Loading video...

Video Failed to Load

Go Home

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ-๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น. Dasurv ng taumbayan malaman kung sino ang responsable, ano ang plano, at kung sumakses ba ito. Sa flood control, dapat wala nang turuan dahil may isang plano, may malinaw na pananagutan, at may measurable result.

14,001 views โ€ข 3 days ago โ€ขvia X (Twitter)

0 Comments

No comments available

Comments from the original post will appear here

Related Videos

[ADMIN] Sa rally sa EDSA People Power Monument, sabay na umalingawngaw ang tinig nina Heidi Mendoza at Cielo Magno: Itigil na ang paulit-ulit na panlilinlang. Kung hindi kikilos ang nasa kapangyarihan, mismong taumbayan ang gagalaw. Ang panawagan: Peopleโ€™s Initiative. Nasa Konstitusyon mismo ang probisyong ito, isang kapangyarihan para sa mamamayan na maghain ng panukalang batas kapalit ng milyon-milyong pirma mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Hindi na ito dadaan sa Kongresong kontrolado ng dinastiya, kundi diretsong boses ng taumbayan. Kung kaya nating magkaisa sa kalsada, kaya rin nating magkaisa sa pagpirma para sa tunay na reporma. Tatlong larangan ang binigyang-diin sa EDSA: 1. Political at Electoral Reforms โ—ฆBatas laban sa Political Dynasties. Parang liga ng barangay na iisang pamilya lang ang laging nasa line-up. Kahit palpak, sila pa rin ang pinapasok. Paano makakalaro ang iba kung sila lang ang hawak ng bola? Hanggaโ€™t walang malinaw na batas laban sa dinastiya, paulit-ulit lang ang mga may sala na nauupo. โ—ฆDiskwalipikasyon ng mga Pulitikong May Hindi Na-liquidate na Pondo. Kapag may final at executory na Notice of Disallowance mula COA, ibig sabihin may perang ginastos na hindi maipaliwanag at dapat ibalik. Sa simpleng buhay, kung umutang ka sa sari-sari store at hindi nagbayad, hindi ka na uutangan ulit. Sa gobyerno, kahit may utang sa bayan, puwede pang tumakbo at manalo. Dapat tapusin ang ganitong kalakaran: hindi kayang ipaliwanag ang pera ng bayan, disqualified agad. 2. Peopleโ€™s Participation โ—ฆParticipatory Audit. Sama-samang pagbabantay ng mamamayan at eksperto para siguradong tama ang paggastos ng gobyerno. โ—ฆOpen Infra. Dapat nakapaskil ang lahat ng proyekto mula plano hanggang presyo. Para matapos na ang paulit-ulit na flood control at tulay na taon-taon nasa budget pero hanggang ngayon, baha pa rin ang tao. 3. Access to Information โ—ฆFreedom of Information. Para makita ng bawat mamamayan kung saan napupunta ang pinaghirapan nilang buwis. โ—ฆPublikong access sa SALN. Parang resibo ng yaman ng opisyal, kung biglang nagkaroon ng mansyon o luxury car habang nasa puwesto, dapat kita agad. Ngayon, tinatago para hindi makita ng tao. Kaya sabay-sabay ang sigaw sa rally: dapat lantad ang SALN. โ—ฆBeneficial Ownership. Para mabunyag kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga kontrata at hindi natatago sa mga dummy. โ—ฆProcurement Monitoring na may Standard Costing. Para hindi na overprice ang pako, yero, o semento na parang itlog na presyong ginto. Ang Peopleโ€™s Initiative ang tuwirang daan para maisabatas ang lahat ng ito. Kung aasa sa Kongresong hawak ng dinastiya, haharangin lang nila. Pero kung taumbayan ang kikilos, wala silang magagawa kundi pakinggan. Kung hindi tayo kikilos, mananatili tayong bihag ng dinastiya at kawalan ng pananagutan. Ilang ulit na tayong pinakain ng parehong panis na ulam, ilang ulit na nakuryente sa parehong sirang kawad. Kung hindi tayo gigising, wala talagang magbabago. Pero kung kikilos tayo, may pag-asa tayong baguhin ang sistema.

Heidi Mendoza

28,477 views โ€ข 11 months ago

JAY RUIZ, UMIIWAS SA TANONG KUNG SINO ANG MAY-ARI NG DIGITAL 8! Sa kabila ng mahabang paliwanag ni Acting Communications Secretary Jay Ruiz tungkol sa pagtanggi niyang isa siya sa mga may-ari ng Digital 8โ€”ang kumpanyang nakasungkit ng mahigit dalawang daang milyong pisong kontrata mula sa PCSO at Intercontinental Broadcasting Corporation or IBC noong Oktubre noong nakaraang taon, hindi niya direktang sinagot kung sino ang tunay na may-ari nito. Sa isang Palace press briefing, diretsahang tinanong si Ruiz: โ€œYou vehemently deny that you are the owner of Digital 8, so who owns Digital 8?โ€ Ngunit sa halip na magbigay ng malinaw na sagot, ito lamang ang kanyang tugon: โ€œI donโ€™t know if he wants to be dragged in this issue, but you can check naman kung sino sa SEC kung sino ang may-ari ng Digital 8.โ€ Lalo pang umigting ang pagdududa nang sundan ito ng isa pang matapang na tanong: โ€œIs it someone, a former police officer na na-involve sa isang serious crime?โ€ Pero muli, tumanggi si Ruiz na pangalanan ang tunay na may-ari ng kumpanya: โ€œAhhhmmm, again, check na lang po kung sino po ang may-ari.โ€ EX-PULIS NA SANGKOT SA KRIMEN, PRESIDENTE NG DIGITAL 8? Batay sa Notice of Award ng PCSO sa Digital eight, lumalabas na ang presidente ng kumpanya ay si former police colonel Rommel Miranda, isang opisyal na nasangkot, sa pagdukot at pagpat*y sa isang Chinese businesswoman, na kalaunaโ€™y natagpuan ang b*ngkay sa loob ng isang septic tank. Sa sa isang press conference sa Manila Polo Club noong Disyembre 2024, kung saan tinalakay ang panibagong kontrata ng Digital 8 para mai-ere sa IBC ang lotto draw, nakasaad sa event program na si Ruiz mismo ang โ€œDigital 8 President.โ€ Sa harap ng mga ebidensyang ito, lumalakas ang hinala kung sino nga ba talaga ang may-ari ng Digital 8โ€”at bakit tila pilit itong inililihim. _AMPilipino/AngBalitaNgayon #bbm #marcos #jayruiz #duterte #ampilipino

p๐Ÿ•’d๐Ÿ’ฟk

18,266 views โ€ข 1 year ago