
Chel Diokno
@ChelDiokno • 786,668 subscribers
Akbayan Partylist Representative
Shorts
Videos

Never in my wildest dreams! 🤩 Maraming salamat sa Thomasian community para sa USTV+ Media Influencer Award in Legal Advocacy. Salamat din sa inyong lahat na patuloy na nanonood at naka-subscribe. Lalo pa nating sisikapin na gumawa ng mga video na makakatulong sa ating mga kababayan. 💖💚💜
Chel Diokno27,565 просмотров • 4 дней назад

Stonehill vs. Diokno, ano yun? Sa impeachment trial kahapon, nabanggit ang isang landmark case na may kinalaman sa aking ama, si Sen. Jose W. Diokno. Panoorin ito para sa buong kwento. Ipapaliwanag rin natin kung may kaugnayan ito sa subpoena para sa mga dokumento ni VP Sara. Anong say ninyo rito? Mag-comment lang kayo at mag-follow for more updates sa impeachment.
Chel Diokno300,785 просмотров • 2 месяцев назад

Tatlong school shooting na ang nangyari ngayong taon, at sa lahat ng ito, baril ng empleyado ng gobyerno ang ginamit. Paano ito napunta sa kamay ng mga bata? Kaya natin inihain ang House Resolution No. 1468: upang alamin kung sino ang dapat managot, saan nagkulang, at ano ang dapat baguhin sa mga patakaran ng pamahalaan. Panoorin at i-share ang video na ito para suportahan ang ating panawagan para sa isang malawakan at patas na imbestigasyon.
Chel Diokno22,710 просмотров • 8 дней назад

Naku, Sharmaine! Hindi pwedeng notaryo lang para magpalit ng pangalan. Kailangan mo pang idaan sa korte ito. 😂
Chel Diokno287,734 просмотров • 3 месяцев назад

INTERNS ARE NOT FREE LABOR! Like and share to support our Interns’ Rights and Welfare Bill (HB 5081)! Sa panukalang ito, ang mga university at college students na required mag-internship ay may karapatan sa just compensation, tamang working hours, leaves, proteksyon vs diskriminasyon, sexual harassment, abuse, at exploitation, atbp. Salamat Russco Jarviña sa pag-collab sa reel na ito. Follow for more updates mula sa Kongreso!
Chel Diokno631,338 просмотров • 1 год назад

Ano nga ba ang unexplained wealth, at paano ito napapatunayan? Kailangang ikumpara ang lehitimong kita ng isang opisyal sa aktwal na paggalaw ng kanyang pera at mga ari-arian. Kaya mahalaga ang bank records, tax records, Anti-Money Laundering Council reports, at Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Ipinaliwanag natin ito sa ANC Headstart ngayong umaga. Panoorin ang video. Kayo, naniniwala din ba kayo na dapat mailabas ang buong katotohanan patungkol sa kayamanan ni VP Sara? I-comment ang inyong opinyon at i-share ang video.
Chel Diokno126,168 просмотров • 2 месяцев назад

Bakit ayaw nila siyang marinig? 🤔 Sa impeachment trial ngayong araw, tinawag nating testigo si Justice Amparo Cabotaje-Tang, dating Presiding Justice ng Sandiganbayan na may mahigit 40 taong karanasan sa batas. Siya ang magbibigay-linaw sa mga komplikadong batas tungkol sa unexplained, illegal, at hidden wealth. Kayo ang humusga. Panoorin ang video and follow for Part 2.
Chel Diokno30,343 просмотров • 16 дней назад

Sa tingin niyo: Kung hindi tugma ang yaman sa lehitimong kita, sino ang dapat magpaliwanag? Malinaw ang sabi ni Justice Amparo Cabotaje-Tang (Ret.) sa impeachment trial kahapon: Ang opisyal na may unexplained wealth ang may "burden of proof". Siya ang dapat magpatunay na sa legal na paraan nanggaling ang kanyang yaman. At kung hindi sapat ang paliwanag? Maaari itong maging dahilan para matanggal sa puwesto. Panoorin ang buong video at i-share para mas marami ang makaintindi.
Chel Diokno27,214 просмотров • 15 дней назад

