Video yรผkleniyor...

Video Yรผklenemedi

๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”!๐Ÿซ‚๐Ÿ’ž Isang paanyayang mensahe mula kay Cardinal Ambo David para sa ikalawang bahagi ng Trillion Peso March sa People Power Monument ngayong darating na Nobyembre 30. Sama-sama tayong magtipon para sa mapayapa, makabayan, at nagkakaisang panawagan para sa tapat at makatuwirang pamahalaan. โœŠ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ #AkbayanPartylist

11,925 gรถrรผntรผleme โ€ข 8 ay รถnce โ€ขvia X (Twitter)

0 Yorum

Yorum bulunmuyor

Orijinal gรถnderinin yorumlarฤฑ burada gรถrรผnecek

Benzer Videolar

๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—”๐—ฐ๐˜, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ! ๐ŸŒˆ๐Ÿฅ Simple ngunit napaka-makahulugan ng layunin ng Right to Care Act: Tiyakin na walang maiiwan sa pangangalagang pangkalusugan at mahahalagang desisyong medikal para sa ating mahal sa buhay. Kinikilala nito ang iba't ibang sitwasyon at relasyon ng mga Pilipino na matagal nang bahagi ng lipunan pero madalas pa ring nakararanas ng diskriminasyon at napagkakaitan ng karapatan sa mga umiiral na sistema at polisiya โ€“ kabilang ang solo parents, non-traditional families, at same-sex couples. Wala nang dapat pagdebatehan pa: when the time comes and we need someone to decide for our health in moments when we are incapable, we entrust that decision to our partner, regardless of our marital status. Ang pagkakapantay-pantay at respeto sa set up ng pamilya at sa kasarian ay hindi lang dapat ipinagdiriwang ngayong Pride Month. Dapat itong maramdaman at isabuhay bawat araw, lalo na para sa kalusugan ng ating mga mahal sa buhay. Sama-sama po nating itaguyod ang pagsasabatas ng Right to Care Act para sa tunay na pagkakapantay-pantay at para sa de-kalidad at mapagmalasakit na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Happy Pride Month! ๐ŸŒˆโœจ The Right to Care Card

Leila de Lima

18,045 gรถrรผntรผleme โ€ข 1 ay รถnce

Para po? Para Kay Colet! "Meron pa pala kaming uuwian..." - Colet Mula simula hanggang sa makarating sa kasalukuyan, malugod at buong puso po nagpapa-salamat ang Team Colet sa lahat ng tumulong upang maging sakses! lahat ng proyekto na inihanda namin para sa pagbabalik ng ating Walo at maiparamdan sa kanila ang pagmamahal ng ating mga palangga! Para sa aming mga Bossing Palangga, maraming maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal, pagtitiwala, at pag-suporta sa CFS para makapag-hatid ng saya at suporta Para sa BINI, Para sa Blooms, Para kay Colet! Para sa aming mga butihing VolunTEAM, Team Colet OFC, Team Colet BVT, Team Colet CPT, Coca-Colets, Blooms, aming mga Palangga, maraming salamat po sa walang sawang dedikasyon, pag-tulong, at pagmamahal Para kay Colet, para sa Walo ๐Ÿ’š Para sa Team Pasay City Hall, Pasay Traffic and Parking Management City, Pasay PNP Office, Pasay City Rescue Team, Pasay City Fire Department, Team MoCard Catering and Services, Team Mall of Asia Arena, Team Decal World PH, maraming maraming salamat po sa magandang serbisyo at tulong upang mapanatili ang isang ligtas, mapayaba, at masayang aktibidad na inihandog ng Team Colet. Para sa lahat ng bumubuo ng Team BINI PH, Team ABS-CBN Sponsorship Department, Team ABS-CBN and Management, maraming maraming salamat po lahat ng gabay at oportunidad na maging isa sa mga sponsors ng Here with You: BINI Homecoming Fan meet! Masayang masaya po si Coco at ang mga palangga na maki-bahagi sa pagpapadama ng pagmamahal para sa ating Walo! Para sa aming Palangga, C O L E T, maraming salamat po ha? sa pagiging matatag, sa paniniwala, at sa walang sawang pagpapa-alala na sa pagiging pursigido, pagtitiwala sa sarili, at pasasalamat, kayang kaya matupad ng lahat. Maraming salamat sa pagiging inspirasyon at sa pagiging mabuti. Sana palagi mo na matandaan, Na Na Nandito lang kami para suportahan at mahalin ka at ang BINI! Pasa sa Walo, hinding hindi magsa-sawa ang inyong Blooms na iparamdam sa inyo ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit; solido at totoo. Muli at palagi, Para BINI, Para sa Blooms, Para kay Colet! Maraming maraming salamat po sa pag-sama sa ating byahe! Malayo na ang narating at malayo pa po ang kayang marating at lalakbayin. Tara, mga Palangga! Ako po ito, si Coco mula sa Colet Fan Suporta, Ito ang aming kwentong Bloom, ikaw palangga? ano ang kwentong bloom mo po? i-#KwentoMoKayCoco naman 'yan! ๐Ÿฅฐ #ParaPo? #ParaKayColet #BINI_Colet #ColetFanSuporta

