasawi sa insidente. Maging disente sa pagkomento. PANOORIN: Isang 25-anyos na lalaki ang nahulog sa bukas na drainage habang naglalakad sa gilid ng Friendship Highway sa Barangay Cutcut, Angeles City, Pampanga noong Biyernes, August 28. Sa CCTV footage, makikitang dumaan ang biktima malapit sa drainage na natakpan ng baha bago ito biglang mahulog sa butas. Sinubukan naman siyang sagipin ng mga nakasaksi, ngunit hindi na siya naabutan. Makalipas ang halos isang oras, natagpuan ang bangkay ng biktima malayo sa lugar kung saan siya nahulog. COURTESY: JOHN RY TAMBALGUE via 24 Oras Weekend Panoorin ang buong ulat:
GMA News804,116 просмотров • 2 дней назад

WATCH: Unang Hirit host Lyn Ching aired her frustrations over the prolonged flooding in Hagonoy, Bulacan in a video uploaded on her Facebook page. "Sarcasm is etched in my bones. And honesty. That's all," Ching wrote on social media. Video courtesy: Unang Hirit, Lyn Ching/Facebook Read more:
GMA News280,449 просмотров • 3 дней назад

‘PURO IMPEACHMENT NA LANG’ Dahil sa sama ng loob sa matagal nang pagbaha sa kanilang lugar sa Macabebe, Pampanga, nanawagan ang residenteng si Darwin David na huwag lang puro impeachment ang pagtuunan ng pansin. Aniya, mas mainam na tumulong din sa mahihirap at tugunan ang matagal nang problema nila sa pagbaha. | via Ian Cruz Bisitahin ang para sa iba pang balita.
GMA News1,008,002 просмотров • 14 дней назад

BABALA: Sensitibo ang video na may kinalaman sa karahasan sa loob ng paaralan. Maging responsable at maingat sa panonood at pagkomento. Dalawang estudyante ang kumpirmadong patay sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga Junior High School bandang 7:50 AM ngayong Martes, August 18, 2026. Ayon kay PMaj. Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office-9, kinukumpirma pa kung kabilang sa namatay ang mismong suspek. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Video courtesy: Contributed video via Efren Mamac/GMA Regional TV One Mindanao Basahin ang kaugnay na ulat:
GMA News773,579 просмотров • 15 дней назад

NAGLALAKIHANG DAGA, NAKUHANAN NG VIDEO Tila day off ng mga pusa sa isang condominium building sa Quezon City dahil kuhang-kuha sa video ang mga naglalakihang daga na naghahabulan pa sa hallway noong August 9, 2026. Ayon kay YouScooper CC, ang kumuha ng video, madalas daw nilang masaksihan ang ganitong pangyayari simula pa noong 2020. Kung minsan, paglabas daw niya ng elevator, mga daga ang unang sumasalubong sa kaniya. May naaabutan din daw silang mga patay na daga sa labas ng kanilang mga pintuan. May mga residente na raw na nagreklamo sa developer ng condo. Dagdag pa ni Youscooper CC, lalong nakababahala ito ngayong tag-ulan dahil may panganib ng leptospirosis mula sa mga daga at kontaminadong tubig. #YouScoop Courtesy: YouScooper CC
GMA News265,087 просмотров • 8 дней назад

BREAK IT DOWN, ‘NAY! Viral ang video na ito matapos halos mag-rap ang nanay si Joan habang nagpapaalala sa kaniyang anak na papasok ng school. Ang grade 12 student na si Rafa kasi, tila ayaw na magpa-baby sa kaniyang mommy. Ang full “rap reminder” ni Joan, panoorin sa video na ito.
GMA News2,770,910 просмотров • 2 месяцев назад

“Ma, alis na ako. Daddy, alis na ako.” Simple at ordinaryong pagpapaalam, pero nagpaluha ito sa isang babaeng papasok sa trabaho. Bigla raw kasing nag-sink-in sa kanya na matagal na niyang hindi nasasambit ang mga salitang “Mama” at “Daddy.” Kung bakit, alamin sa video.
GMA News164,285 просмотров • 5 дней назад

