
Heidi Mendoza
@HeidiMendoza45 • 23,914 subscribers
Auditing is my profession, investigation is my passion, art is my expression.
Shorts
Videos

🏳️🌈 Baklang kanal tayo, pero hindi tayo dapat nakatira sa kanal! 5% ng budget ng bawat ahensya ng gobyerno ay para sa gender development—pondo ng bayan na para rin sa LGBTQIA+ community! 👀 Oras na para singilin ang gobyerno—pondo ng bayan, para sa lahat! #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza244,142 просмотров • 1 год назад

Ang boto mo sa akin ay hindi lang boto para sa isang pangalan sa balota, ito ay paninindigan para sa mas malinis na gobyerno. Sa bawat boto para sa isang Heidi Mendoza, isinusulong mo ang katapatan sa paggamit ng pondo ng bayan, ang pananagutan ng mga nasa poder, at ang pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Hindi ako perpekto, pero buong buhay ko, pinatunayan ko na pwedeng maging tapat sa gitna ng tukso, pwedeng maging matatag sa gitna ng pananakot, at pwedeng manindigan kahit nag-iisa. Ang boto mo ay paniniwala na kaya nating itama ang bulok na sistema—isa, dalawang boto, hanggang sa umabot sa milyon—para sa isang gobyernong hindi nagpapayaman kundi naglilingkod. #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza65,864 просмотров • 1 год назад

Ang audit opinion ay hindi audit rating. Hindi ito scorecard, hindi ito grade, at lalong hindi ito malinis na pamamahala. Ito ang end product ng isang financial audit, isang proseso na tinitingnan lamang kung tama ang pag-record at pag-present ng financial statements batay sa accounting standards. Ang pangunahing layunin ng financial audit ay bigyan ng assurance ang stakeholders na ang financial information ng isang organisasyon ay reliable at faithful to the records. Ang tanong ng auditor ay: tama ba ang suma ng nireport na nagastos, pag-aari ba talaga ng ahensya ang assets na nasa balance sheet, tama ba ang valuation nito, hindi ba overstated ang receivables, may totoong pinagkakautangan ba, at iba pa. Lahat ng ito ay tungkol sa accuracy of reporting, hindi propriety of spending. At eto ang pinakamahalaga: ang audit opinion kahit pa unmodified opinion ay hindi nangangahulugan na maayos, wasto, o legal ang paghawak ng pondo. Hindi ito clearance sa corruption. Hindi ito certificate of good governance. Hindi ito stamp ng walang anomalya. Bakit? Dahil ang financial audit hindi saklaw ang legality, wisdom, efficiency, ethics, o propriety ng paggamit ng budget. Kapag ang isang questionable expense ay properly recorded, puwede pa ring magresulta sa unmodified opinion. Ang trabaho ng auditor ay suriin ang papeles, hindi ang kriminal na motibo. Uulitin ko ng isang milyon times: Unmodified opinion does NOT mean clean spending. Hindi ito tungkol sa paggamit ng pondo. Ito ay tungkol lamang sa tamang pagpresenta ng papeles.
Heidi Mendoza36,847 просмотров • 6 месяцев назад
2:08
Sensitive content
This media may contain sensitive content.
0:21
Sensitive content
This media may contain sensitive content.

Walo na lang na tulog, eleksyon na. Pwede ko na po bang hilingin ang tulong ninyo? Kung naniniwala kayo sa laban ko laban sa katiwalian, kung sa tingin ninyo ay kailangan ng Senado ng taong may tapang, integridad at tunay na malasakit sa pera ng bayan, ikampanya niyo po ako sa mga kakilala niyo. Sa pamilya, sa kaibigan, sa kapitbahay, sa mga nasa group chat, sa mga dating kaklase, sa katrabaho. Ang boto nila, baka yun ang maging tulak para may mapanagot, may magbantay at may lumaban para sa atin sa Senado. Payag ba kayong magsama tayo hanggang dulo? #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza40,186 просмотров • 1 год назад

