Video yรผkleniyor...

Video Yรผklenemedi

๐๐Ž๐–๐„๐‘ ๐’๐‡๐Ž๐”๐‹๐ƒ ๐๐Ž๐“ ๐๐„ ๐ˆ๐๐‡๐„๐‘๐ˆ๐“๐„๐ƒ Umakyat sa entablado si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa nagpapatuloy na Trillion Peso March 2.0 sa EDSA People Power Monument. Sabi ni Catriona, marami na raw Pilipino ang tila nakakalimot kung bakit tayo nagagalit. Dagdag niya, hindi daw pagiging kampante ang pananahimik...

37,610 gรถrรผntรผleme โ€ข 9 ay รถnce โ€ขvia X (Twitter)

0 Yorum

Yorum bulunmuyor

Orijinal gรถnderinin yorumlarฤฑ burada gรถrรผnecek

Benzer Videolar

'I DON'T HAVE A BESTFRIEND ANYMORE' ๐Ÿฅน๐Ÿถ Walang tigil sa pag-iyak at tila pagmamakaawa pa ng limang taong gulang na si Eroll John mula sa Manay, Davao Oriental nang masawi ang alagang aso na si Zuzi makaraang masagasaan ng motorsiklo. Ayon sa pinsan ni Eroll na si YouScooper Margarette Cochiengco, kakauwi lang ni Eroll noon mula sa paaralan nang sunduin nang ama matapos maramdaman ang magnitude 7.8 na lindol sa lugar noong June 8. Nakita pa raw mismo ni Eroll ang pangyayari habang pababa sa motorsiklo, ayon kay YouScooper Margarette, โ€œSpeechless pa sya nuโ€™n, nuโ€™ng kinarga โ€˜yung dog and nag-seizure, wala syang kamalay-malay [kung] anoโ€™ng nangyari. He thought okay lang, buhay pa, kasi โ€˜yung dad ko pinapalakas loob namin para hindi kami mag-panicโ€ฆ [tapos] nuโ€™ng nag-stop na siya mag-seizure, lumabas na dila niya and nilagay sa upuan, na-sense na niya na [wala] na kasi hindi na gumalaw.โ€ Malapit daw talaga kay Eroll ang alagang si Zuzi na siyang sumasalubong palagi sa bata tuwing umuuwi sa bahay mula sa paaralan. โ€œHe said na, โ€˜I donโ€™t have [a] bestfriend anymore, no one will chase me,โ€™ [tapos] grabe ang iyak niya talaga [hanggang noong sa paglilibing], [umupo na lang] sya [sa gilid] ng nilibingan ng [aso] at nag-iiyak siya [roon] tapos sinasabi nya, โ€˜Iโ€™m gonna miss you, Zuzi,โ€™ and he kept begging to God na ibalik po [ang aso niya,] dagdag pa ni YouScooper Margarette. Hindi na rin daw nila hinabol ang nakasagasa kay Zuzi dahil inasikaso muna nila ang kaligtasan ng pamilya matapos ang lindol at ang paglilibing sa alaga. #YouScoop Courtesy: YouScooper Margarette Cochiengco

GMA News

121,630 gรถrรผntรผleme โ€ข 2 ay รถnce

sabi nila, ang buhay ay parang gulongโ€” umiikot. minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. ngunit sa kasalukuyan, tila hindi na ito ganap na umiikot. para sa marami, ang mundong ginagalawan natin ay hindi na patas. ang dating simpleng metapora ng gulong ng buhay ay tila nawalan ng saysay, sapagkat ang pag-ikot nito ay tila nahintoโ€”pinabigat ng mga suliraning hindi na basta kayang lampasan, tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang pangunahing pangangailangan. sa ganitong kalagayan, napakahirap itanong kung paano pa tayo makakarating sa ating mga paroroonan. paano natin mararating ang ating mga pangarap kung ang bawat hakbang ay may kaakibat na hadlang? ang daan patungo sa kinabukasan ay tila mas lalong humihirap tahakin, lalo na kung ang mismong sistemang inaasahan nating susuporta ay nagiging balakid sa pag-usad. mahirap simulan ang gyera ng kinabukasan, mahirap patakbuhin ang buhay kung walang higit na kakayahan. tulad ng isang sasakyang tumirik sa gitna ng daan, mahirap itong itulak kung nag-iisa, kayaโ€™t sparckles maraming salamat dahil hindi niyo kami iniwan. matagal na rin naming plano ang proyektong ito, kahit napagod, kahit natigil, hindi ito naglaho. hindi man namin mabago ang sistemang matagal nang nakaukit, nagawa naman nating buhayin ang diwang hindi kailanman malulupitโ€”ang bayanihan: tahimik man, ngunit matibay na paninindigan. nawa ay maging isa ito sa pag-asa at magpaalala na sa gitna ng unos, may kamay na handang umalalay at sumuporta sa kapwaโ€™t bayan. #capkrys

