
Brigada NewsFM Manila
@brigadaph • 1,674 subscribers
Official Twitter of Brigada Philippines FB: https://t.co/3owLkTRJIW
Shorts
Videos

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀𝐓 Naglabas ng video presentation si Senator Imee Marcos tungkol sa umano'y isinasagawang mga hakbang para magkaroon ng charter change upang isulong ang term extension at hindi matuloy ang 2028 elections. Agad itong pinuna ng ilang senador at hiniling na tuluyang alisin ang naturang video sa opisyal na record ng Senado. 📽️ Senate PH
Brigada NewsFM Manila14,459 Aufrufe • vor 14 Tagen

PANOORIN: Nagka-tensyon sa budget briefing ng Office of the Vice President sa Kamara ngayong araw. Kinuwestyon kasi ni Vice President Sara Duterte ang rules ng pagdinig pati na ang mga tanong ni House Deputy Minority Leader France Castro ukol sa confidential funds ng OVP sa taong 2022 at 2023. Tumaas din ang boses ni Duterte at iginiit na wala na siyang sasaguting anumang tanong mula sa pagdinig. Pinuna naman ng pangalawang pangulo kung bakit nasa Kamara ang umano'y convicted na personalidad na tumutukoy kay Congresswoman Castro. | via HAJJI KAAMIÑO (Hajji Kaamiño) #BrigadaNews
Brigada NewsFM Manila321,215 Aufrufe • vor 1 Jahr

BREAKING NEWS: Sumiklab ang sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Research and Standards (BRS) sa NIA South Road, EDSA, Barangay Pinyahan, Quezon City, ngayong Miyerkules, Oktubre 22. Agad namang rumesponde ang mga bumbero sa lugar upang apulahin ang apoy. Pasado ng hapon, itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog. 📽️ Paul Buendia
Brigada NewsFM Manila115,599 Aufrufe • vor 7 Monaten

𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐒𝐇𝐎𝐔𝐋𝐃 𝐍𝐎𝐓 𝐁𝐄 𝐈𝐍𝐇𝐄𝐑𝐈𝐓𝐄𝐃 Umakyat sa entablado si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa nagpapatuloy na Trillion Peso March 2.0 sa EDSA People Power Monument. Sabi ni Catriona, marami na raw Pilipino ang tila nakakalimot kung bakit tayo nagagalit. Dagdag niya, hindi daw pagiging kampante ang pananahimik ng ilan—kundi pagod at panghihina ng loob dahil pakiramdam nila, wala nang mangyayaring pagbabago. | via Jigo Custodio
Brigada NewsFM Manila37,564 Aufrufe • vor 6 Monaten

'𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆-𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎 [𝐈𝐌𝐄𝐄] 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐓 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍! - 𝐆𝐀𝐃𝐎𝐍' PANOORIN: Dismayado raw si Sec. Larry Gadon sa ginagawa ni Senator Imee Marcos. Kasunod ito ng alegasyon ng senadora sa kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos at kay First Lady Liza Araneta-Marcos na gumagamit umano ng iligal na droga.
Brigada NewsFM Manila31,459 Aufrufe • vor 6 Monaten

𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐔𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒? PANOORIN: Nakiisa si Senator Erwin Tulfo sa sigaw ng taumbayan hinggil sa katiwalian sa flood control projects. Aniya, dapat na raw isauli ang pera ng mga Pilipino. Dagdag pa niya, minsan ay kailangan daw baluktutin ang batas, dahil mas mataas ang taumbayan sa batas. 'Isauli niyo ang pera ng taumbayan... Sometimes you have to bend the law. Mas mataas po ang taumbayan sa batas!' sabi ng senador.
Brigada NewsFM Manila21,014 Aufrufe • vor 8 Monaten

NAKATIKIM KANA BA NG CHUPA-CHUPA? Tuklasin at tikman ang ipinagmamalaking prutas at produktong pagkain mula sa Mindanao, handog ng mga DA-accredited farmer groups at cooperatives. Mabibili yan sa Mindanao Fruits & Food Fest 2025 sa Manila City Hall Grounds, Kartilya ng Katipunan. Bukas sila mula 8AM - 7PM hanggang October 17. | via Jigo Custodio
Brigada NewsFM Manila17,978 Aufrufe • vor 8 Monaten
Keine weiteren Inhalte verfügbar