Загрузка видео...

Не удалось загрузить видео

На главную

May dagdag na Php373 Billion na budget para sa “Unprogrammed Funds” at total na ₱1.113 Trillion para sa infrastructure projects. Pero malaking kaltas para sa edukasyon, kalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino? Sana pakinggan natin ang mga totoong hinaing ng taumbayan.

13,837 просмотров • 1 год назад •via X (Twitter)

Комментарии: 9

Фото профиля Nanadaime
Nanadaime1 год назад

Voting #senbam will be one of the best service you can do for our country! Pakisama na si @kikopangilinan sa inyong balota!

Фото профиля ronnie saladero
ronnie saladero1 год назад

60% lang ang napunta sa infrastructure kasi the rest kutong na ng politiko. Ang hindi nakikita yong mga projects na yan. Kay Pnoy lang naging maganda ang mga daan kasi kahit papano talagang may oversight ng pondo .

Фото профиля Lucille Aluning
Lucille Aluning1 год назад

Great job, FSen. Bam 👏👏👏 You're tackling REAL issues that are in the hearts of many. Maraming sawa na sa pulitika. Keep up the great work!!! All the best and more power 👍

Фото профиля JayDamet
JayDamet1 год назад

Unprogrammed Funds?... mas malamang sa mga polpol na politiko ay Bulsa Funds yan

Фото профиля 💖 RUBY 💖
💖 RUBY 💖1 год назад

Inuna po, Sen. @bamaquino, yung infra kasi mas malaki ang kita doon. 😢

Фото профиля Philippine Pages
Philippine Pages1 год назад

Abolish DepED. Stop lying, cheating and stealing from Ordinary Filipino Workers. End Dugas Pilipinas.

Фото профиля Roxel
Roxel1 год назад

ito lang talaga sa kakampinks ang trip ko if. I’d take him over Kikow chelly or even Leni. fr fr

Фото профиля Fubuhatinkita
Fubuhatinkita1 год назад

Kala ko nangunguna kayo ni kiko sa survey wahahahaha halos manhulelat kayo oh hahahah

Фото профиля alvin damilez
alvin damilez1 год назад

Bam lapit ka kay bebe em malakas kayo ngayon

Похожие видео

PAHAYAG ng ating Bise Presidente Inday Sara Duterte January 31, 2024 Mga kababayan, Assalamualaikum. Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang patuloy na tiwala at kompyansa sa akin bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Mahalaga ang kanyang pagkilala sa papel ng lahat ng bumubuo ng Department of Education sa pagsulong ng 8-point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration para sa isang Bagong Pilipinas. Nagpapasalamat din ako kay Apo BBM sa kanyang paggalang sa aking mga paninindigan. Katulad na lang ng aking pagtutol sa “Pera kapalit ang pirma sa People’s Initiative” dahil insulto ito sa kahirapan ng ating mga mamamayan at paglabag sa kanilang karapatang magpasya ng malaya. At sa halip na charter change, lutasin muna natin ang kahirapan, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho at hanap-buhay, seguridad at marami pang ibang isyu na pasan-pasan ng mga Pilipino. Ang paggalang ay isang natatanging asal na ipinakita ng Pangulo sa ating lahat, kung kaya’t galangin din sana natin ang opinyon at paniniwala ng ibang tao, kasama na ang ating mga kamag-anak. May respeto ako sa mga pananaw at opinyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ng aking mga kapatid. Ngunit, katulad ng posisyon ko sa maraming mga isyu, hindi kailangan na sumasang-ayon ako sa lahat ng mga ito. Pinalaki ako ng aking mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya. Para sa akin, laging nangunguna ang katapatan ko sa paglilingkod sa bayan. Uunahin ko ang edukasyon ng ating kabataan at kapayapaan ng bayan. Uunahin ko ang Pilipinas. Shukran.

Mark Lopez

33,207 просмотров • 2 лет назад