
GMA News
@gmanews • 5,687,057 subscribers
Welcome to the official X account of GMA News.
Shorts
Videos

PANOORIN: Agaw-pansin ang mala-burak na tubig na dumaloy sa white sand beach diretso sa dagat sa El Nido, Palawan noong Miyerkoles, May 20. Ayon sa uploader, nang medyo tumila na raw ang malakas na ulan noong araw na iyon, nakita nila ang rumaragasang maitim na tubig mula sa ilalim ng kanilang tinutuluyang hotel na dumaloy patungo sa dagat. Sinusubukan naman ng GMA News na kunin ang pahayag ng naturang hotel kung saan nakitang dumadaloy sa culvert sa ilalim nito ang maitim na tubig ngunit wala pa raw silang pahayag sa ngayon. Hihintayin pa raw ng pamunuan ng naturang hotel na makabalik mula sa ibang bansa ang kanilang general manager. Sabi naman ng pamunuan ng barangay, matagal na raw itong problema sa lugar lalo na kapag tag-ulan, hindi raw galing sa hotel ang tubig kundi galing sa waterway mula sa bundok. Sinusubukan pa rin kuhanan ng pahayag ang DENR, DOT at ang El Nido LGU. PANOORIN ANG BUONG ULAT:
GMA News538,480 次观看 • 4 天前

'HINDI SILA PUMIPIRMA' Ibinahagi ni Sen. Kiko Pangilinan na kabilang siya sa mga senador na pumirma sa report na nagrerekomenda ng pag-iimbestiga at pagsasampa ng kaso laban sa ilang senador kaugnay ng flood control projects. “Sinasabi, hindi raw namin iniimbestigahan ang flood control. Eh, hindi sila pumipirma. Kapag hindi sila pumirma, hindi ito mapupunta sa plenaryo para madebate.” Panoorin ang buong ulat:
GMA News121,752 次观看 • 2 天前

'WE'RE ASKING EVERYONE TO PRAY NA MATULOY ANG HEARINGS' WATCH: Senate President Alan Peter Cayetano conducts a Facebook live with Sen. Rodante Marcoleta today, June 3, 2026, to relay the agenda for their meeting with senators today and the Blue Ribbon Committee hearing tomorrow, June 4, 2026. Cayetano called on Filipinos to pray that the Blue Ribbon Committee hearing pushes through tomorrow to reopen discussions and investigation on the flood control anomalies. VIDEO COURTESY: Alan Peter Cayetano/Facebook Visit for more updates.
GMA News106,307 次观看 • 2 天前

Sinamahan si Sen. Jinggoy Estrada ng kaniyang mga kasama sa Senate majority, sa kaniyang pagharap sa media matapos mag-isyu ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban sa kaniya. Sinabi ni Estrada na ilang beses siyang inalok na lumipat sa minority bloc kapalit ng pagbasura umano sa kaniyang mga kaso. | via Mark Salazar/GMA News PANOORIN:
GMA News191,947 次观看 • 3 天前

DILG SEC. REMULLA: SEN. JINGGOY, KAILANGAN NG KNEE REPLACEMENT Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nakausap niya si Sen. Jinggoy Estrada at pinapili kung gusto nitong arestuhin o sumuko sakaling lumabas ang arrest warrant laban sa kaniya. Ayon kay SILG Remulla, ikinababahala umano ni Sen. Jinggoy ang kondisyon ng kaniyang tuhod na kailangan ng knee replacement surgery. | via Mark Makalalad Bisitahin ang para sa iba pang balita.
GMA News278,216 次观看 • 7 天前

SEN. PADILLA AT SILG REMULLA, NAGPANG-ABOT AT NAGKAGITGITAN PANOORIN: Nagpang-abot at nagkagitgitan sina Sen. Robin Padilla at SILG Jonvic Remulla sa Senado ngayong araw, June 4, 2026. Natitipon ang ilang senador para sa Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, June 4, sa kabila ng anunsiyo ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na walang hearing ngayong araw.
GMA News47,644 次观看 • 1 天前

Kinuwestiyon ni Sen. Migz Zubiri ang ipinakitang video sa plenary session ni Sen. Imee Marcos ukol sa charter change. Ayon kay Zubiri, “propaganda” umano ang naturang video at hindi dapat ipinakita sa plenaryo. “It should be stricken off the record, Madam President,” ani Zubiri. PANOORIN: Bisitahin ang para sa iba pang balita.
GMA News424,724 次观看 • 10 天前

'BOYCOTT DAHIL HINULI SI JINGGOY?' Binatikos ni Sen. Erwin Tulfo ang hindi pagsipot ng mga miyembro ng majority bloc sa sesyon ngayong Lunes, June 1, 2026, na ang dahilan daw ayon kay Tulfo, ay ang pagkakaaresto kay Sen. Jinggoy Estrada. "This is the first time... na hindi naman force majeure, wala naman bagyo, lindol, whatever, wala naman pandemic." Ani Tulfo, sayang ang buwis na pinapasuweldo sa mga senador kung hindi papasok. "'Pag ordinary government employee, suspendido, sisante pag hindi pumasok. Police, military -- AWOL. 'Pag kami, ganoon-ganoon lang? I mean walang penalty? Walang violation?" Sabi ni Tulfo, maglalabas sila ng joint statement tungkol sa nangyari sa sesyon ngayong araw. | via Jonathan Andal/GMA News Bisitahin ang para sa updates.
GMA News129,250 次观看 • 3 天前