[ADMIN] Sa rally sa EDSA People Power Monument, sabay na umalingawngaw ang tinig nina Heidi Mendoza at Cielo Magno: Itigil na ang paulit-ulit na panlilinlang. Kung hindi kikilos ang nasa kapangyarihan, mismong taumbayan ang gagalaw. Ang panawagan: People’s Initiative. Nasa Konstitusyon mismo ang probisyong ito, isang kapangyarihan para sa mamamayan na maghain ng panukalang batas kapalit ng milyon-milyong pirma mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi na ito dadaan sa Kongresong kontrolado ng dinastiya, kundi diretsong boses ng taumbayan. Kung kaya nating magkaisa sa kalsada, kaya rin nating magkaisa sa pagpirma para sa tunay na reporma. Tatlong larangan ang binigyang-diin sa EDSA: 1. Political at Electoral Reforms ◦Batas laban sa Political Dynasties. Parang liga ng barangay na iisang pamilya lang ang laging nasa line-up. Kahit palpak, sila pa rin ang pinapasok. Paano makakalaro ang iba kung sila lang ang hawak ng bola? Hangga’t walang malinaw na batas laban sa dinastiya, paulit-ulit lang ang mga may sala na nauupo. ◦Diskwalipikasyon ng mga Pulitikong May Hindi Na-liquidate na Pondo. Kapag may final at executory na Notice of Disallowance mula COA, ibig sabihin may perang ginastos na hindi maipaliwanag at dapat ibalik. Sa simpleng buhay, kung umutang ka sa sari-sari store at hindi nagbayad, hindi ka na uutangan ulit. Sa gobyerno, kahit may utang sa bayan, puwede pang tumakbo at manalo. Dapat tapusin ang ganitong kalakaran: hindi kayang ipaliwanag ang pera ng bayan, disqualified agad. 2. People’s Participation ◦Participatory Audit. Sama-samang pagbabantay ng mamamayan at eksperto para siguradong tama ang paggastos ng gobyerno. ◦Open Infra. Dapat nakapaskil ang lahat ng proyekto mula plano hanggang presyo. Para matapos na ang paulit-ulit na flood control at tulay na taon-taon nasa budget pero hanggang ngayon, baha pa rin ang tao. 3. Access to Information ◦Freedom of Information. Para makita ng bawat mamamayan kung saan napupunta ang pinaghirapan nilang buwis. ◦Publikong access sa SALN. Parang resibo ng yaman ng opisyal, kung biglang nagkaroon ng mansyon o luxury car habang nasa puwesto, dapat kita agad. Ngayon, tinatago para hindi makita ng tao. Kaya sabay-sabay ang sigaw sa rally: dapat lantad ang SALN. ◦Beneficial Ownership. Para mabunyag kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga kontrata at hindi natatago sa mga dummy. ◦Procurement Monitoring na may Standard Costing. Para hindi na overprice ang pako, yero, o semento na parang itlog na presyong ginto. Ang People’s Initiative ang tuwirang daan para maisabatas ang lahat ng ito. Kung aasa sa Kongresong hawak ng dinastiya, haharangin lang nila. Pero kung taumbayan ang kikilos, wala silang magagawa kundi pakinggan. Kung hindi tayo kikilos, mananatili tayong bihag ng dinastiya at kawalan ng pananagutan. Ilang ulit na tayong pinakain ng parehong panis na ulam, ilang ulit na nakuryente sa parehong sirang kawad. Kung hindi tayo gigising, wala talagang magbabago. Pero kung kikilos tayo, may pag-asa tayong baguhin ang sistema.
Heidi Mendoza28,477 просмотров • 8 месяцев назад
4:37
Sensitive content
This media may contain sensitive content.

Korapsyon ang pinakamalaking hadlang sa pag-asenso ng bansa — dahil sa katiwalian, hindi makalusot ang nararapat na tulong at pangangailangan ng mga tao. Gawin nating eleksyon ito ng posibilidad — ng tapat na serbisyo, ng gobyernong patas para sa lahat. 💜🇵🇭 #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza39,638 просмотров • 1 год назад

Alam ko: kapag walang korapsyon sa proyekto ng gobyerno, maayos ang resulta — ligtas, matibay, at kapaki-pakinabang para sa taumbayan. Buong buhay ko, ito ang pinaglaban ko bilang auditor. Ngayon, gusto ko lang ipagpatuloy sa Senado ang laban para sa tapat na paggasta at tunay na serbisyo. Tumindig ako noon, titindig ulit ako para sa inyo. #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza36,872 просмотров • 1 год назад
1:07
Sensitive content
This media may contain sensitive content.

Sabik na sabik na rin ako. Hindi sa kapangyarihan, kundi sa panahong hindi na kailangang bantayan ang bawat piso. Sa gobyernong hindi kailangang takutin para lang sumunod sa tama. Sa Senado na hindi trinabaho para sa pangalan kundi para sa taong-bayan. Hindi ako galing sa mayamang pamilya. Wala akong makinarya. Pero meron akong bitbit: katotohanan, tapang, at tibay ng loob. Ako si Heidi Mendoza. Tumatakbo ako hindi para sa pwesto kundi para sa panibagong pag-asa. Sana sabik ka rin sa gobyernong walang tinatago. #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza36,175 просмотров • 1 год назад

Ilang buhay pa ang kailangang mawala bago tayo pumili ng tama? Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa. May panahon pa. Sabihan ang pamilya, kaibigan, kapitbahay: #45 po, si Heidi Mendoza. Hindi ito pangako lang. Napatunayan ko na. Tara, samahan niyo ako. #45HeidiMendoza
Heidi Mendoza31,553 просмотров • 1 год назад

Maraming Salamat, Atty. Vince Tanada! 💜🇵🇭 #45HeidiMendoza #FormerCOACommissioner #Halalan2025
Heidi Mendoza33,319 просмотров • 1 год назад

After my stint in the United Nations as Undersecretary for Oversight Services. Isa po ang pangako ko after 5 years. Im going back. Im going to run as a Senator of the Republic of the Philippines God’s Perfect Timing! 💜🙏 #45HeidiMendoza #FormerCOACommissioner #HeidiNation
Heidi Mendoza32,047 просмотров • 1 год назад