BAHAY SA PAMPANGA, GUMUHO DAHIL SA MALAKAS NA AGOS NG TUBIG Tuluyan nang gumuho ang isang bahay sa Brgy. Sto. Cristo sa Lubao, Pampanga bandang PM, dahil sa malakas na ragasa ng ilog na katabi nito. ngayong Sabado, August 29, 2026. | via John Consulta/GMA News Basahin ang ulat:
GMA News97,203 просмотров • 3 дней назад

'NAKAKAPAGOD AT NAKAKA-DRAIN' PANOORIN: Sinabi ni Sen. JV Ejercito na kakaiba ang sitwasyon ngayon sa Senado dahil sabay-sabay na tinatalakay ang impeachment, budget at mga usapin sa plenaryo. Ayon pa kay Ejercito, “Ngayon nga halos nakakapagod [at] nakaka-drain na yung Monday to Wednesday, may Thursday [at] Friday pa, and possibly Saturday.” | via Sandra Aguinaldo/GMA News Bisitahin ang para sa iba pang updates.
GMA News572,751 просмотров • 19 дней назад

PANOORIN: Sa drone footage ng Aurora MDRRMO, makikita ang pag-ahon sa mga katawan nina Rene Baterbonia at Divine Adili, mga manlalaro ng Ateneo Men's Basketball Team na nasawi matapos malunod sa dagat sa Dipaculao, Aurora habang nasa isang “team-building” activity. Makikita rin sa footage na walang anumang pabigat o “weights” na nakakabit sa mga nasawing manlalaro, taliwas sa mga kumakalat na ulat. Nauna nang pinabulaanan ng Aurora Provincial Police Office ang naturang impormasyon batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga rumespondeng MDRRMO personnel at mga lifeguard ng resort. Ayon sa pulisya, wala silang nakitang indikasyon ng foul play sa insidente. Wala rin anilang nakitang mga pasa sa katawan ng mga biktima nang maiahon sila mula sa dagat. Gayunman, sinabi ng ina ni Baterbonia na nakapansin siya ng mga pasa sa bandang leeg, likod, kamay, at paa ng kaniyang anak nang personal niyang makita ang mga labi nito. Batay sa certificate of postmortem examination na hawak ng pulisya, “asphyxia by drowning” ang sanhi ng pagkamatay ni Baterbonia, habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga labi ni Adili. Video courtesy: Aurora MDRRMO via Mariz Umali/GMA News PANOORIN ANG BUONG ULAT:
GMA News2,807,373 просмотров • 2 месяцев назад

WATCH: GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes shares plans to explore content collaborations with Thailand across film, television, and digital platforms. Gozon-Valdes says GMA Network is open to sharing artists and content with its counterparts in Thailand. Representatives of the Department of International Trade Promotion of the Ministry of Commerce, and the Thai Trade Center Manila, together with several artists, executives, and producers from Thailand, visited GMA Network on Wednesday as part of the Overseas Trade Negotiation Mission. | via Beatrice Visit for more updates.
GMA News142,528 просмотров • 6 дней назад

BAHAGI NG AQUINO BRIDGE, GUMUHO Sapul sa CCTV ang pagbagsak ng bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City hatinggabi nitong Biyernes, August 28. Pansamantala munang hindi pinapadaanan ang mga motorista sa tulay habang kasalukuyang nagsasagawa ng inspesksyon ang mga awtoridad. | via GMA Regional TV One North Central Luzon Courtesy: San Isidro, Tarlac City Information Office/Facebook Bisitahin ang para sa pinakabagong mga balita.
GMA News90,312 просмотров • 4 дней назад

