Mahar Lagmay's banner
Mahar Lagmay's profile picture

Mahar Lagmay

@nababaha61,841 subscribers

Disaster scientist, UP Professor, dashing husband :-) and father to three munchkins. Driver of UP NOAH.

Videos

nababaha's profile picture

Malaki at malakas ang bagyong #UwanPH. Alam natin kung saan ito tatahak at maghahasik ng malakas na hangin at mag-papaulan ng malakas. Dahil malakas ang ulan ay maari itong mag-dulot ng baha at landslides. Ano ngayon ang mga kailangan na basic na gawin? Para sa lakas ng hangin 1. Bawasan ang mga sanga ng puno at baka ito mabuwal at bumagsak sa bahay ninyo. 2. Patibayin ang mga bubong. 3. Kung mahina ang yari ng bahay ay pumunta sa evacuation center. 4. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Para sa lakas ng ulan 1. Tignan ang mga hazard maps ng baha at landslide at alamin kung kayo ay nasa panganib. Puwedeng tignan ang para sa ganitong klase ng mapa. 2. Tignan ang impact-based forecasting system ng UP-NOAH na matatagpuan sa . Na-predict nito one day in advance ang mga babahain na lugar sa Cebu noong kasagsagan ng #TinoPH 3. Hanapin ang mga lugar na walang kulay sa hazard maps ng baha at landslide na matatagpuan sa website ng NOAH. Duon muna kayo sa mga ligtas na lugar pansamantala habang dumadaan ang bagyo. 4. Isama niyo na rin na tignan ang storm surge kung may babala ang PAGASA ng panganib ng storm surge. 5. Iwasan muna bumiyahe sa kasagsagan ng bagyo at baka kayo madaganan ng mga malalaking bato. 5. Iyong mga dams na uulanin ng malakas ay dapat nag-rerelease na ng tubig kahapon pa lamang. Matuto tayo sa mga nakaraang bagyo katulad ng #PepengPH noong 2009. 6. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Subaybayan ng mabuti ang balita at mga updates ng NDRRMC, particular ang mga updates ng PAGASA.

Mahar Lagmay

30,004 次观看 • 8 个月前

没有更多内容可加载