
Mahar Lagmay
@nababaha • 61,825 subscribers
Disaster scientist, UP Professor, dashing husband :-) and father to three munchkins. Driver of UP NOAH.
Videos

Heto iyong suggestion ng #WalangPasok evidence-based decision app for today para sa Quezon City and Baguio City. The analyses presented are based on the 5 am assessment. Kapag walang data na available ay hindi siya nag-bibigay ng suggestion. Ang sasabihin ay analysis not possible. Gusto niyo ba na mag-volunteer to test the app?
Mahar Lagmay14,187 views • 19 days ago

May panahon pa para maghanda kay #IndayPH 1. Alamin kung nasaan ang bagyo 2. Tignan kung gaano kadami ang bumubuhos na ulan sa inyong lugar 3. Iwasan ang mga lugar na puwedeng bahain Lahat niyan ay maaring malaman sa Available din sa mobile app sa Android at iOS #SuperTyphoonBavi
Mahar Lagmay21,242 views • 1 month ago

Baha sa SLEX Sucat kita sa video at sa mapa ng Credits to the owner of the video
Mahar Lagmay231,176 views • 3 years ago

(1/10) We hear you, LMP! We hear you, Mayor Donya! Joint committee hearing on the proposed legislation to institutionalize a permanent, science-based, multidisciplinary national institution for climate resilience and disaster risk reduction. It will be named the UP National Climate Resilience Institute, which is as an elevated or transformed version of the UP Resilience Institute and UP NOAH Center (formerly known as Project NOAH). The Institute will have a national mandate, dedicated funding, permanent staffing, and will work closely with State Universities and Colleges (SUCs) to strengthen research, innovation, training, and science-based solutions for climate resilience and disaster risk reduction. #leagueofmunicipalities #LMP
Mahar Lagmay22,351 views • 3 months ago

Malaki at malakas ang bagyong #UwanPH. Alam natin kung saan ito tatahak at maghahasik ng malakas na hangin at mag-papaulan ng malakas. Dahil malakas ang ulan ay maari itong mag-dulot ng baha at landslides. Ano ngayon ang mga kailangan na basic na gawin? Para sa lakas ng hangin 1. Bawasan ang mga sanga ng puno at baka ito mabuwal at bumagsak sa bahay ninyo. 2. Patibayin ang mga bubong. 3. Kung mahina ang yari ng bahay ay pumunta sa evacuation center. 4. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Para sa lakas ng ulan 1. Tignan ang mga hazard maps ng baha at landslide at alamin kung kayo ay nasa panganib. Puwedeng tignan ang para sa ganitong klase ng mapa. 2. Tignan ang impact-based forecasting system ng UP-NOAH na matatagpuan sa . Na-predict nito one day in advance ang mga babahain na lugar sa Cebu noong kasagsagan ng #TinoPH 3. Hanapin ang mga lugar na walang kulay sa hazard maps ng baha at landslide na matatagpuan sa website ng NOAH. Duon muna kayo sa mga ligtas na lugar pansamantala habang dumadaan ang bagyo. 4. Isama niyo na rin na tignan ang storm surge kung may babala ang PAGASA ng panganib ng storm surge. 5. Iwasan muna bumiyahe sa kasagsagan ng bagyo at baka kayo madaganan ng mga malalaking bato. 5. Iyong mga dams na uulanin ng malakas ay dapat nag-rerelease na ng tubig kahapon pa lamang. Matuto tayo sa mga nakaraang bagyo katulad ng #PepengPH noong 2009. 6. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Subaybayan ng mabuti ang balita at mga updates ng NDRRMC, particular ang mga updates ng PAGASA.
Mahar Lagmay30,004 views • 10 months ago
No more content to load
