
Brigada NewsFM Manila
@brigadaph • 1,891 subscribers
Official Twitter of Brigada Philippines FB: https://t.co/3owLkTRJIW
Shorts
Videos

𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗢𝗡𝗚, 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗥 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥? Palaisipan kung ano ang naging sanhi ng biglaang pag-andar ng sasakyang ito sa isang pagawaan ng kabaong sa Santo Tomas, Pampanga. Sa kuha ng CCTV, makikitang masayang nag-iinuman ang ilang manggagawa sa garahe ng kanilang pinagtatrabahuhan nang biglang umusad ang isang nakaparadang sasakyan, kahit wala itong sakay at walang driver. Agad na nagtakbuhan at nagsigawan ang mga empleyado upang makaiwas sa posibleng disgrasya. Tinangka rin ng ilan na pasukin ang sasakyan upang patayin ang makina at mapatigil ito. Makalipas ang ilang segundo, nagawa nilang mapahinto ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kambyo sa neutral mode. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. 🎥 Juan Paulo
Brigada NewsFM Manila385,570 views • 1 month ago

𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗡. 𝗣𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗡. 𝗥𝗜𝗦𝗔 PANOORIN: Naging mainit ang talakayan sa pagitan nina Senadora Pia Cayetano at Senadora Risa Hontiveros nang simulan nilang pag-usapan ang amyenda sa Senate Bill No. 1511 sa ilalim ng Commitee Report No. 15. Ang naturang panukalang batas ay naglalayong patatagin ang proteksyon sa mga pasyente laban sa hospital detention. Samantala, nagsimula naman ang tensyon sa dalawa ng simulan nilang talakayin ang tungkol sa promissory note. Sa kabilang banda, taliwas sa nauna nang pahayag ni Sen. Pia, iginiit ni Sen. Hontiveros na hindi naman mauuwi sa 'disaster' ang batas na ito dahil inaamyendahan na lang naman ito upang mapabuti pa. | via ANNE CORTEZ 📽️ Senate PH
Brigada NewsFM Manila258,892 views • 1 month ago

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞? Hindi pinapasok si Sen. Imee Marcos sa venue ng nakatakdang “Blue Ribbon Committee hearing” ng mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines. Nauna ring hindi nakapasok si dating Gov. Chavit Singson ilang minuto lang ang nakalipas. Patuloy namang dumarami ang tao sa paligid, habang mahigpit ang pagbabantay ng kapulisan sa lugar. Sa ngayon, wala pang malinaw na impormasyon kung matutuloy ang naturang pagdinig. | via INNO FLORES
Brigada NewsFM Manila47,210 views • 1 month ago

PANOORIN: Nagka-tensyon sa budget briefing ng Office of the Vice President sa Kamara ngayong araw. Kinuwestyon kasi ni Vice President Sara Duterte ang rules ng pagdinig pati na ang mga tanong ni House Deputy Minority Leader France Castro ukol sa confidential funds ng OVP sa taong 2022 at 2023. Tumaas din ang boses ni Duterte at iginiit na wala na siyang sasaguting anumang tanong mula sa pagdinig. Pinuna naman ng pangalawang pangulo kung bakit nasa Kamara ang umano'y convicted na personalidad na tumutukoy kay Congresswoman Castro. | via HAJJI KAAMIÑO (Hajji Kaamiño) #BrigadaNews
Brigada NewsFM Manila321,215 views • 1 year ago

BREAKING NEWS: Sumiklab ang sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Research and Standards (BRS) sa NIA South Road, EDSA, Barangay Pinyahan, Quezon City, ngayong Miyerkules, Oktubre 22. Agad namang rumesponde ang mga bumbero sa lugar upang apulahin ang apoy. Pasado ng hapon, itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog. 📽️ Paul Buendia
Brigada NewsFM Manila115,599 views • 9 months ago

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐒𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀𝐓 Naglabas ng video presentation si Senator Imee Marcos tungkol sa umano'y isinasagawang mga hakbang para magkaroon ng charter change upang isulong ang term extension at hindi matuloy ang 2028 elections. Agad itong pinuna ng ilang senador at hiniling na tuluyang alisin ang naturang video sa opisyal na record ng Senado. 📽️ Senate PH
Brigada NewsFM Manila14,651 views • 1 month ago

𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐒𝐇𝐎𝐔𝐋𝐃 𝐍𝐎𝐓 𝐁𝐄 𝐈𝐍𝐇𝐄𝐑𝐈𝐓𝐄𝐃 Umakyat sa entablado si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa nagpapatuloy na Trillion Peso March 2.0 sa EDSA People Power Monument. Sabi ni Catriona, marami na raw Pilipino ang tila nakakalimot kung bakit tayo nagagalit. Dagdag niya, hindi daw pagiging kampante ang pananahimik ng ilan—kundi pagod at panghihina ng loob dahil pakiramdam nila, wala nang mangyayaring pagbabago. | via Jigo Custodio
Brigada NewsFM Manila37,598 views • 7 months ago

'𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆-𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐎 [𝐈𝐌𝐄𝐄] 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐓 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍! - 𝐆𝐀𝐃𝐎𝐍' PANOORIN: Dismayado raw si Sec. Larry Gadon sa ginagawa ni Senator Imee Marcos. Kasunod ito ng alegasyon ng senadora sa kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos at kay First Lady Liza Araneta-Marcos na gumagamit umano ng iligal na droga.
Brigada NewsFM Manila31,459 views • 8 months ago

𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐔𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒? PANOORIN: Nakiisa si Senator Erwin Tulfo sa sigaw ng taumbayan hinggil sa katiwalian sa flood control projects. Aniya, dapat na raw isauli ang pera ng mga Pilipino. Dagdag pa niya, minsan ay kailangan daw baluktutin ang batas, dahil mas mataas ang taumbayan sa batas. 'Isauli niyo ang pera ng taumbayan... Sometimes you have to bend the law. Mas mataas po ang taumbayan sa batas!' sabi ng senador.
Brigada NewsFM Manila21,014 views • 10 months ago

NAKATIKIM KANA BA NG CHUPA-CHUPA? Tuklasin at tikman ang ipinagmamalaking prutas at produktong pagkain mula sa Mindanao, handog ng mga DA-accredited farmer groups at cooperatives. Mabibili yan sa Mindanao Fruits & Food Fest 2025 sa Manila City Hall Grounds, Kartilya ng Katipunan. Bukas sila mula 8AM - 7PM hanggang October 17. | via Jigo Custodio
Brigada NewsFM Manila17,978 views • 9 months ago
No more content to load