CAPKRYS OFFICIAL

127,315 gรถrรผntรผleme โ€ข 3 ay รถnce

[ADMIN] Sa rally sa EDSA People Power Monument, sabay na umalingawngaw ang tinig nina Heidi Mendoza at Cielo Magno: Itigil na ang paulit-ulit na panlilinlang. Kung hindi kikilos ang nasa kapangyarihan, mismong taumbayan ang gagalaw. Ang panawagan: Peopleโ€™s Initiative. Nasa Konstitusyon mismo ang probisyong ito, isang kapangyarihan para sa mamamayan na maghain ng panukalang batas kapalit ng milyon-milyong pirma mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Hindi na ito dadaan sa Kongresong kontrolado ng dinastiya, kundi diretsong boses ng taumbayan. Kung kaya nating magkaisa sa kalsada, kaya rin nating magkaisa sa pagpirma para sa tunay na reporma. Tatlong larangan ang binigyang-diin sa EDSA: 1. Political at Electoral Reforms โ—ฆBatas laban sa Political Dynasties. Parang liga ng barangay na iisang pamilya lang ang laging nasa line-up. Kahit palpak, sila pa rin ang pinapasok. Paano makakalaro ang iba kung sila lang ang hawak ng bola? Hanggaโ€™t walang malinaw na batas laban sa dinastiya, paulit-ulit lang ang mga may sala na nauupo. โ—ฆDiskwalipikasyon ng mga Pulitikong May Hindi Na-liquidate na Pondo. Kapag may final at executory na Notice of Disallowance mula COA, ibig sabihin may perang ginastos na hindi maipaliwanag at dapat ibalik. Sa simpleng buhay, kung umutang ka sa sari-sari store at hindi nagbayad, hindi ka na uutangan ulit. Sa gobyerno, kahit may utang sa bayan, puwede pang tumakbo at manalo. Dapat tapusin ang ganitong kalakaran: hindi kayang ipaliwanag ang pera ng bayan, disqualified agad. 2. Peopleโ€™s Participation โ—ฆParticipatory Audit. Sama-samang pagbabantay ng mamamayan at eksperto para siguradong tama ang paggastos ng gobyerno. โ—ฆOpen Infra. Dapat nakapaskil ang lahat ng proyekto mula plano hanggang presyo. Para matapos na ang paulit-ulit na flood control at tulay na taon-taon nasa budget pero hanggang ngayon, baha pa rin ang tao. 3. Access to Information โ—ฆFreedom of Information. Para makita ng bawat mamamayan kung saan napupunta ang pinaghirapan nilang buwis. โ—ฆPublikong access sa SALN. Parang resibo ng yaman ng opisyal, kung biglang nagkaroon ng mansyon o luxury car habang nasa puwesto, dapat kita agad. Ngayon, tinatago para hindi makita ng tao. Kaya sabay-sabay ang sigaw sa rally: dapat lantad ang SALN. โ—ฆBeneficial Ownership. Para mabunyag kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga kontrata at hindi natatago sa mga dummy. โ—ฆProcurement Monitoring na may Standard Costing. Para hindi na overprice ang pako, yero, o semento na parang itlog na presyong ginto. Ang Peopleโ€™s Initiative ang tuwirang daan para maisabatas ang lahat ng ito. Kung aasa sa Kongresong hawak ng dinastiya, haharangin lang nila. Pero kung taumbayan ang kikilos, wala silang magagawa kundi pakinggan. Kung hindi tayo kikilos, mananatili tayong bihag ng dinastiya at kawalan ng pananagutan. Ilang ulit na tayong pinakain ng parehong panis na ulam, ilang ulit na nakuryente sa parehong sirang kawad. Kung hindi tayo gigising, wala talagang magbabago. Pero kung kikilos tayo, may pag-asa tayong baguhin ang sistema.

Heidi Mendoza

28,477 gรถrรผntรผleme โ€ข 11 ay รถnce