
Chel Diokno
@ChelDiokno • 783,319 subscribers
Akbayan Partylist Representative
Shorts
Videos

Stonehill vs. Diokno, ano yun? Sa impeachment trial kahapon, nabanggit ang isang landmark case na may kinalaman sa aking ama, si Sen. Jose W. Diokno. Panoorin ito para sa buong kwento. Ipapaliwanag rin natin kung may kaugnayan ito sa subpoena para sa mga dokumento ni VP Sara. Anong say ninyo rito? Mag-comment lang kayo at mag-follow for more updates sa impeachment.
Chel Diokno297,203 görüntüleme • 14 gün önce

KAKASUHAN KO BA? Ito ang itinanong ng media sa akin sa forum ng Rotary Club of Manila noong Huwebes. Ipinaliwanag ko ang mga legal na pananagutan kaugnay ng pagpapakalat ng mga spliced at mapanlinlang na video. Panoorin at i-share para mas marami ang makaalam ng kanilang mga legal na karapatan.
Chel Diokno62,393 görüntüleme • 3 gün önce

Ano nga ba ang unexplained wealth, at paano ito napapatunayan? Kailangang ikumpara ang lehitimong kita ng isang opisyal sa aktwal na paggalaw ng kanyang pera at mga ari-arian. Kaya mahalaga ang bank records, tax records, Anti-Money Laundering Council reports, at Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Ipinaliwanag natin ito sa ANC Headstart ngayong umaga. Panoorin ang video. Kayo, naniniwala din ba kayo na dapat mailabas ang buong katotohanan patungkol sa kayamanan ni VP Sara? I-comment ang inyong opinyon at i-share ang video.
Chel Diokno125,387 görüntüleme • 16 gün önce

Naku, Sharmaine! Hindi pwedeng notaryo lang para magpalit ng pangalan. Kailangan mo pang idaan sa korte ito. 😂
Chel Diokno286,647 görüntüleme • 2 ay önce

Bakit ayaw ilabas ang mga bank records, tax records, at Anti-Money Laundering Council reports ni VP Sara? Hindi pwedeng idahilan ang confidentiality, lalo na kapag impeachment ang pinag-uusapan. May karapatan ang mga Senator-Judge na malaman ang buong katotohanan para makapagdesisyon nang tama. Panoorin ang video para sa buong detalye. Kayo, ano sa tingin niyo? I-comment ang inyong opinyon at i-share ang video na ito para mas marami ang makasali sa usapan!
Chel Diokno68,025 görüntüleme • 20 gün önce

ISANG TAONG PAG-AAKBAYAN SA KONGRESO 💖💚💜 Malayo na ang narating, at marami pa tayong dapat ipaglaban. Panoorin ang aking ulat tungkol sa ating unang taon natin sa Kongreso. Sa pagbubukas ng panglawang taon ng 20th Congress, ano ang pinakamahalagang isyu na gusto ninyong unahin natin? Comment your answers and share this video.
Chel Diokno30,230 görüntüleme • 9 gün önce

MALI ANG BILL PERO PINAPABAYAD KA AGAD? May karapatan kang kuwestiyunin ang maling singil at humingi ng imbestigasyon. Hindi rin dapat basta putulin ang kuryente habang may maayos na dispute. Panoorin ang ating #LegalLifehack para malaman ang tamang proseso. Naranasan mo na ba ito? I-comment at i-share ang ating video.
Chel Diokno30,300 görüntüleme • 11 gün önce

INTERNS ARE NOT FREE LABOR! Like and share to support our Interns’ Rights and Welfare Bill (HB 5081)! Sa panukalang ito, ang mga university at college students na required mag-internship ay may karapatan sa just compensation, tamang working hours, leaves, proteksyon vs diskriminasyon, sexual harassment, abuse, at exploitation, atbp. Salamat Russco Jarviña sa pag-collab sa reel na ito. Follow for more updates mula sa Kongreso!
Chel Diokno630,450 görüntüleme • 10 ay önce

Sapat na ba ang pangako? Dapat patunayan ni PBBM ang sinabi niya sa SONA: “Hindi ako Pangulo ng aking pamilya. Ako ay Pangulo ng Pilipinas.” Kasabay nito, kailangan ng malakas na kaso laban sa mga korap, at malinaw na reporma sa sistema para hindi maulit muli ang nangyari sa flood control. I-share ang video at manawagan: walang kamag-anak, kaalyado, o makapangyarihan ang dapat makaligtas sa pananagutan!
Chel Diokno19,800 görüntüleme • 7 gün önce

VP SARA, SEE YOU IN THE IMPEACHMENT COURT. Ngayong araw, nagdesisyon ang Kongreso: 257 mambabatas ang bumoto para i-impeach si Vice President Sara Duterte. Ngayon, tungkulin ng Senado na tuparin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon: to convene forthwith as an impeachment court once the Articles of Impeachment are transmitted. Share this video kung naniniwala kang walang dapat lusutan pagdating sa pananagutan!
Chel Diokno181,238 görüntüleme • 2 ay önce

Natatakot maputulan ng kuryente? Worry no more! Pinalawig ng ERC ang no-disconnection policy mula Agosto hanggang Oktubre 2026, kasama ang installment option para sa mga kwalipikadong consumer. Panoorin ang ating #LegalLifehack para malaman kung sakop ka at paano ito maa-avail. I-share ito para mas maraming pamilya ang makaalam.
Chel Diokno26,044 görüntüleme • 10 gün önce

Tama bang singilin sa taumbayan ang kuryenteng nawala o nanakaw? Hindi dapat ipinapasa sa mga konsyumer ang system loss charge. Panahon na para pag-aralan ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang itigil ito. Pero huwag na sana maghintay ang power companies. Panoorin ito para marinig ang ating panawagan. I-share ang video kung naniniwala kang dapat bigyan ng agarang ginhawa ang mga Pilipino sa kanilang electric bill!
Chel Diokno19,546 görüntüleme • 7 gün önce

Pasensya na’t medyo mahaba ang video, pero importante ito. Bakit nga ba PEKE ang “Anti-Political Dynasty” Bill na pinasa ng Kogreso nitong linggo? At higit sa lahat, ano ang pwede pa nating gawin para magkaroon ng batas na tunay na magwawakas sa mga dinastiya? Panoorin ito at mag-comment kung ano ang tingin niyo dito!
Chel Diokno116,500 görüntüleme • 2 ay önce