
PISTON
@pistonph • 6,998 subscribers
Uniting informal public transport workers in the Philippines under a genuine, progressive, & anti-imperialist federation since 1981.
Videos

🚨 ALERT ‼️ Inaresto ang ilang lider ng PISTON at Manibela sa Bacolod sa kasagsagan ng kanilang protesta sa pagdating ni LTFRB Chairman Guadiz sa kanilang lungsod ngayong tanghali, Setyembre 18. Kinilala ang mga inaresto na sila Lilian Sembrano, Rudy Catedral, Eric Bendoy, Shallemar Leutner, Melchor Omangyon, Rodolfo Gardoce. Iginigiit ng protesta ng mga operators at drivers na makapasok at pakinggan ang kanilang hinaing sa transport summit, nang ilegal na hulihin ng PNP sa kasong disobedience. Pagkatapos nito, binomba ng water cannon ang mga tsuper at operator na nagpoprotesta sa harap ng hotel. Patunay lang ito na bingi ang rehimeng Marcos Jr at gagamit pa ng pambubusal at panggigipit kaysa pakinggan ang hinaing ng karaniwang tsuper at operator. Nananawagan ang PISTON sa lahat ng masang tsuper at operator na ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa Bacolod 6 sa lahat ng militanteng paraan. Paghandaan natin ang pagkilos sa lansangan upang ipaglaban ang pagpapalaya sa ating mga kasamahan at ang ating mga karapatan.
PISTON15,996 views • 1 year ago
No more content to load