Netizens, bakit napa-'sana all' sa isang siklista at pedestrian? | GMA News Feed P’WEDE NAMAN PALA NA KALMADO LANG! Viral online ang video ng isang siklista na may nakabungguang pedestrian. Sa halip kasi mag-away o magsigawan sa kalsada, pareho pa silang nag-sorry sa isa’t isa! Panoorin ‘yan sa video!
GMA News59,053 просмотров • 2 дней назад

Viral ang CCTV video ni Jenerey kung saan makikitang bigla siyang napabangon mula sa pagkakatulog matapos akalaing may kumakatok at humihingi ng tulong sa kanilang bahay. Ang reaksiyon niya matapos maalimpungatan, nauwi sa katatawanan dahil galing lang pala sa TV ang humihingi ng saklolo. Panoorin ang nakakatuwang reaksyon ni Jenerey sa video na ito.
GMA News558,174 просмотров • 26 дней назад

DIFFERENT SPORTS, SAME LEGENDS🌟 WATCH: Eight-division boxing world champion Manny Pacquiao and global football icon Cristiano Ronaldo share smiles and a quick chat in a social media post shared by Pacquiao on Saturday, August 29, 2026. Courtesy: Manny Pacquiao/Facebook Visit for more updates.
GMA News52,656 просмотров • 3 дней назад

'PARA KAY MAMA, BIRTHDAY NIYA' 💐🥹 Maraming netizen ang naantig sa video ng 11-anyos na si Jammin mula sa Iloilo na piniling mag-ipon ng perang pambili ng bulaklak para sa kaniyang ina. Sa video, makikitang pumasok si si Jammin sa isang flower shop para itanong kung may tig-₱70 na bouquet sa tindahan. Nang tanungin ng may-ari ng shop kung para kanino ito, sinabi ni Jammin na ibibigay niya raw ang bulaklak sa kaniyang mama. Agad siyang iginawa ng bouquet at ibinalot pa sa plastic para hindi agad masira. Nang pauwi na si Jammin, para hindi malukot o masira ang bouquet, hindi na nag-bisikleta. Maingat niyang hawak ang bulaklak at naglakad pauwi habang akay-akay niya ang kaniyang bisikleta. Dahil sa pag-viral ng video, maraming netizen ang naantig sa effort na ito ni Jammin para sa kanyang ina. Marami rin ang nagpaabot ng regalo at tulong para sa kaniya. Courtesy: MERlines & Hues via GMA NewsFeed Bisitahin ang para sa updates.
GMA News172,894 просмотров • 10 дней назад

WATCH: A man who had been searching for his family through rubble after Venezuela’s twin earthquakes this week expressed relief and gratitude on Friday, June 26, after they were found alive nearly 26 hours later. Video filmed by Jose Alberto Gallipoli Lameda’s son Jofram Gallipoli showed people, including himself, his wife and his four year old son trapped in the rubble of a collapsed building before being pulled to safety by rescuers on Thursday, June 25. VIDEO COURTESY: Jofram Gallipoli and Jose Alberto Gallipoli Lameda via Reuters
GMA News1,169,467 просмотров • 2 месяцев назад

Dagdag-kita para sa bansa, trabaho sa mga Pilipino, at pagkakataong matuto sa research development ang pambenta ng Amerika sa itinatayo nitong artificial intelligence o A.I. hub sa New Clark City. Pero dahil takaw-tubig at takaw-kuryente, pinangangambahan ng ilan ang epekto nito sa kalikasan at pagmahal ng singil sa kuryente. Bukod pa iyan sa posibleng epekto sa mga magsasaka at katutubo sa Tarlac.
GMA News547,348 просмотров • 1 месяц назад

Meet Maia and Marco — the Philippines’ first AI Sportscasters! Now that #NCAASeason99 has started, they are here to help our courtside reporters by giving updates in sports! Follow GMA Integrated News, @GMASportsPH , and GMA Synergy on social media for their exclusive reports.
GMA News20,044,306 просмотров • 2 лет назад