18–30 ka ba? May business idea ka pero puhunan ang problema? May programa ang gobyerno na puwedeng makatulong para masimulan ang negosyo mo! Panoorin ang ating #LegalLifehack para malaman ang detalye. I-share ito sa mga kabataang may pangarap magnegosyo. Baka ito na ang kailangan nila!
Chel Diokno87,246 просмотров • 1 месяц назад

Paano kung hindi tugma ang yaman sa lehitimong kinikita ng isang opisyal? Diyan pumapasok ang usapin ng unexplained, hidden, at ill-gotten wealth. Panoorin ang paliwanag ni Justice Amparo Cabotaje-Tang. Mahalaga ito sa mga susunod na pagtalakay sa impeachment trial ni VP Sara Duterte. Share this video para mas maraming makaintindi.
Chel Diokno28,484 просмотров • 16 дней назад

Nakilahok ba sa negosyo si VP Sara? Alamin ang lumabas sa impeachment trial ngayong araw, ayon sa records ng Security and Exchange Commission (SEC). Balikan din ang ating panayam kay Ret. Justice Amparo Cabotaje-Tang tungkol sa sinasabi ng Konstitusyon. I-share para sa kaalaman ng lahat at mag comment kung ano ang tingin ninyo dito.
Chel Diokno16,096 просмотров • 9 дней назад

Kapag nagpalabas ng subpoena ang impeachment court, kailangan mong humarap sa korte. Sa panayam ko sa ANC kahapon, napag-usapan namin ang pagpapatawag kay Davao City Mayor Baste Duterte, pati na rin ang usapin kung pwedeng ipatawag si VP Sara Duterte sa kanyang impeachment trial. Panoorin at i-share ang video.
Chel Diokno14,853 просмотров • 8 дней назад

VP SARA, SEE YOU IN THE IMPEACHMENT COURT. Ngayong araw, nagdesisyon ang Kongreso: 257 mambabatas ang bumoto para i-impeach si Vice President Sara Duterte. Ngayon, tungkulin ng Senado na tuparin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon: to convene forthwith as an impeachment court once the Articles of Impeachment are transmitted. Share this video kung naniniwala kang walang dapat lusutan pagdating sa pananagutan!
Chel Diokno181,589 просмотров • 4 месяцев назад

Nagsimula lang sa isang post, ngayon suot ko na! Maraming salamat kay Magge Dela Cruz at sa Modern Ilongga para sa bago kong barong. Ang ganda ng gawa ng ating mga manghahabi mula sa Iloilo at sa aking bayan sa Batangas! Saludo ako sa inyo! Nung mag-post si Magge, nag-video call agad kami. Panoorin niyo ang kwentuhan namin! Suportahan at ipagmalaki natin ang gawang Pinoy, hindi lang ngayong Buwan ng Wika, kundi buong taon! 🇵🇭
Chel Diokno40,991 просмотров • 1 месяц назад

KAKASUHAN KO BA? Ito ang itinanong ng media sa akin sa forum ng Rotary Club of Manila noong Huwebes. Ipinaliwanag ko ang mga legal na pananagutan kaugnay ng pagpapakalat ng mga spliced at mapanlinlang na video. Panoorin at i-share para mas marami ang makaalam ng kanilang mga legal na karapatan.
Chel Diokno65,629 просмотров • 2 месяцев назад

Pasensya na’t medyo mahaba ang video, pero importante ito. Bakit nga ba PEKE ang “Anti-Political Dynasty” Bill na pinasa ng Kogreso nitong linggo? At higit sa lahat, ano ang pwede pa nating gawin para magkaroon ng batas na tunay na magwawakas sa mga dinastiya? Panoorin ito at mag-comment kung ano ang tingin niyo dito!
Chel Diokno117,195 просмотров • 3 месяцев назад