
Radyo Pilipinas
@radyopilipinas1 • 51,303 subscribers
This is the Official Twitter Account of the Presidential Broadcast Service's Radyo Pilipinas. FB: https://t.co/nvy2Y4tu85
Shorts
Videos

Pumanaw na ang motorcycle rider na si Alexander Cruz matapos itong mabangga ng kasalubong nitong SUV habang papaliko sa panulukan ng Russet St. at Gen. Ordoñez Ave. sa Marikina City. Batay sa kuha ng CCTV, makikitang nasa yellow box na ang rider at papaliko na nang banggain ito ng humaharurot na isang SUV, na sinasabing minamaneho ng isang David de Guzman na anak umano ng Vice Mayor ng Marikina. | ulat ni Jaymark Dagala #RadyoPubliko #RadyoPilipinas #IntegratedStateMedia #ISM READ:
Radyo Pilipinas411,419 Aufrufe • vor 1 Monat

TINGNAN | Yormilk 2.0, inilunsad sa lungsod ng Maynila. Abot na hanggang sa mga mag-aaral sa Grade 1 ang pamamahagi ng organic milk na sponsored ng Pamahalaang lungsod ng Maynila. | via Lorenz Tanjoco #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM
Radyo Pilipinas262,903 Aufrufe • vor 1 Monat

PANOORIN | Dating bumoto kay Vice president Sara Duterte, pumunta sa Senado para suportahan ang pagpapatalsik kay VP Durterte. Ayon kay Ka Jet, nakakatakot ang pamamahala at attitude ni VP Duterte at ayaw nilang kamulatan ito ng kabataan. | via DK Zarate #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #PBSDigitalMedia
Radyo Pilipinas148,216 Aufrufe • vor 24 Tagen

𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐄 𝟓 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈𝐏𝐎𝐋𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐖𝐈 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎, 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐓 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐔𝐓𝐄𝐑𝐓𝐄 Personal na nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagdadalamhating ina ni Francis na si Elena Minggoy at ibinahagi nito ang nangyari sa kaniyang anak. | ulat ni Diane Lear Basahin: #RP1News
Radyo Pilipinas2,222,814 Aufrufe • vor 2 Jahren

PANOORIN | Kasabay ng malakas na pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol, maririnig sa video ang pagputok ng transformer malapit sa Davao City National High School kaninang alas-siyete ng umaga sa unang araw ng klase. Kinumpirma ni Evelyn Magno, principal ng paaralan, na may pumutok nga na dalawang transformer malapit sa campus na nagdulot ng agarang brownout sa lugar. Agad namang inilikas ang mga estudyante at kawani ng paaralan bilang pag-iingat habang nagpapatuloy ang pagyanig. Sa kasalukuyan, suspendido na ang mga klase sa Davao City at pinauwi ang mga mag-aaral dakong alas-otso ng umaga. | via Kate Laquihon-Lao | RP Davao #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM
Radyo Pilipinas113,343 Aufrufe • vor 1 Monat

PANOORIN | P26 billion na pondo para sa AKAP program, napasama sa pinal na bersyon ng 2025 National Budget. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, maaaring mag-usap ang Kamara at Senado kung paanong maaari ring magpatupad din ng mga senador ang AKAP. | via Kathleen Forbes #RP1News
Radyo Pilipinas361,665 Aufrufe • vor 1 Jahr

PANOORIN | Anak ng mangingisda sa Iloilo na BFAR scholar at magna cum laude sa kolehiyo, topnotcher sa board exam. Isa si Leslie Kate Macaling sa napabilang sa listahan ng mga topnotcher sa October 2025 Licensure Examination for Fisheries Professionals. Nakakuha si Macaling ng 89% na rating na ikawalo sa pinakamataas na average score sa lahat ng kumuha ng naturang exam. Bukod kay Macaling, sampung iba pang graduates mula sa Western Visayas at Negros Occidental ang napasama sa topnotchers. | JP Hervas, RP1 Iloilo 📽 Leslie Kate Macalin #IntegratedStateMedia #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #ISM
Radyo Pilipinas187,365 Aufrufe • vor 9 Monaten

PANOORIN | Nagkita ang dalawang lider ng Kongreso sa Sarrangani province-- si House Speaker Bojie Dy at Acting Senate President Win Gatchalian, kasama sina Senators JV Ejercito, Erwin Tulfo, at Migz Zubiri sa kanilang pagbisita sa mga apektado ng lindol. Sa kanilang maikling pag-uusap, ipinahayag ni Gatchalian na looking forward siyang makatrabaho si Speaker Dy at ang House of Representatives habang binalikan din ang kanilang mahigit dalawang dekadang pagkakaibigan. Tugon naman ni Speaker Dy na muli silang magkikita sa nalalapit na state of the nation address ni PBBM. Patunay ito ng kooperasyon sa pagitan ng Senado at Kamara habang patuloy na nagtutulungan ang dalawang kapulungan upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga komunidad na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol. | via Melany Reyes #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM
Radyo Pilipinas33,345 Aufrufe • vor 1 Monat

