
Chel Diokno
@ChelDiokno • 775,144 subscribers
Akbayan Partylist Representative
Shorts
Videos

Pasensya na’t medyo mahaba ang video, pero importante ito. Bakit nga ba PEKE ang “Anti-Political Dynasty” Bill na pinasa ng Kogreso nitong linggo? At higit sa lahat, ano ang pwede pa nating gawin para magkaroon ng batas na tunay na magwawakas sa mga dinastiya? Panoorin ito at mag-comment kung ano ang tingin niyo dito!
Chel Diokno108,788 views • 6 days ago

VP SARA, SEE YOU IN THE IMPEACHMENT COURT. Ngayong araw, nagdesisyon ang Kongreso: 257 mambabatas ang bumoto para i-impeach si Vice President Sara Duterte. Ngayon, tungkulin ng Senado na tuparin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon: to convene forthwith as an impeachment court once the Articles of Impeachment are transmitted. Share this video kung naniniwala kang walang dapat lusutan pagdating sa pananagutan!
Chel Diokno178,243 views • 1 month ago

Pumasa sa Kamara ang Pro-Dynasty Bill ‼️ Ngayong araw, bumoto tayo ng NO sa third and final reading ng House Bill No. 8389. Sa ilalim ng panukala, pwede pa ring mamuno ang isang pamilya sa iba’t ibang antas ng gobyerno. Hindi nito winawakasan ang political dynasties. Ginagawa lang nitong legal ang dati nang mali. Panoorin ito para sa buong detalye. Comment below kung naniniwala kang hindi dapat minamana ang kapangyarihan!
Chel Diokno36,590 views • 7 days ago

INTERNS ARE NOT FREE LABOR! Like and share to support our Interns’ Rights and Welfare Bill (HB 5081)! Sa panukalang ito, ang mga university at college students na required mag-internship ay may karapatan sa just compensation, tamang working hours, leaves, proteksyon vs diskriminasyon, sexual harassment, abuse, at exploitation, atbp. Salamat Russco Jarviña sa pag-collab sa reel na ito. Follow for more updates mula sa Kongreso!
Chel Diokno625,548 views • 8 months ago

Sa kabila ng ingay sa Senado at sa hiling ni VP Sara na ibasura agad ang reklamo, malinaw ang Saligang Batas natin: kailangang magpatuloy ang impeachment trial. Karapatan ng bawat Pilipino na malaman ang buong katotohanan. Bilang bahagi ng prosecution team, handa tayong ilatag ang lahat ng ebidensya—diretso sa punto at walang drama. Panoorin ang naging panayam natin sa One News kasama si Ces Drilon.
Chel Diokno21,002 views • 8 days ago

GOOD NEWS! Maaari nang kumuha ng digital version ng PSA documents tulad ng birth certificate, atbp! Paano? Watch this #LegalLifehack at i-share para malaman ng iba ang mas madaling prosesong ito. Birth Certificate Marriage Certificate CENOMAR Death Certificate PSA Documents PSA Helpline PSA
Chel Diokno176,209 views • 3 months ago

Kuryenteng hindi mo ginamit, ikaw ang nagbabayad. Tapos may tax pa?! 🤯 Hindi 'yan makatarungan! Kaya naghain ang Akbayan Reform Bloc ng VAT Exemption sa System Loss Act (HB 9134) para hindi na dagdagan ng 12% buwis ang pasaning ipinapasa sa consumers. At hindi lang ito. Pinaiimbestigahan din natin ang mataas na singil sa kuryente, kasama ang system loss charge, lifeline subsidy charge, at iba pa. Like, share, and comment para ipakita ang inyong suporta!
Chel Diokno46,125 views • 28 days ago

Hindi natin tatakbuhan ang hustisya. Noong Biyernes, humarap tayo sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong isinampa ni Atty. Mans Carpio tungkol sa paglabas ng AMLC records sa House Committee on Justice. Bilang public servants, tungkulin nating igalang ang proseso. Kumpiyansa kami na wala kaming nilabag na batas, at ginawa lang namin ang aming tungkulin ayon sa Konstitusyon.
Chel Diokno38,512 views • 24 days ago

Ngayong araw, inihalal tayo ng House bilang prosecutor sa impeachment trial. Matutuloy ba ang paglilitis kay VP Sara kahit nag-rigodon ang Senado? At ano ang dapat abangan? Panoorin ito. Kayo, sa tingin ninyo: magiging patas ba ang mga Senador sa prosesong ito? Comment below.
Chel Diokno39,477 views • 29 days ago

Klaro sa batas: ang Impeachment ay exception sa Bank Secrecy Law. Hindi puwedeng gawing taguan ito kung pananagutan sa bayan ang usapan. Yan ang dahilan kung bakit nailabas ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang reports ng bilyong-bilyong covered and suspicious transactions sa accounts ni VP Sara Duterte. Balikan ang naging usapan sa hearing ng House Commitee on Justice noong Miyerkules—at mag-comment kung sa palagay mong may "probable cause" o sapat na batayan para umusad ang kaso.
Chel Diokno58,819 views • 1 month ago

Bawal maputulan ng kuryente mula ngayon hanggang Hulyo 2026! 🙅♂️ Utos ito Energy Regulatory Commission (ERC) sa lahat ng distribution utilities—kabilang ang Meralco. Higit pa rito, may installment option na din para sa qualified consumers. Panoorin ang video para sa buong detalye at ishare ito para mas marami ang makaalam!
Chel Diokno32,667 views • 25 days ago

Magsasara na nga, pahihirapan pa? Good news sa maliliit na negosyo: wala nang mandatory tax audit para sa micro taxpayers na magpapa-close ng business at magpapa-cancel ng tax registration sa BIR. Pero may catch. Panoorin ito! May problema ba kayo sa BIR registration, closure, o tax compliance? I-comment ninyo dito para mapag-usapan natin.
Chel Diokno16,913 views • 12 days ago

BAKIT ITINAGO ANG PANGALAN NG AZURE SHOOTER? Sa ating privilege speech ngayong araw, ninilaw natin na hindi dapat ginagamit ang Data Privacy Act bilang dahilan para itago ang impormasyon tungkol sa mga suspek—lalo na kung makakatulong ito sa pagpapatupad ng batas. I-like at i-share ang video na ito para suportahan ating imbestigasyon sa mga nangyaring insidente.
Chel Diokno84,266 views • 3 months ago

PALUSOT 101: Mag-name reveal pa sana si Discaya, dahil “ilan sa kanila” pa lamang ang nabanggit sa kanilang sinumpaang salaysay. Pero biglang kumambyo: wala na raw idadagdag. Palusot niya: mali lang daw ang intindi sa salitang “ilan.” Talaga lang ba? O may pinoprotektahan? Ano sa tingin niyo? 🤔
Chel Diokno206,423 views • 9 months ago

Ang sigaw ng bayan: PANANAGUTAN! Kitakits dito sa EDSA PEOPLE POWER MONUMENT ngayong araw.
Chel Diokno187,756 views • 8 months ago