ๆญฃๅœจๅŠ ่ฝฝ่ง†้ข‘...

่ง†้ข‘ๅŠ ่ฝฝๅคฑ่ดฅ

๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—”๐—ก To reiterate my stand: I am against the House conducting the probe into the anomalous flood control projects, as there is a clear conflict of interest. Malinaw na may ibang pamamaraan para magkaroon ng patas at walang mapagtatakpan na imbestigasyon. An...

61,889 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 11 ไธชๆœˆๅ‰ โ€ขvia X (Twitter)

0 ๆก่ฏ„่ฎบ

ๆš‚ๆ— ่ฏ„่ฎบ

ๅŽŸๅง‹ๅธ–ๅญ็š„่ฏ„่ฎบๅฐ†ๆ˜พ็คบๅœจ่ฟ™้‡Œ

็›ธๅ…ณ่ง†้ข‘

[ADMIN] Sa rally sa EDSA People Power Monument, sabay na umalingawngaw ang tinig nina Heidi Mendoza at Cielo Magno: Itigil na ang paulit-ulit na panlilinlang. Kung hindi kikilos ang nasa kapangyarihan, mismong taumbayan ang gagalaw. Ang panawagan: Peopleโ€™s Initiative. Nasa Konstitusyon mismo ang probisyong ito, isang kapangyarihan para sa mamamayan na maghain ng panukalang batas kapalit ng milyon-milyong pirma mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Hindi na ito dadaan sa Kongresong kontrolado ng dinastiya, kundi diretsong boses ng taumbayan. Kung kaya nating magkaisa sa kalsada, kaya rin nating magkaisa sa pagpirma para sa tunay na reporma. Tatlong larangan ang binigyang-diin sa EDSA: 1. Political at Electoral Reforms โ—ฆBatas laban sa Political Dynasties. Parang liga ng barangay na iisang pamilya lang ang laging nasa line-up. Kahit palpak, sila pa rin ang pinapasok. Paano makakalaro ang iba kung sila lang ang hawak ng bola? Hanggaโ€™t walang malinaw na batas laban sa dinastiya, paulit-ulit lang ang mga may sala na nauupo. โ—ฆDiskwalipikasyon ng mga Pulitikong May Hindi Na-liquidate na Pondo. Kapag may final at executory na Notice of Disallowance mula COA, ibig sabihin may perang ginastos na hindi maipaliwanag at dapat ibalik. Sa simpleng buhay, kung umutang ka sa sari-sari store at hindi nagbayad, hindi ka na uutangan ulit. Sa gobyerno, kahit may utang sa bayan, puwede pang tumakbo at manalo. Dapat tapusin ang ganitong kalakaran: hindi kayang ipaliwanag ang pera ng bayan, disqualified agad. 2. Peopleโ€™s Participation โ—ฆParticipatory Audit. Sama-samang pagbabantay ng mamamayan at eksperto para siguradong tama ang paggastos ng gobyerno. โ—ฆOpen Infra. Dapat nakapaskil ang lahat ng proyekto mula plano hanggang presyo. Para matapos na ang paulit-ulit na flood control at tulay na taon-taon nasa budget pero hanggang ngayon, baha pa rin ang tao. 3. Access to Information โ—ฆFreedom of Information. Para makita ng bawat mamamayan kung saan napupunta ang pinaghirapan nilang buwis. โ—ฆPublikong access sa SALN. Parang resibo ng yaman ng opisyal, kung biglang nagkaroon ng mansyon o luxury car habang nasa puwesto, dapat kita agad. Ngayon, tinatago para hindi makita ng tao. Kaya sabay-sabay ang sigaw sa rally: dapat lantad ang SALN. โ—ฆBeneficial Ownership. Para mabunyag kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga kontrata at hindi natatago sa mga dummy. โ—ฆProcurement Monitoring na may Standard Costing. Para hindi na overprice ang pako, yero, o semento na parang itlog na presyong ginto. Ang Peopleโ€™s Initiative ang tuwirang daan para maisabatas ang lahat ng ito. Kung aasa sa Kongresong hawak ng dinastiya, haharangin lang nila. Pero kung taumbayan ang kikilos, wala silang magagawa kundi pakinggan. Kung hindi tayo kikilos, mananatili tayong bihag ng dinastiya at kawalan ng pananagutan. Ilang ulit na tayong pinakain ng parehong panis na ulam, ilang ulit na nakuryente sa parehong sirang kawad. Kung hindi tayo gigising, wala talagang magbabago. Pero kung kikilos tayo, may pag-asa tayong baguhin ang sistema.

