
Kiko Pangilinan
@kikopangilinan • 1,114,247 subscribers
Husband. Father. Farmer. Lawyer.
Shorts
Videos

BINABALEWALA ANG ATING RULES. KAMI SA SB-11 AY TUTOL DITO DAHIL IMPUNITY ITO! Ang nangyari ngayon ay malinaw na pag-abandona sa tungkulin, pagpapabaya sa responsibilidad, at tahasang pagsasawalang-bahala sa mga alituntunin ng institusyong ito. Hindi maaaring patigilin ang Senado sa pagtatrabaho dahil lang tumatangging mamuno ang presiding officer nito.
Kiko Pangilinan53,577 次观看 • 3 天前

BALIK-TRABAHO ANG SENADO PARA SA SAMBAYANANG PILIPINO 🇵🇭 Maliwanag ang ating tungkulin: gumawa ng batas, magsagawa ng oversight, at isulong ang interes ng publiko. Dasurv ng sambayanang Pilipino ang isang Senado na present, nagtatrabaho, at inuuna ang serbisyo publiko kaysa pulitika. Panahon na para magpatuloy ang Senado at muling magtrabaho para sa sambayanang Pilipino.
Kiko Pangilinan33,269 次观看 • 2 天前

Ang nangyari ngayon ay malinaw na pag-abandona sa tungkulin, pagpapabaya sa responsibilidad, at tahasang pagsasawalang-bahala sa mga alituntunin ng institusyong ito. Dapat magbitiw si Senate President Alan Peter Cayetano. Ipinakita niyang hindi niya kayang gampanan ang tungkulin bilang pinuno ng Senado.
Kiko Pangilinan19,823 次观看 • 3 天前

HINDI DAPAT NANGYARI ITO. BALIK TAYO SA TRABAHO. Nakakalungkot at nakakaalarma ang ganitong uri ng mga balita na bumabalot sa ating Senado. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalagang pag-isipan kung paano muling maibabalik ang tiwala at respeto ng ating mga kababayan. Para sa atin, ang pinakamabisang paraan upang gawin ito ay hindi sa salita lamang, kundi sa gawa—ang patuloy na pagtupad sa ating tungkulin at paghahatid ng serbisyong kailangan ng tao. Kung may krisis man sa Senado, hindi dapat huminto ang serbisyo publiko. Tuloy ang trabaho, tuloy ang paglilingkod, dahil iyon ang inaasahan sa atin ng mamamayan. Sa huli, ang tiwala ng taumbayan ay hindi basta ibinabalik—ito ay muling pinagbubuhusan ng oras, malasakit, at konkretong aksyon. Kaya balik tayo sa trabaho. Itrabaho natin ang nararapat para muling maibalik ang tiwala ng ating mga kababayan.
Kiko Pangilinan81,977 次观看 • 22 天前

IPINAGMAMALAKI ANG GALING NG PINOY SA BUONG MUNDO 🇵🇭🌸💖✨ Binigyang-pugay natin ang BINI para sa kanilang makasaysayang performance sa Coachella—isang patunay ng talento, sipag, at dedikasyon ng bagong henerasyon ng mga Pilipino. Bilang asawa ng isang performer, alam ko ang hirap, sakripisyo, at mahabang oras na inilalaan sa entablado. Kaya lalo kong pinapahalagahan ang tagumpay na ito. Salamat, BINI, sa pagdadala ng ating bandera sa world stage at sa pagpapakita ng galing ng Pilipino sa buong mundo. 🌸
Kiko Pangilinan96,222 次观看 • 1 个月前

CONGRATULATIONS, BINI! 🌸 Bilang asawa ng isang performer, alam ko ang hirap, sakripisyo, at mahabang oras na inilalaan sa entablado. Kaya lalo kong pinapahalagahan ang tagumpay na ito. Ika nga, "sa bawat panibagong umaga, ang pagsimula muli ay isang tagumpay na." Salamat, BINI! Nawa'y ang inyong makasaysayang performance sa Coachella ay maging simula ng mas marami pang tagumpay ng talento, sipag, at dedikasyon ng mga Pilipino! 🇵🇭🌸💖✨
Kiko Pangilinan66,979 次观看 • 1 个月前

DASAL NATIN ANG KATOTOHANAN AT PANANAGUTAN 🇵🇭 Panginoong Diyos ng Katarungan, gabayan N’yo kami sa paglilitis na haharapin. Nawa'y manaig ang katotohanan, konsensya, at pagnanais na magsilbi sa sambayanan sa bawat pasya at hakbang na gagawin. Sa gitna ng lahat, patuloy tayong manalangin, manindigan, at magtrabaho para sa bayan.
Kiko Pangilinan42,060 次观看 • 18 天前