正在加载视频...

视频加载失败

231,967 次观看 • 7 个月前 •via X (Twitter)

0 条评论

暂无评论

原始帖子的评论将显示在这里

相关视频

PALDO NA SANA, NAGING BATO PA DAHIL DAW SA ‘GLITCH’? Nagpasaklolo ang 8 bettor sa National Bureau of Investigation matapos umanong hindi ibigay ng isang online gambling platform ang P5B panalo nila. Kasama ang mga abogado, dumulog ang mga mananaya sa NBI-National Capital Region para ireklamo ang gambling platform, ilang PAGCOR official at affiliates nito. Ayon sa isa sa kanila na si alyas JR, nanalo siya ng P570M sa ‘lucky spin’ noong Marso 2025. Nang makipag-ugnayan sa customer service, sinabi umano nito na nagkaroon lang ng ‘glitch’ o aberya sa sistema, at hindi talaga siya nanalo. Dito na raw siya dumulog sa tanggapan ng online gaming platform pero ang sabi aniya ng isang representante, ‘mag-move on ka na.’ Pinapirmahan din umano siya ng kasulatan na wala na siyang hahabulin, at binigyan lang siya ng P300,000 ‘tulong.’ Sabi ng bettor, napilitan lang siyang pumirma dahil nang umayaw umano siya, ayaw siyang pababain sa gusali — bagay na ikinatakot niya kaya matapos nito’y lumipat na sila ng bahay ng kaniyang pamilya. Si alyas Kat naman, hindi umano na-claim ang mahigit P1B napanalunan sa ‘lucky spin’ — P485M noong Marso 2025 at P539M noong April. Maski piso aniya, wala siyang natanggap. Dito na raw siya nagpasaklolo sa PAGCOR pero nabigo siyang makahingi ng tulong kahit pa bitbit niya ang videos at screenshots na magpapatunay na nanalo siya sa sugal. Ang nakuha lang umano niyang sagot, ‘inilagay lang ang arrow para makita na umiikot ang roleta at hindi indicator ng panalo.’ Sabi ng isa sa kanilang mga abogado na si Atty. Leo La Victoria, depende sa rekumendasyon ng NBI, posibleng mapanagot ang mga responsable sa coercion, estafa at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Siniguro naman ni NBI-NCR Regional Director Emeterio Dongallo Jr. na susuriin nilang maigi ang alegasyon ng mga ito para malaman kung mayroong basehan. Kung sakali, saka pa lamang aniya iisyuhan ng subpoena ang mga isinasangkot na indibidwal. | RH 15 Jecelle Ricafort, DZRH News

DZRH NEWS

51,424 次观看 • 4 天前