
Jonathan Magistrado
@punongmhistrado • 2,448 subscribers
Journalist
Shorts
Videos

𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗘𝗧𝗜𝗥𝗜𝗭𝗘𝗡? 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮, '𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗼 '𝘆𝗼𝗻! Unli-tawa ang hatid sa netizens ng maikling video na ipinost ng 22-anyos na si Nathaniel Laguan. Sa video, kinukuhanan niya ang katrabahong si Nelson Pil habang kausap sa telepono ang kanilang boss sa catering service na si Dith Manzano. Matapos nilang i-set up ang backdrop para sa aktibidad ng mga "young at heart" kaugnay ng fiesta sa Barangay Maraboc, Laoac, Pangasinan, doon lang nila napansin na may mali sa pangalan ng programa. "Senior Cetirizen" sa halip na "Senior Citizen Night" ang naimprenta sa tarp. "'Yong nagpa-print noon, pati siya nga po eh tawang-tawa sa kinalabasan," ani Laguan. Sinubukan din naman nilang remedyuhan ang nakakatawang problema. Ginupit nila ang "RI" sa tarp, ngunit lalo lang itong nagdulot ng katatawanan nang mapagtantong "wrong spelling" pa rin ang nabuo: "CETIZEN" sa halip na "citizen." "Basta, 'yon na po 'yon! Hahahaha," dagdag pa niya. Tumabo na ng halos 2 milyong views ang video na nitong nakaraang araw lang in-upload. Ayon kay Laguan, noong December 21, 2025 pa kinunan ang video, pero nitong nakaraang araw lang niya ito naipost upang maghatid ng good vibes sa gitna ng mga pinagdadaanan ng mga kababayan.
Jonathan Magistrado113,565 次观看 • 2 个月前

VP Sara Duterte nakiisa sa misa para sa 100th Canonical Coronation ni Our Lady of Peñafrancia ngayong Sept 20 sa Naga City, pagkatapos ng nasa isang oras na nakipagkita kay ex-VP Leni Robredo. Una nang sinabi ni Atty. Barry Guiterrez na ‘personal’ at hindi politikal ang pulong.
Jonathan Magistrado60,450 次观看 • 1 年前
没有更多内容可加载