Heidi Mendoza

28,477 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 10 ไธชๆœˆๅ‰

TAGALOG TRANSLATION: โ€œ"Bakit? Nawala ba ang aking respeto kay Presidente Duterte? Hindi. Narinig ba ninyo kahit [sa] isang pagkakataon, sa isang pagkakataon na nanira [ako] sa kanya? Wala. Dahil marunong akong tumanaw ng utang na loob. Noong 2019, nuong tumatakbo ako {na inyong kapatid} [para] bumalik pagka-Gobernador [ng Cebu Prov], sino ang kanyang inendorso? Walang iba kundi [ako] si Gwen Garcia. At ang ating Bise-Presidente ngayon, Si Inday Sara, meron ba akong sinabi na masama tungkol sa kanya? Wala. At hindi ko din kayang [manira sa kanya]. Dahil nuon ding 2019, inendorso din nya ako. Hindi ito tungkol sa kung sino ang tapat kay President Duterte at sinong tapat kay President Marcosโ€ฆdahil hindi naman silang dalawa tumatakbo. Sila pala [ang tumatakbo sa position]? Hindi. Tayo ang tumatakbo sa Local Midterm Election[s]. Kung tayo ay sumusuporta sa ngayong kasalukuyang administrayon, inaaway [na] tayong lahat. Nanumpa [swore an oath] tayoโ€ฆthat I will obey all laws, legal orders and decrees promulgated by the duly constituted authorities of the Republic of the Philippines. At kasama na dyan ang pag bigay ng Respeto kung sino ngayon ang Presidente sa Republika ng Pilipinas. Kung ayaw ninyo respetohin [o magbigay ng respeto] sa tao [kay PBBM], respetohin ninyo [o bigyan ninyo ng respeto] ang [kanyang] posisyon. Kung tatanggapin natin na tayo ay mga Filipino at nakasalalay sa atin ang ating kinabukasan, uunlad ang ating bansa.โ€"

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Laitera๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

135,197 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 1 ๅนดๅ‰

JAY RUIZ, UMIIWAS SA TANONG KUNG SINO ANG MAY-ARI NG DIGITAL 8! Sa kabila ng mahabang paliwanag ni Acting Communications Secretary Jay Ruiz tungkol sa pagtanggi niyang isa siya sa mga may-ari ng Digital 8โ€”ang kumpanyang nakasungkit ng mahigit dalawang daang milyong pisong kontrata mula sa PCSO at Intercontinental Broadcasting Corporation or IBC noong Oktubre noong nakaraang taon, hindi niya direktang sinagot kung sino ang tunay na may-ari nito. Sa isang Palace press briefing, diretsahang tinanong si Ruiz: โ€œYou vehemently deny that you are the owner of Digital 8, so who owns Digital 8?โ€ Ngunit sa halip na magbigay ng malinaw na sagot, ito lamang ang kanyang tugon: โ€œI donโ€™t know if he wants to be dragged in this issue, but you can check naman kung sino sa SEC kung sino ang may-ari ng Digital 8.โ€ Lalo pang umigting ang pagdududa nang sundan ito ng isa pang matapang na tanong: โ€œIs it someone, a former police officer na na-involve sa isang serious crime?โ€ Pero muli, tumanggi si Ruiz na pangalanan ang tunay na may-ari ng kumpanya: โ€œAhhhmmm, again, check na lang po kung sino po ang may-ari.โ€ EX-PULIS NA SANGKOT SA KRIMEN, PRESIDENTE NG DIGITAL 8? Batay sa Notice of Award ng PCSO sa Digital eight, lumalabas na ang presidente ng kumpanya ay si former police colonel Rommel Miranda, isang opisyal na nasangkot, sa pagdukot at pagpat*y sa isang Chinese businesswoman, na kalaunaโ€™y natagpuan ang b*ngkay sa loob ng isang septic tank. Sa sa isang press conference sa Manila Polo Club noong Disyembre 2024, kung saan tinalakay ang panibagong kontrata ng Digital 8 para mai-ere sa IBC ang lotto draw, nakasaad sa event program na si Ruiz mismo ang โ€œDigital 8 President.โ€ Sa harap ng mga ebidensyang ito, lumalakas ang hinala kung sino nga ba talaga ang may-ari ng Digital 8โ€”at bakit tila pilit itong inililihim. _AMPilipino/AngBalitaNgayon #bbm #marcos #jayruiz #duterte #ampilipino

