
Kiko Pangilinan
@kikopangilinan • 1,125,901 subscribers
Husband. Father. Farmer. Lawyer.
Shorts
Videos

𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧! Sa mga pagdinig sa Senado noong pandemya, kinuwestiyon natin si dating Procurement Service chief Christopher Lao tungkol sa kalahating bilyong pisong halaga ng COVID-19 testing kits na nag-expire sa ilalim ng kanyang pamamahala. Ngayon, muling nabuhay ang usapin ng Pharmally matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na marami sa mga sangkot ang tila hindi na makita at iniiwasan ang hurisdiksyon ng kanyang tanggapan. Pera ng taumbayan ang nakataya—pera na dapat ginamit para protektahan ang buhay at kalusugan ng mga Pilipino. Dapat tiyaking walang makalulusot sa pananagutan.
Kiko Pangilinan18,034 görüntüleme • 1 gün önce

ANONG BASURA NA EBIDENSYA YAN NA MAY PICTURE? Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas. At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo.
Kiko Pangilinan427,417 görüntüleme • 4 ay önce

Hindi puwedeng umabot ng 21 taon bago magkaroon ng conviction sa isang corruption case. Kung ganito katagal ang hustisya, paano natin mapipigilan ang mga tiwaling lalong lumalakas ang loob dahil pakiramdam nila, untouchable sila? Sa magkakahiwalay na hearings ng Judiciary budget, DOJ budget, at Ombudsman law amendments, iisa ang panawagan natin: pabilisin ang hustisya at panagutin ang dapat managot. Hindi ito kayang gawin ng Senado lang. Kailangan natin ang buong justice system. Pakitang-gilas tayo. Patunayan nating walang untouchable.
Kiko Pangilinan14,816 görüntüleme • 3 gün önce

Thank you for your kind words, Retired Chief Justice Artemio Panganiban!
Kiko Pangilinan104,302 görüntüleme • 1 ay önce

MAY PANANAGUTAN ANG MGA MENOR DE EDAD NA NASASANGKOT SA KRIMEN Marami pa ring maling impormasyon tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act. May pananagutan. May proseso. May mga intervention upang matiyak na hindi na ito mauulit. May pananagutan din ang mga magulang. May tungkulin naman ang pamahalaan—sa pamamagitan ng DSWD at iba pang ahensya—na magbigay ng suporta sa mga biktima, kanilang mga pamilya. Iligal ang pakawalan ang menor de edad na nasangkot sa krimen at may parusa sa mga gagawa nito. Ang tunay na hamon ay hindi ang pagpapakalat ng takot at disinformation, kundi ang ganap na pagpapatupad ng batas at pagtiyak na may hustisya, accountability, at proteksyon para sa lahat ng bata.
Kiko Pangilinan346,189 görüntüleme • 3 ay önce

Para sa bayan. Walang bibitiw. Tuloy lang. Laban! 🇵🇭🙏❤️
Kiko Pangilinan321,708 görüntüleme • 5 ay önce

SB19 🤝 SB13 (formerly SB11) Congratulations sa SB19 sa inyong naging performance sa Lollapalooza sa Chicago, Illinois, USA! On a personal note, I have been married to a performer, an artist, a singer for the last 30 years. For decades, I have been witness to the sacrifice, the passion, the dedication, the difficulties, and the challenges that an artist has to face. Iba ang sakripisyo, ang iniinda, ang dedikasyon, ang passion ng artist. And that's why I thank SB19 for your passion, your sacrifice, and your hardwork and I know malayo pa ang inyong mararating.
Kiko Pangilinan38,228 görüntüleme • 20 gün önce

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝟯 𝗔𝗥𝗧𝗜𝗖𝗟𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗞𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧 Pinayagan ng Impeachment Court ang pag-urong ng prosekusyon sa tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban sa respondent. Dahil dito, Article II – Unexplained Wealth na lamang ang magpapatuloy sa paglilitis. Inilahad din ng Presiding Officer ang pinalawig na ruling kaugnay ng desisyon ng Impeachment Court.
Kiko Pangilinan11,882 görüntüleme • 5 gün önce

HANDANG-HANDA NA TAYONG IPAGLABAN ANG ATING MGA MAGSASAKA, MANGINGISDA, AT MAS ABOT-KAYANG PAGKAIN 🇵🇭 Ngayong pagbubukas ng 20th Congress, malinaw ang ating paninindigan: pababain ang presyo ng pagkain, palakasin ang agrikultura, at pawiin ang gutom. Hindi naging madali ang kampanya, pero pinatunayan ng ating mga kababayan na hindi matitinag ang panawagan para sa abot-kayang bigas at pagkain. At dahil sa kanilang tiwala, narito tayo muli sa Senado. Hindi tayo kakampi sa pulitika ng administrasyon, pero naniniwala tayong kung magtutulungan ang lehislatura at ehekutibo, makakamit nating muli ang panahong kayang mabuhay ng isang libo sa palengke. Sa laban para sa pagkain at kabuhayan, pipiliin natin palagi ang kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang Pilipino. Sa Senado, magiging independyente tayo kung kinakailangan, makikipagtulungan para sa kapakanan ng bayan, at laging may prinsipyo. Maraming salamat po sa tiwala. Simula pa lang ito.
Kiko Pangilinan550,734 görüntüleme • 1 yıl önce

AKO PO SI KIKO PANGILINAN, TUMATAKBO PARA SA MGA NANINIWALA NA MAY PAG-ASA PA ANG PILIPINAS! 🇵🇭 Tapos na ang 90 araw ng kampanya, at sa kabila ng pagod, luha, at pawis, ginagawa natin ito dahil naniniwala tayo sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. 🙏 Sa huling araw ng kampanya, nais kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa aking asawa, si Sharon, sa aming mga anak, sa Barangay Pangilinan, Team Kiko, at sa ating mga volunteers—kayo ang puso at diwa ng ating kampanya para sa tapat at totoong pamamahala, at mas abot-kaya at masustansyang pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. 💚 Ako po si Kiko Pangilinan, tumatakbo para sa mga naniniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Tumatakbo tayo para patunayan na pwedeng manalo ang lumalaban nang patas at hindi magnanakaw. Maraming salamat, Pilipinas! Sama-sama natin ipanalo ang tama! 🇵🇭
Kiko Pangilinan627,431 görüntüleme • 1 yıl önce

Suportahan natin ang ating mga lokal na magsasaka ng ube! 💜
Kiko Pangilinan178,133 görüntüleme • 5 ay önce