PANOORIN | Hindi umumbra ang kay Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima ang hiling ni Curlee Discaya na magkaroon ng Executive Session para banggitin ang mga indibidwal at politiko na sangkot sa kickback sa kanilang infra projects. Hirit pa niya, wala na siyang idaragdag sa mga politiko na kaniyang idinawit sa naturang isyu. Pero para kay De Lima, duda siya na wala nang idaragdag dahil ang ginamit na salita ni Discaya ay ‘ilan sa kanila’ Paliwanag naman ni Discaya, Bisaya kasi siya at nalilito sa gagamiting salita. Lumabas din sa pag-dinig na ang PRC license ng abogado na nag notaryo sa sinumpaang salaysay ng mga Discaya na inilahad nila sa Senado ay paso na. | via Kathleen Jean Forbes #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko
Radyo Pilipinas158,589 Aufrufe • vor 10 Monaten

PANOORIN | Initial findings ng Special pannel of prosecutors sa nangyari tensyon at pagtakas ng senado ni Senator Ronald Dela Rosa Inilabas ng DOJ. | via DK Zarate 1. Hindi makatwiran ang papaputok ng OSAA sa NBI Agent. 2. Hindi under attack ang senate building noong gabi ng May 13. 3. Tinangka ng NBI na magsilbi ng Arrest warrant kay Senator Dela Rosa. 4. Posibleng managot sa batas ang tumulong sa pagtakas ni Senator Dela Rosa. #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM
Radyo Pilipinas27,204 Aufrufe • vor 1 Monat

PANOORIN | Aminado si Bataan Rep. Geraldine Roman na dismayado sya sa ginawang pagtawag ni VP Sara Duterte sa isang pulis na bakla. Aniya hindi niya inaasahang manggagaling pa mismo sa bise presidente ang ganitong mga pahayag lalo't kilala siyang taga-suporta ng LGBTQ Community. “We should not equate being gay or being trans or being lesbian with being weak. I think it’s quite surprising and disappointing the remarks knowing that the vice president isa declared supporter of the LGBTQ community. I did not expect that kind of remark on her.” | via Kathleen Jean Forbes #RP1News #RadyoPilipinas
Radyo Pilipinas144,822 Aufrufe • vor 1 Jahr

PANOORIN | Sitwasyon ng dagat sa Imelda Boulevard, Virac, Catanduanes ngayong umaga. Una nang nagbabala ang PAGASA kaugnay ng storm surge na idudulot ng bagyong #UwanPH sa lalawigan. | via Juriz Dela Rosa, RP Virac 🎥 Kamor Aldea #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM #DisasterPreparedness #UwanPH
Radyo Pilipinas59,723 Aufrufe • vor 8 Monaten

PANOORIN | Nais ni First Lady Liza Marcos na muling maibalik ang kagandahan ng Ilog Pasig, katulad ng Chao Phraya River sa Bangkok o Seine River sa Paris, kasabay ng patuloy na rehabilitasyon nito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor. #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko
Radyo Pilipinas92,108 Aufrufe • vor 1 Jahr

PANOORIN | Sa hiwalay naman na interpelasyon ni AKBAYAN party-list Rep. Chel Diokno kay dating Bulacan ADE Brice Hernandez, nangako ito na isusumite ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at buksan ang kaniyang phone records. | via Kathleen Jean Forbes #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko
Radyo Pilipinas59,762 Aufrufe • vor 10 Monaten

PANOORIN | Sumagot si Bataan Rep. Geraldine Roman sa pahayag ni Senate President Chiz Escudero na dinidiktahan o sunod-sunuran lamang ang mga kongresista kay Speaker Martin Romualdez. Tinukoy pa niya ang naging pahayag ng House leader sa isang panayam kamakailan, kung saan sinabi nitong ipaubaya na sa Senado ang desisyon ukol sa impeachment case ng Bise Presidente. Punto naman ni Roman na ang mahalaga ay gampanan ng Senado ang kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon. | via Kathleen Forbes #RP1News #RadyoPilipinas #RadyoPubliko
Radyo Pilipinas71,034 Aufrufe • vor 1 Jahr

PANOORIN | Hindi susuportahan ng Simbahang Katoliko ang ginagawang pagtitipon ng mga taga suporta ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa EDSA Shrine. Ayon kay Msgr. Mel David ng Clergy for Good Governance, hindi magpapagamit ang simbahan sa kasalukuyang girian sa pulitika. | Michael Rogas #RP1News
Radyo Pilipinas86,802 Aufrufe • vor 1 Jahr