BINI COLET FAN SUPORTA

107,207 gรถrรผntรผleme โ€ข 1 yฤฑl รถnce

[ADMIN] Sa rally sa EDSA People Power Monument, sabay na umalingawngaw ang tinig nina Heidi Mendoza at Cielo Magno: Itigil na ang paulit-ulit na panlilinlang. Kung hindi kikilos ang nasa kapangyarihan, mismong taumbayan ang gagalaw. Ang panawagan: Peopleโ€™s Initiative. Nasa Konstitusyon mismo ang probisyong ito, isang kapangyarihan para sa mamamayan na maghain ng panukalang batas kapalit ng milyon-milyong pirma mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Hindi na ito dadaan sa Kongresong kontrolado ng dinastiya, kundi diretsong boses ng taumbayan. Kung kaya nating magkaisa sa kalsada, kaya rin nating magkaisa sa pagpirma para sa tunay na reporma. Tatlong larangan ang binigyang-diin sa EDSA: 1. Political at Electoral Reforms โ—ฆBatas laban sa Political Dynasties. Parang liga ng barangay na iisang pamilya lang ang laging nasa line-up. Kahit palpak, sila pa rin ang pinapasok. Paano makakalaro ang iba kung sila lang ang hawak ng bola? Hanggaโ€™t walang malinaw na batas laban sa dinastiya, paulit-ulit lang ang mga may sala na nauupo. โ—ฆDiskwalipikasyon ng mga Pulitikong May Hindi Na-liquidate na Pondo. Kapag may final at executory na Notice of Disallowance mula COA, ibig sabihin may perang ginastos na hindi maipaliwanag at dapat ibalik. Sa simpleng buhay, kung umutang ka sa sari-sari store at hindi nagbayad, hindi ka na uutangan ulit. Sa gobyerno, kahit may utang sa bayan, puwede pang tumakbo at manalo. Dapat tapusin ang ganitong kalakaran: hindi kayang ipaliwanag ang pera ng bayan, disqualified agad. 2. Peopleโ€™s Participation โ—ฆParticipatory Audit. Sama-samang pagbabantay ng mamamayan at eksperto para siguradong tama ang paggastos ng gobyerno. โ—ฆOpen Infra. Dapat nakapaskil ang lahat ng proyekto mula plano hanggang presyo. Para matapos na ang paulit-ulit na flood control at tulay na taon-taon nasa budget pero hanggang ngayon, baha pa rin ang tao. 3. Access to Information โ—ฆFreedom of Information. Para makita ng bawat mamamayan kung saan napupunta ang pinaghirapan nilang buwis. โ—ฆPublikong access sa SALN. Parang resibo ng yaman ng opisyal, kung biglang nagkaroon ng mansyon o luxury car habang nasa puwesto, dapat kita agad. Ngayon, tinatago para hindi makita ng tao. Kaya sabay-sabay ang sigaw sa rally: dapat lantad ang SALN. โ—ฆBeneficial Ownership. Para mabunyag kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga kontrata at hindi natatago sa mga dummy. โ—ฆProcurement Monitoring na may Standard Costing. Para hindi na overprice ang pako, yero, o semento na parang itlog na presyong ginto. Ang Peopleโ€™s Initiative ang tuwirang daan para maisabatas ang lahat ng ito. Kung aasa sa Kongresong hawak ng dinastiya, haharangin lang nila. Pero kung taumbayan ang kikilos, wala silang magagawa kundi pakinggan. Kung hindi tayo kikilos, mananatili tayong bihag ng dinastiya at kawalan ng pananagutan. Ilang ulit na tayong pinakain ng parehong panis na ulam, ilang ulit na nakuryente sa parehong sirang kawad. Kung hindi tayo gigising, wala talagang magbabago. Pero kung kikilos tayo, may pag-asa tayong baguhin ang sistema.

Heidi Mendoza

28,477 gรถrรผntรผleme โ€ข 10 ay รถnce