
TV5 News
@TV5NewsPH • 871,510 subscribers
The official Twitter account of TV5 News (formerly News5).
Shorts
Videos

‘SORRY KUNG HINDI MO PO KAMUKHA’ Viral online ang isang Filipino-made statue na inspired kay tennis sensation Alex Eala, na makikita sa Naic, Cavite. Nag-sorry naman ang may-ari at ang artist ng sculpture dahil hindi umano ito gaanong kahawig ng atleta. Sisiguraduhin umano nila na kamukha na ni Eala ang rebulto sa susunod na paggawa nila nito. Ipinagawa umano ng may-ari ang statue bilang pagkilala sa ambag ng tennis star sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.
TV5 News1,843,657 views • 1 month ago

‘YAN PO ANG TATAK DUTERTE' Nagbabala ang human rights lawyer na si Atty. Dino de Leon na posibleng malagay sa panganib ang media, mga abogado, at mga aktibista sakaling maupo sa puwesto ang mga Duterte sa 2028. Kinondena ni de Leon ang paggamit umano ng mga Duterte sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga kritiko. Hinamon din niya ang mga ito na magbitiw sa puwesto sa public service kung hindi nila kayang harapin ang pagsusuri at pagtatanong ng media.
TV5 News24,196 views • 18 hours ago

‘PARA SIYANG SI JESUS’ Ilang tagasuporta ni Rene Bartebonia ang bumisita sa kaniyang puntod sa Talacogon Memorial Park sa Agusan del Sur para magbigay-pugay at magbigay ng mensahe sa pumanaw na student-athlete. Nanawagan din sila na makamit ang hustisya para sa yumaong basketbolista at sinabing hindi niya umano deserve ang nangyari sa kaniya. | via Bryll Montalvo
TV5 News544,657 views • 23 days ago

‘HINDI AKO PAYAG NA MAG-LIQUOR BAN DAHIL FIESTA’ Tumutol si Naga City Mayor Leni Robredo sa mungkahing liquor ban sa buong Peñafrancia festivities, kabilang ang mga religious events. Ayon kay Robredo, tradisyon na ang pag-inom tuwing Peñafrancia at mas mainam na tutukan ng pulisya ang mga umiinom na nagiging unruly kaysa ipagbawal ang alak sa lahat.
TV5 News1,096,345 views • 1 month ago

MGA ALAHAS AT BRANDED NA DAMIT NI ROVELYN BATERBONIA #TV5NewsExclusive | Nagtungo sa DOJ ang magulang ni Rene Baterbonia para sa pagpapatuloy ng mga kasong isinampa nila sa paghanap ng hustisya. Sinagot din ni Nanay Rovelyn ang mga pumupuna na puro branded na ang suot niyang damit, at mayroon na siyang maraming alahas matapos ang pagkasawi ng anak. #TV5NewsNow | via Mon Gualvez
TV5 News108,993 views • 5 days ago

'ALEX, ANG GANDA MO PALA SA PERSONAL' 'Yan ang bati ng isang fan kay Alex Eala matapos simulan ng Pinay tennis ace ang kanyang kampanya sa 2026 Asian Games. Sinagot 'yan ni Alex na ikinatuwa ng fans. | via Paolo del Rosario, Cignal/One Sports #AichiNagoya2026 #20thAsianGames #LakasNgPilipino
TV5 News238,870 views • 26 days ago

'SOBRANG NAKAKALUNGKOT... 'DI NAMIN NAFI-FEEL 'YUNG SUPORTA' Sa kanyang assessment, tinalakay ni Bryan Bagunas ang mga naging hamon ng Alas Pilipinas Men, kabilang ang kakulangan umano ng suporta para sa kanilang training at paghahanda. Aniya, umabot na sa puntong nagpapahiram na ng pera ang mga manlalaro sa isa’t isa para lamang makapunta sa kanilang training sessions. Bigo ang Alas Men sa kanilang opening match vs. South Korea sa 2026 Asian Games. | via Denise Tan, One Sports/Cignal #AichiNagoya2026 #20thAsianGames #LakasNgPilipino #AlasPilipinas
TV5 News229,018 views • 27 days ago

''YUNG ANAK KO ANG DAMING PASA, SAAN GALING 'YUNG PASA?' Maraming katanungan si Rovelyn Baterbonia sa sinapit ng kanyang anak na si Rene Baterbonia habang nasa boot camp ng Ateneo Blue Eagles men’s basketball sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes, June 8. Nasawi ang student-athlete matapos malunod. Base sa salaysay ng mga kasamahan ng biktima sa mga awtoridad, mayroon umano silang activity kung saan lumalakad ang mga player sa dagat na hanggang hita ang lalim. Nang bigla umanong tangayin ng current si Baterbonia at isa pa niyang kasamahan na si Divine Adili. | via Mon Gualvez
TV5 News1,047,106 views • 4 months ago

'AALIS NA KO NG PILIPINAS' 'Yan ang reaksyon ni Kylie Padilla sa naging pahayag ng amang si Sen. Robin Padilla na handa siyang tumakbo sa pagka-bise presidente kung ipag-uutos ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Bida si Kylie sa “The Lotto Winner” kasama si Albert Martinez. | via Von Belinario
TV5 News1,766,907 views • 8 months ago

‘IF YOU DON’T HAVE A BRAIN, JUST F*CK GO AWAY!’ Kinondena ng NUJP Iloilo ang umano’y verbal harassment, pagmumura, at pagbabanta ni Daniel Stefan Robertsen, proponent ng itatayong 50-megawatt hyperscale AI data center sa Oton, Iloilo, sa mga mamamahayag na nagtangkang mag-interview sa kanya. Nangyari ito kasunod ng pag-walkout ni Robertsen sa isang public consultation kaugnay sa nasabing data center ngayong Biyernes, Aug. 14. Giit ng NUJP Iloilo, dapat malayang nakapagtatanong ang media, lalo na sa mga proyektong may malaking epekto sa mga komunidad na malapit dito. | via Gio Robles 🎥 Rjay Castor
TV5 News455,540 views • 2 months ago

'KUNG PINAGKAKAISAHAN NIYO AKO, AMININ NIYO NA LANG' Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na target siya nina Public Works Sec. Vince Dizon at Sen. Ping Lacson. Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman at DPWH tungkol sa umano'y mga maanomalyang proyekto sa Taguig City.
TV5 News154,064 views • 25 days ago

VP SARA, TULOY ANG PAGTAKBO SA 2028 Iginiit ni Vice Pres. Sara Duterte na tuloy ang kaniyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections. Tinawag din ni Duterte na isang “blessing” ang impeachment trial dahil pagkakataon umano ito para masuri ng publiko ang kaniyang pagkatao at masagot ang mga tanong tungkol sa kaniya.
TV5 News57,042 views • 11 days ago

