
Kiko Pangilinan
@kikopangilinan • 1,114,154 subscribers
Husband. Father. Farmer. Lawyer.
Shorts
Videos

FORDA WIN! 👏 Congratulations, Sen. Win! Balik tayo trabaho! 🤝
Kiko Pangilinan127,684 Aufrufe • vor 1 Tag

SB-11, PRESENT! 🙋♂️ Handa kaming magtrabaho. Makapaghihintay ang pulitika, pero ang gutom hindi.
Kiko Pangilinan111,904 Aufrufe • vor 3 Tagen

BINABALEWALA ANG ATING RULES. KAMI SA SB-11 AY TUTOL DITO DAHIL IMPUNITY ITO! Ang nangyari ngayon ay malinaw na pag-abandona sa tungkulin, pagpapabaya sa responsibilidad, at tahasang pagsasawalang-bahala sa mga alituntunin ng institusyong ito. Hindi maaaring patigilin ang Senado sa pagtatrabaho dahil lang tumatangging mamuno ang presiding officer nito.
Kiko Pangilinan53,122 Aufrufe • vor 2 Tagen

BALIK-TRABAHO ANG SENADO PARA SA SAMBAYANANG PILIPINO 🇵🇭 Maliwanag ang ating tungkulin: gumawa ng batas, magsagawa ng oversight, at isulong ang interes ng publiko. Dasurv ng sambayanang Pilipino ang isang Senado na present, nagtatrabaho, at inuuna ang serbisyo publiko kaysa pulitika. Panahon na para magpatuloy ang Senado at muling magtrabaho para sa sambayanang Pilipino.
Kiko Pangilinan32,373 Aufrufe • vor 1 Tag

Para sa bayan. Walang bibitiw. Tuloy lang. Laban! 🇵🇭🙏❤️
Kiko Pangilinan316,358 Aufrufe • vor 23 Tagen

Suportahan natin ang ating mga lokal na magsasaka ng ube! 💜
Kiko Pangilinan172,302 Aufrufe • vor 19 Tagen

Ang nangyari ngayon ay malinaw na pag-abandona sa tungkulin, pagpapabaya sa responsibilidad, at tahasang pagsasawalang-bahala sa mga alituntunin ng institusyong ito. Dapat magbitiw si Senate President Alan Peter Cayetano. Ipinakita niyang hindi niya kayang gampanan ang tungkulin bilang pinuno ng Senado.
Kiko Pangilinan19,720 Aufrufe • vor 2 Tagen

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗹𝗶𝗶𝗻? Bakit kailangang pigilan ang mga gustong magsalita? Bakit gustong pagbotohan agad kung marami pang Senador ang nagtatanong tungkol sa proseso? 𝗨𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄, 𝗽𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗮𝘁 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻. ✊🇵🇭
Kiko Pangilinan46,098 Aufrufe • vor 8 Tagen

HINDI DAPAT NANGYARI ITO. BALIK TAYO SA TRABAHO. Nakakalungkot at nakakaalarma ang ganitong uri ng mga balita na bumabalot sa ating Senado. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalagang pag-isipan kung paano muling maibabalik ang tiwala at respeto ng ating mga kababayan. Para sa atin, ang pinakamabisang paraan upang gawin ito ay hindi sa salita lamang, kundi sa gawa—ang patuloy na pagtupad sa ating tungkulin at paghahatid ng serbisyong kailangan ng tao. Kung may krisis man sa Senado, hindi dapat huminto ang serbisyo publiko. Tuloy ang trabaho, tuloy ang paglilingkod, dahil iyon ang inaasahan sa atin ng mamamayan. Sa huli, ang tiwala ng taumbayan ay hindi basta ibinabalik—ito ay muling pinagbubuhusan ng oras, malasakit, at konkretong aksyon. Kaya balik tayo sa trabaho. Itrabaho natin ang nararapat para muling maibalik ang tiwala ng ating mga kababayan.
Kiko Pangilinan81,977 Aufrufe • vor 21 Tagen

IPINAGMAMALAKI ANG GALING NG PINOY SA BUONG MUNDO 🇵🇭🌸💖✨ Binigyang-pugay natin ang BINI para sa kanilang makasaysayang performance sa Coachella—isang patunay ng talento, sipag, at dedikasyon ng bagong henerasyon ng mga Pilipino. Bilang asawa ng isang performer, alam ko ang hirap, sakripisyo, at mahabang oras na inilalaan sa entablado. Kaya lalo kong pinapahalagahan ang tagumpay na ito. Salamat, BINI, sa pagdadala ng ating bandera sa world stage at sa pagpapakita ng galing ng Pilipino sa buong mundo. 🌸
Kiko Pangilinan96,222 Aufrufe • vor 29 Tagen

CONGRATULATIONS, BINI! 🌸 Bilang asawa ng isang performer, alam ko ang hirap, sakripisyo, at mahabang oras na inilalaan sa entablado. Kaya lalo kong pinapahalagahan ang tagumpay na ito. Ika nga, "sa bawat panibagong umaga, ang pagsimula muli ay isang tagumpay na." Salamat, BINI! Nawa'y ang inyong makasaysayang performance sa Coachella ay maging simula ng mas marami pang tagumpay ng talento, sipag, at dedikasyon ng mga Pilipino! 🇵🇭🌸💖✨
Kiko Pangilinan66,979 Aufrufe • vor 28 Tagen

DASAL NATIN ANG KATOTOHANAN AT PANANAGUTAN 🇵🇭 Panginoong Diyos ng Katarungan, gabayan N’yo kami sa paglilitis na haharapin. Nawa'y manaig ang katotohanan, konsensya, at pagnanais na magsilbi sa sambayanan sa bawat pasya at hakbang na gagawin. Sa gitna ng lahat, patuloy tayong manalangin, manindigan, at magtrabaho para sa bayan.
Kiko Pangilinan42,060 Aufrufe • vor 17 Tagen

SAGIP SAKA: TULAY SA MATATAG NA KABUHAYAN NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA 🌾🐟 Mula sa ₱300,000 na benta noong 2019, umabot sa mahigit ₱13 milyon ang pinakamataas na naitalang benta sa isang taon ng Sto. Tomas San Luis Farmers Assoc., Inc.—isang patunay ng tagumpay ng direktang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga lokal na magsasaka. Sa pamamagitan ng Sagip Saka Act at pakikipagtulungan sa BJMP NCR at BJMP Region III, direktang binili ang kanilang mga produkto, mula gulay hanggang itlog na nagbibigay ng mas mataas na kita sa mga local farmers at nagtitiyak na sariwa, abot-kaya, at de-kalidad ang pagkain para sa mga institusyon ng pamahalaan. Para sa mga bayaning nagpapakain sa atin, ito ay higit pa sa kita. Nagkakaroon sila ng seguridad sa hanapbuhay, at mas matatag na merkado. Kaya patuloy nating isinusulong ang Sagip Saka Act upang mas marami pang magsasaka at mangingisda ang makinabang at masigurong sapat, abot-kaya, at matatag ang pagkain para sa buong bansa.🇵🇭
Kiko Pangilinan141,327 Aufrufe • vor 2 Monaten