Sen. Pia Cayetano, ibinahagi sa isang Facebook live ang kaniyang karanasan nang magkaroon ng putukan sa Senado noong May 13, 2026. Sa nasabing live, sinagot ni Sen. Pia ang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na wala umanong NBI agent sa Senate premises nang maganap ang putukan. Pinuna niya rin ang umano’y naging pagsigaw at pagsagot ni Dir. Matibag sa kaniya na “wala siyang magagawa, wala kami diyan” nang ipagbigay-alam nila ni Sen. Loren Legarda ang sitwasyon sa Senado. Courtesy: Pia Cayetano/FB Bisitahin ang para sa iba pang updates
GMA News834,908 次观看 • 21 天前

MALIII, HINDI PA TAPOS 😭 Nahaluan ng tawanan ang mainit na labanan sa pagkanta sa isang barangay fiesta sa Ragay, Camarines Sur nitong Sabado ng gabi, May 16, 2026. Sa kalagitnaan kasi ng perfomance ng isang kalahok ay biglang pumasok ang dalawang emcee sa pag-aakalang tapos na ang babae sa pagkanta. Pero may kasunod pa palang linya dahil may sarili itong version ng kanta. Nang matapos na talaga ang contestant ay idinaan nalang sa biro ng mga emcee ang nangyaring pagkakamali. | via Peewee Bacuño/Stringer Courtesy: Jean Posabani Bisitahin ang para sa iba pang updates.
GMA News642,611 次观看 • 19 天前

‘IT SEEMS TO ONLY BE APPLICABLE TO SEN. BATO PARA MAKABOTO DAHIL NAGTATAGO SIYA’ JUST IN: Pangulong Bongbong Marcos, hindi pabor sa mosyon na amyendahan ang rules ng Senado upang pahintulutan ang pagdalo sa sesyon via teleconferencing. “I disagree with that. I understand that we had to do it in COVID because there was a health risk,” saad ng Pangulo. Aniya, ang puganteng senador na si Sen. Ronald dela Rosa lang umano ang makikinabang sa naturang mosyon na nauwi sa pag-walkout ng minorya. | via ivan mayrina Bisitahin ang para sa iba pang balita.
GMA News200,814 次观看 • 7 天前

Bago i-adjourn ang sesyon, sinabi ni Senate President Pro Tempore at acting Senate Pres. Sherwin Gatchalian na napilitan umano silang mag-convene matapos hindi dumalo si Senate Pres. Alan Peter Cayetano sa mga nakatakdang sesyon noong June 1 at 2. Dagdag ni Gatchalian, “the quorum of 12 is based on majority of 22 senators over whom jurisdiction can be obtained by the Senate. This is in full accord with the ruling of the Court in Avelino v. Cuenco, that an absolute majority of 12 out of the 23 members can constitute a constitutional majority of the Senate for quorum purposes.” PANOORIN:
GMA News46,933 次观看 • 1 天前

DADDY'S HOME! 🇵🇭🏠 Hindi maipinta ang sayang namutawi sa mga mata at ngiti ng 3-year old na si Matthias ng makita at mayakap nang personal ang kaniyang ama. Ayon kay YouScooper Patricia na mommy ng bata, 2019 nang mag-migrate sa USA ang kaniyang asawa at since 2022, umuuwi siya isang buwan kada taon para makasama ang anak. "Sobrang saya namin na makumpleto ulit. 'Di namin ine-expect na magiging teary-eyed siya. Successful ang surprise 🥹❤️," saad ni YouScooper Patricia. May ilang netizens ang natuwa at nagbiro pa sa comments section, "Nakakaiyak naman 'te, may chocolate pa ba?" #YouScoop Courtesy: YouScooper Patricia May Ibañez-Jadion
GMA News995,847 次观看 • 1 个月前

MALAKING BATO, BIGLANG BUMAGSAK MALAPIT SA TALON Ang preskong paliligo sana ng isang grupo sa Curry Slide and Shower Falls sa Mount Isarog Pili, Camarines noong May 24, 2026 ay nauwi sa takot matapos bumagsak ang isang malaking bato habang sila ay naliligo bandang 4 PM. Ayon kay YouScooper Bry, inakala nilang uulan dahil may narinig silang kulog, pero maliwanag at mainit naman ang panahon. Maya-maya, sunod-sunod na lagabog at tunog ng mga nababaling kahoy ang kanilang narinig kaya agad silang nagtakbuhan upang makaiwas sa mga bato. Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente. #YouScoop Courtesy: YouScooper Pitik ni Bry
GMA News222,321 次观看 • 10 天前







