ๆญฃๅœจๅŠ ่ฝฝ่ง†้ข‘...

่ง†้ข‘ๅŠ ่ฝฝๅคฑ่ดฅ

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ถ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿถ๐Ÿพ Patuloy tayong nakikipagkaisa sa mga adbokasiya para sa proteksyon, maayos na rescue, at makataong pag-aalaga sa ating mga hayop. Maraming salamat sa Pawssion Project sa patuloy na pagiging sandigan at pag-asa ng ating mga...

13,746 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 8 ไธชๆœˆๅ‰ โ€ขvia X (Twitter)

0 ๆก่ฏ„่ฎบ

ๆš‚ๆ— ่ฏ„่ฎบ

ๅŽŸๅง‹ๅธ–ๅญ็š„่ฏ„่ฎบๅฐ†ๆ˜พ็คบๅœจ่ฟ™้‡Œ

็›ธๅ…ณ่ง†้ข‘

A CHRISTMAS MESSAGE TO THE FILIPINO PEOPLE From Vice President INDAY SARA DUTERTE Assalamualaikum. Madayaw ug maayung adlaw kaninyong tanan! Magandang araw sa inyong lahat. Malugod kong binabati ang ating mga kababayan ng isang maligayang Pasko! Hatid ng kapanganakan ni Hesus ang mensahe ng kapayapaan, pagmamahal, at pag-asa. Ang pasko ay paalala sa ating mga tagumpay at selebrasyon ng ating pananampalataya at pasasalamat. Ito ang ating mga gabay habang patuloy nating pinagsusumikapang makamtan ang ating mga hangarin ng may maalab na pag-asa at pananampalataya sa Maykapal. Alalahanin natin ang ating mga pamilya at ang kahalagahan ng pagmamahalan natin sa isaโ€™t isa โ€” na siyang regalo natin sa ating mga sarili, sa ating mga komunidad, at sa ating bayan. Sandigan ng ating bayan ang mga pamilyang pinag-isa ng pagmamahal, pag-asa, at pananampalataya. Huwag natin kalimutan sa Pasko at sa abot ng ating makakaya sa iba pang mga araw ay tulungan at damayan natin ang ating kapwa Pilipino na naghihirap, nagugutom, may karamdaman, at nag-aagaw buhay. Ngayong Pasko, pasalamatan natin ang ating mga kababayang nagpakita ng katatagan, integridad, malasakit at pagmamahal sa bayan. Mahimo unta nato silang inspirasyon sa atong padayon nga pagsubay sa dalan paingon sa kabag-ohan, kalambuan ug kalinaw. Padayon kita sa atong pagmahal sa atong nasud alang sa Diyos, ug sa matag pamilyang Pilipino. Merry Christmas and a Happy New Year kaninyong tanan! Shukran.

Mark Lopez

14,872 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 2 ๅนดๅ‰

Sa pagbisita natin sa Pag-asa Island, mas lalo nating nakita at narinig ang tunay na danas ng ating mga mangingisda at residente sa West Philippine Sea. Hindi biro ang araw-araw nilang kinakaharapโ€”pangamba sa paglaot, pangha-harass sa ating mga mangingisda, kakulangan sa kabuhayan, at ang patuloy na hamon ng pamumuhay sa gitna ng tensyon sa ating karagatan. Pero sa kabila nito, tuloy pa rin silang lumalaban. Tuloy pa rin silang nangingisda, nagtatrabaho, at bumubuhay sa kanilang pamilya. Kaya hindi dapat tumigil ang serbisyo. Sa ating pagpunta sa Pag-asa Island, nagdala tayo ng school supplies para sa mga bata, gatas mula sa National Dairy Authority, native chicken, vegetable seedlings, compost, at seednuts upang makatulong sa kabuhayan, nutrisyon, at lokal na produksyon ng pagkain sa komunidad. Nakita rin natin ang ongoing salt production facility na makakatulong sa kabuhayan ng mga residente at mangingisda sa Kalayaan. At habang nandoon, nakita rin natin mismo ang presensya ng Chinese maritime militia vessels sa loob ng ating exclusive economic zone. Klarong-klaro: atin ang West Philippine Sea. At may karapatan ang ating mga mangingisda at mamamayan na mamuhay, mangisda, at maghanapbuhay nang ligtas at may dignidad sa sarili nating karagatan. Kaya kailangan nating patuloy na palakasin ang suporta sa ating Coast Guard, Armed Forces, at mga komunidad sa mga frontline area tulad ng Pag-asa Island. Ayaw natin ng gulo. Ayaw natin ng tensyon. Pero hindi rin tayo dapat umurong sa pagprotekta sa ating soberanya at karapatan. At sa gitna ng lahat, balik tayo sa trabaho. Dahil ang tunay na serbisyo ay tuloy-tuloyโ€”lalo na para sa mga Pilipinong matagal nang nasa laylayan ngunit patuloy na nagbabantay at nagtatanggol sa ating bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kiko Pangilinan

12,146 ๆฌก่ง‚็œ‹ โ€ข 2 ไธชๆœˆๅ‰