ๆญฃๅœจๅŠ ่ฝฝ่ง†้ข‘...

่ง†้ข‘ๅŠ ่ฝฝๅคฑ่ดฅ

๐’๐ˆ๐‚๐€๐: ๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ-๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐€ ๐Œ๐Ž๐๐“๐€๐‹๐๐€๐, ๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ Sa mga nagdaang linggo, sunod-sunod ang pag-ulan at mga bagyong tumama sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa, na nagdulot ng matinding pagbaha at paglikas ng maraming pamilya. ๐Š๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ฎ๐›๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐ง๐š๐š๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐ ๐ฌ๐š ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, kung saan maraming pamilya ang...

41,963 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 1 ๅคฉๅ‰ โ€ขvia X (Twitter)

0 ๆก่ฏ„่ฎบ

ๆš‚ๆ— ่ฏ„่ฎบ

ๅŽŸๅง‹ๅธ–ๅญ็š„่ฏ„่ฎบๅฐ†ๆ˜พ็คบๅœจ่ฟ™้‡Œ

็›ธๅ…ณ่ง†้ข‘

Malaki at malakas ang bagyong #UwanPH. Alam natin kung saan ito tatahak at maghahasik ng malakas na hangin at mag-papaulan ng malakas. Dahil malakas ang ulan ay maari itong mag-dulot ng baha at landslides. Ano ngayon ang mga kailangan na basic na gawin? Para sa lakas ng hangin 1. Bawasan ang mga sanga ng puno at baka ito mabuwal at bumagsak sa bahay ninyo. 2. Patibayin ang mga bubong. 3. Kung mahina ang yari ng bahay ay pumunta sa evacuation center. 4. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Para sa lakas ng ulan 1. Tignan ang mga hazard maps ng baha at landslide at alamin kung kayo ay nasa panganib. Puwedeng tignan ang para sa ganitong klase ng mapa. 2. Tignan ang impact-based forecasting system ng UP-NOAH na matatagpuan sa . Na-predict nito one day in advance ang mga babahain na lugar sa Cebu noong kasagsagan ng #TinoPH 3. Hanapin ang mga lugar na walang kulay sa hazard maps ng baha at landslide na matatagpuan sa website ng NOAH. Duon muna kayo sa mga ligtas na lugar pansamantala habang dumadaan ang bagyo. 4. Isama niyo na rin na tignan ang storm surge kung may babala ang PAGASA ng panganib ng storm surge. 5. Iwasan muna bumiyahe sa kasagsagan ng bagyo at baka kayo madaganan ng mga malalaking bato. 5. Iyong mga dams na uulanin ng malakas ay dapat nag-rerelease na ng tubig kahapon pa lamang. Matuto tayo sa mga nakaraang bagyo katulad ng #PepengPH noong 2009. 6. Sunduin ang abiso ng mga autoridad sa pamahalaang lokal. Subaybayan ng mabuti ang balita at mga updates ng NDRRMC, particular ang mga updates ng PAGASA.

Mahar Lagmay

30,004 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 10 ไธชๆœˆๅ‰

PAHAYAG ng ating Bise Presidente Inday Sara Duterte January 31, 2024 Mga kababayan, Assalamualaikum. Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang patuloy na tiwala at kompyansa sa akin bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Mahalaga ang kanyang pagkilala sa papel ng lahat ng bumubuo ng Department of Education sa pagsulong ng 8-point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration para sa isang Bagong Pilipinas. Nagpapasalamat din ako kay Apo BBM sa kanyang paggalang sa aking mga paninindigan. Katulad na lang ng aking pagtutol sa โ€œPera kapalit ang pirma sa Peopleโ€™s Initiativeโ€ dahil insulto ito sa kahirapan ng ating mga mamamayan at paglabag sa kanilang karapatang magpasya ng malaya. At sa halip na charter change, lutasin muna natin ang kahirapan, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho at hanap-buhay, seguridad at marami pang ibang isyu na pasan-pasan ng mga Pilipino. Ang paggalang ay isang natatanging asal na ipinakita ng Pangulo sa ating lahat, kung kayaโ€™t galangin din sana natin ang opinyon at paniniwala ng ibang tao, kasama na ang ating mga kamag-anak. May respeto ako sa mga pananaw at opinyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ng aking mga kapatid. Ngunit, katulad ng posisyon ko sa maraming mga isyu, hindi kailangan na sumasang-ayon ako sa lahat ng mga ito. Pinalaki ako ng aking mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya. Para sa akin, laging nangunguna ang katapatan ko sa paglilingkod sa bayan. Uunahin ko ang edukasyon ng ating kabataan at kapayapaan ng bayan. Uunahin ko ang Pilipinas. Shukran.

Mark Lopez

33,207 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 2 ๅนดๅ‰

Sa pagbisita natin sa Pag-asa Island, mas lalo nating nakita at narinig ang tunay na danas ng ating mga mangingisda at residente sa West Philippine Sea. Hindi biro ang araw-araw nilang kinakaharapโ€”pangamba sa paglaot, pangha-harass sa ating mga mangingisda, kakulangan sa kabuhayan, at ang patuloy na hamon ng pamumuhay sa gitna ng tensyon sa ating karagatan. Pero sa kabila nito, tuloy pa rin silang lumalaban. Tuloy pa rin silang nangingisda, nagtatrabaho, at bumubuhay sa kanilang pamilya. Kaya hindi dapat tumigil ang serbisyo. Sa ating pagpunta sa Pag-asa Island, nagdala tayo ng school supplies para sa mga bata, gatas mula sa National Dairy Authority, native chicken, vegetable seedlings, compost, at seednuts upang makatulong sa kabuhayan, nutrisyon, at lokal na produksyon ng pagkain sa komunidad. Nakita rin natin ang ongoing salt production facility na makakatulong sa kabuhayan ng mga residente at mangingisda sa Kalayaan. At habang nandoon, nakita rin natin mismo ang presensya ng Chinese maritime militia vessels sa loob ng ating exclusive economic zone. Klarong-klaro: atin ang West Philippine Sea. At may karapatan ang ating mga mangingisda at mamamayan na mamuhay, mangisda, at maghanapbuhay nang ligtas at may dignidad sa sarili nating karagatan. Kaya kailangan nating patuloy na palakasin ang suporta sa ating Coast Guard, Armed Forces, at mga komunidad sa mga frontline area tulad ng Pag-asa Island. Ayaw natin ng gulo. Ayaw natin ng tensyon. Pero hindi rin tayo dapat umurong sa pagprotekta sa ating soberanya at karapatan. At sa gitna ng lahat, balik tayo sa trabaho. Dahil ang tunay na serbisyo ay tuloy-tuloyโ€”lalo na para sa mga Pilipinong matagal nang nasa laylayan ngunit patuloy na nagbabantay at nagtatanggol sa ating bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kiko Pangilinan

12,146 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 3 ไธชๆœˆๅ‰