Video wird geladen...

Video konnte nicht geladen werden

Zur Startseite

DIGNITY IN COMMUTING ACT Walang dapat mapag-iwanan sa kalsada. 🚍🚲🚶‍♀️ Muli nating inihain ang Dignity in Commuting Act para masolusyunan ang matagal nang problema sa transportasyon, mula sa matinding trapik hanggang sa kakulangan ng ligtas na sidewalk at bike lanes. Kailangan nating kilalanin ang dignidad ng bawat commuter at...

13,836 Aufrufe • vor 11 Monaten •via X (Twitter)

0 Kommentare

Keine Kommentare verfügbar

Kommentare vom Original-Post werden hier angezeigt

Ähnliche Videos

Sa pagbisita natin sa Pag-asa Island, mas lalo nating nakita at narinig ang tunay na danas ng ating mga mangingisda at residente sa West Philippine Sea. Hindi biro ang araw-araw nilang kinakaharap—pangamba sa paglaot, pangha-harass sa ating mga mangingisda, kakulangan sa kabuhayan, at ang patuloy na hamon ng pamumuhay sa gitna ng tensyon sa ating karagatan. Pero sa kabila nito, tuloy pa rin silang lumalaban. Tuloy pa rin silang nangingisda, nagtatrabaho, at bumubuhay sa kanilang pamilya. Kaya hindi dapat tumigil ang serbisyo. Sa ating pagpunta sa Pag-asa Island, nagdala tayo ng school supplies para sa mga bata, gatas mula sa National Dairy Authority, native chicken, vegetable seedlings, compost, at seednuts upang makatulong sa kabuhayan, nutrisyon, at lokal na produksyon ng pagkain sa komunidad. Nakita rin natin ang ongoing salt production facility na makakatulong sa kabuhayan ng mga residente at mangingisda sa Kalayaan. At habang nandoon, nakita rin natin mismo ang presensya ng Chinese maritime militia vessels sa loob ng ating exclusive economic zone. Klarong-klaro: atin ang West Philippine Sea. At may karapatan ang ating mga mangingisda at mamamayan na mamuhay, mangisda, at maghanapbuhay nang ligtas at may dignidad sa sarili nating karagatan. Kaya kailangan nating patuloy na palakasin ang suporta sa ating Coast Guard, Armed Forces, at mga komunidad sa mga frontline area tulad ng Pag-asa Island. Ayaw natin ng gulo. Ayaw natin ng tensyon. Pero hindi rin tayo dapat umurong sa pagprotekta sa ating soberanya at karapatan. At sa gitna ng lahat, balik tayo sa trabaho. Dahil ang tunay na serbisyo ay tuloy-tuloy—lalo na para sa mga Pilipinong matagal nang nasa laylayan ngunit patuloy na nagbabantay at nagtatanggol sa ating bayan. 🇵🇭

Kiko Pangilinan

12,146 Aufrufe • vor 1 Monat