p๐Ÿ•’d๐Ÿ’ฟk

18,266 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 1 ๅนดๅ‰

TAY-GA HUGAS? ๐Ÿงฝ๐Ÿ’ช๐Ÿป Nahihirapan ka ba sa paghuhugas ng masebong plastic containers? Well, โ€œeasyโ€ lang daw โ€˜yan para sa โ€œTay-ga hugasโ€ na si YouScooper Matt Alamar mula sa Taguig. Biro pa niya sa kaniyang post, โ€œMatatalo mo ako sa ibang bagay, pero sa paghuhugas ng โ€œplastic container,โ€ baka i-seminar pa kita! ๐Ÿ’ช๐Ÿปโ€ Sa video kasi ng haligi ng tahanang si YouScooper Matt Alamar, makikitang walang kasebo-sebo ang hinugasang plastic container at maririnig ang pagtunog nang walang dulas. Isa raw kasi ito sa tungkulin niya bilang ama ng tahanan. โ€œ[Habang] marami ang nahihirapan or [nafo-frustrate] sa paghuhugas, ako naman nagiging personal challenge and goal ko na dapat malinis lahat ng hinuhugasan ko to the point na nags-squeak like sa video, then hinaluan ko na lang ng Pinoy humorโ€ฆ at [kaunting] yabang na โ€˜sige ise-seminar ko kayo,โ€™โ€ saad ni YouScooper Matt. Sa ikalawang posted video ni YouScooper Matt, ipinakita niya ang โ€œmini tutorialโ€ ng kaniyang paghuhugas ng plastic containers na hindi niya inakalang papatok. โ€œNagulat na lang ako na una, marami pala na ganoon din ang gusto mangyari sa mga hinuhugasan nila, dahil umabot sa point na nagme-message ang mga tao sakin kung paano โ€˜yun gawin, kaya napagawa ako ng follow-up na videoโ€ฆ. ayos din dahil may ibang nagshe-share ng sarili nilang technique sa comments,โ€ dagdag pa ni YouScooper Matt. Ikaw ba, Kapuso? Gusto mo na rin ba magpa-seminar sa paghuhugas ng plastic containers kay โ€œTAY-GA HUGASโ€? #YouScoop Courtesy: YouScooper Matt Alamar

GMA News

87,720 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 1 ไธชๆœˆๅ‰

We have received alarming reports of deployment of heavily armed men and restriction of community access in SLS, Kaputian, Island Garden City of Samal (IGACOS), Davao del Norte. In a video posted by Liwayway Magaway on Facebook, armed men are reportedly intimidating Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) to dismantle their homes and vacate lands legally awarded to them under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). According to reports, residents attempting to enter or leave the area are allegedly being blocked by these armed personnel, causing fear and intimidation in the community. Ang mas nakababahala pa, pati umano access sa inuming tubig, pagkukunan ng pagkain, at kabuhayan ng mga residente ay hinaharang din. Based on our information, these armed men claim that they are acting under a legal order. Pero wala naman daw maipakita na court order. Sino ang nag-utos sa kanila para palibutan ang komunidad? Bakit sila armado? Dapat agarang matingnan at aksyunan ito ng mga kinauukulan, partikular na ng lokal na gobyerno, ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Human Rights (CHR), at siguruhin ang kaligtasan ng mga residente. In light of this, I co-authored House Resolution No. 502 filed by Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah San Fernando, seeking to conduct an investigation into this land issue and human rights concern in IGACOS, Davao del Norte. Sa usaping ito, hindi dapat bigyang puwang ang panggigipit at karahasan โ€” tungkulin ng gobyerno na tiyaking hindi nilalapastangan ang karapatan at dignidad ng mga benepisyaryo ng lupang agraryo. ๐Ÿ“ธ

Leila de Lima

48,573 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 4 ไธชๆœˆๅ‰

Diversionary tactic of Vice President Sara Duterte EXPOSED! The Chairman of the House Committee on Appropriations responded to the video message of the Vice President Sara Duterte last night and I agree that this is nothing but a diversionary tactic. In his speech as attached below, Chairman Zaldy Co pointed out very good points and I highly recommend you watch its entirety. The video message last night was a diversionary tactic to the real issues 1.) the 125 million confidential funds spent in 11 days 2.) Low PISA score 3.) Issues and questions about the DepEd expenditures and a lot more. If there is one thing I want to highlight here, it is probably the part when Chairman Zaldy Co said that Vice President Sara Duterte assured them she can defend/justify the requested confidential funds. And so, let me thank the 19th Congress for disapproving the confidential funds requested by the OVP in 2024. โ€œPang-apat, paulit-ulit niyang sinasabi, "I will defer to the wisdom of Congress," pero hindi ito totoo. Kung talagang iginagalang niya ang Kongreso, sasagutin niya ang mga tanong, lalo na sa isyu ng confidential funds. Last year, kinausap namin si VP Sara tungkol sa 2024 budget, at sinabi niya na โ€œituloy nโ€™yo yanโ€ โ€“ meaning ang confidential funds โ€“ dahil kaya daw niya itong i-justify. Buti na lang at hindi namin itinuloy. Tama ang ginawa namin, at saludo ako sa aking mga kasama sa Kongreso. Ang kapangyarihan ng budget ay nasa Kongreso, at ipinagmamalaki ko na hindi namin isinuko ang kapangyarihang ito sa Office of the Vice President. Ang pinag-uusapan dito ay pondo ng taumbayan. Tandaan, ang COA, hindi Kongreso, ang nagsabing mali ang paggamit ng P73-million confidential funds sa loob lamang ng 11 araw โ€œ

Just

271,581 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 1 ๅนดๅ‰