
Official MMDA
@MMDA • 3,966,761 subscribers
Official X Account of the Metropolitan Manila Development Authority | Hotline 136 | [email protected] | VIBER 0956-6632-221
Shorts
Videos

𝐄𝐍𝐅𝐎𝐑𝐂𝐄𝐑 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆-𝐂𝐎𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑𝐅𝐋𝐎𝐖 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐒 𝐋𝐀𝐍𝐄, 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐆𝐔𝐓𝐈𝐍 Pananagutin ang isang MMDA traffic enforcer na nakunan ng video na nag-counterflow sa EDSA bus lane ngayong umaga. Kinilala ang enforcer na si TA1 Jeffrey Tablan. Iginiit ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na hindi tino-tolerate ng ahensiya ang mga maling gawain ng sinuman sa tauhan nito. Hindi rin aniya tinatago ang mga maling gawain ng mga kawani ng ahensiya para hindi pamarisan. Multang P5000 sa bus lane violation at administrative sanction ang kahaharapin ng enforcer. Sasailalim din ito sa imbestigasyon at papatawan ng karampatang parusa. #mmda
Official MMDA38,045 Aufrufe • vor 1 Monat

Huwag tularan ang nasa video na tumatawid sa gitna ng EDSA. Tumawid sa tamang tawiran. Ang EDSA at anumang pangunahing lansangan sa Metro Manila ay hindi para tawiran ng mga pedestrian. Huwag tularan ang nasa video na tumatawid sa gitna ng EDSA. Ang bawat bus stops sa EDSA Bus Carousel lane ay siya ring babaan ng mga pasahero nito. Huwag makipagpatintero kay Kamatayan. Video credits: Jme Santos of Saksi #MMDA
Official MMDA473,866 Aufrufe • vor 3 Jahren

Nakunan ng closed circuit television camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang SUV na nag-u-turn sa center island sa bahagi ng EDSA Aurora underpass kaninang umaga. Nangyari ang insidente bandang 8:30 ng umaga sa kasagsagan ng rush hour. Natukoy ang plate number ng sasakyan. Alinsunod sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, maghahain ng reklamo ang ahensiya sa Land Transportation Office upang mapatawan ng kaukulang parusa ang naturang SUV driver. Paalala ng MMDA: malaking panganib ang maling diskarte sa kalsada. Sumunod sa umiiral na batas trapiko. #mmda
Official MMDA309,504 Aufrufe • vor 1 Jahr

Mas mabigat na parusa ang kakaharapin ng isang rider ng motorcycle ride-hailing service dahil sa tangka nitong pagtakas, halos kanyang sagasaan ang mga traffic enforcers na humuli sa kanya dahil sa paglabag sa EDSA Bus Lane policy. Na-flag down ng MMDA Special Operations Group-Strike Force ang rider na may sakay na pasahero sa EDSA-Cubao northbound ngayong araw, 8:30 am. Imbes na huminto para mabigyan ng violation ticket, hinarurot ng rider ang kanyang motor. Sinubukan ng tatlong traffic enforcers na pigilan ang rider sa kanyang pagtakas, pero sila ang nanganib. Ang rider ay tuluyang natikitan sa paglabag sa EDSA Bus Lane policy at reckless driving. Sa utos ni MMDA Acting Chairman Atty. Artes, magsusumite ang ahensiya ng report sa ride-hailing app na kanyang pinapasukan at maghahain ng reklamo sa Land Transportation Office kasabay ng paghiling na kanselahin ang kanyang lisensya. Patong-patong din na criminal charges ang planong isampa ng ahensiya laban sa rider. #mmda
Official MMDA370,043 Aufrufe • vor 2 Jahren

Ukol sa viral photo ng rampa sa EDSA-Philam station ng Busway station sa Quezon City, nais namin ipabatid na mayroong height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge. Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan. Magtatalaga ang MMDA ng mga kawani para umasiste sa mga PWDs kung mahirapan sila pumanhik ng rampa. Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran. Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station. Photo by PNA and video by GMA Public Affairs #mmda
Official MMDA192,198 Aufrufe • vor 2 Jahren

Mekus mekus na basura na karamihan ay single used plastic, plastic bottles at styrofoam ang nahakot ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office sa drainage na ito sa Paranaque. Tinanggal ang basura, burak at putik na nagbabara sa drainage upang masiguro ang kaayusan nito at maiwasan ang pagbabara, lalo na sa tag-ulan. Bago magtapon ng basura, isipin ang masamang dulot nito: maduming kapaligiran, mabahong lansangan, at pagbaha. #MMDA #mmdaatyourservice
Official MMDA224,785 Aufrufe • vor 2 Jahren

Ang pagsunod sa batas trapiko at disiplina sa kalsada ay para sa lahat, kabilang ang mga emergency vehicles. Sa kuha ng CCTV ng MMDA Metrobase, nagsalpukan ang isang ambulansya at bus sa EDSA Monte de Piedad Northbound ngayong Huwebes ng umaga. Mula sa main road at papasok sa Edsa Bus Lane ang ambulansya na napag-alamang walang sakay na pasyente at pauwi na ng probinsya. Walang patid ang paalala ng ahensiya na mag-ingat at maging responsable sa pagmamaneho. #MMDA
Official MMDA101,506 Aufrufe • vor 3 Jahren

Bawal ang paggamit ng unicycle sa Edsa at iba pang mga national roads sa Metro Manila. Isang lalaki ang nakuhaan ng video na gumagamit unicycle at dumaraan sa kahabaan ng Edsa. Nakikipagsabayan siya sa iba pang mga sasakyan at lumilipat ng lane na delikado para sa kanya at sa iba pang motorista. #mmda
Official MMDA58,376 Aufrufe • vor 2 Jahren

Lumang muwebles, gulong, sanga ng kahoy, at iba pang basura ang nahakot sa Tripa De Gallina Pumping Station na inooperate ng MMDA. Hindi itinatapon sa estero ang mga sirang kagamitan at anumang ng uri ng basura–maliit man o malaki–dahil napupunta ito sa pumping station. Problema ang dala nito dahil maaaring magdulot ng pagkasira ng trash rake at pang bahagi ng pasilidad na humihigop ng baha, ngayong malakas na pag-ulan. Huwag po nating gawing basurahan ang estero. Responsibilidad ng bawat isa ang tamang pagtatapon ng basura. #mmda #mmdaatyourservice
Official MMDA32,594 Aufrufe • vor 1 Jahr

Puno ng iba't ibang klase ng basura at tuyong dahon ang drainage na ito sa Medina St., Kabihasnan, sa Parañaque City na sumailalim sa declogging operations. Sa puwersa ng miyembro ng MMDA FCSMO at mga mga benepisyaryo ng TUPAD Program ng DOLE, tinanggal ang bara para mapalaki ang kapasidad ng drainage at dumaloy ang tubig. #mmda
Official MMDA32,940 Aufrufe • vor 2 Jahren
Keine weiteren Inhalte verfügbar